Chapter 24

37 11 0
                                    

╔═════☩══♛══☩═════╗
CHAPTER 24
╚═════☩══✦══☩═════╝

Ilang araw naman naka lipas nang maka punta kami sa palasyo. At hindi narin ako lumabas nun

Ilang araw ko narin hindi nakikita si Primo at naka kulong lang ako dito sa kwarto kasama ang mga libro

Ang plano ko kasi ay lumayo kay Primo at ito lang ang nakikitang kung paraan para lumayo ako sa kanya

Buti nga at nakaya ko to eh pero diko parin maiwasan na ma-miss ko siya. Siguro nagtataka nayun ngayon

Nakatulala naman ako sa harap ng bintana  habang naka sandal sa pader. Wala na kasi akong mabasa eh

Siguro bibili nako sa susunod ng mga iba pang libro sa bayan. Libro lang kasi ang tanging paraan para hindi ako maboring

Bumalik naman ako sa reyalidad nang may tumama na bato sa bintana kaya agad ako sumilip

Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko siya sa labas habang may hawak na mga bato

Ano ang ginagawa niya dito? Tapos ang dami niya pang bato na dala. Balak niya bang sirain yung bintana ko

Gusto ko naman bumaba para kausapin siya pero hindi pwede dahil diko alam ang sasabihin ko sa kanya

Agad ko naman tinakpan ang bintana ng kurtina para hindi ko siya makita. Diko kasi alam ang mukhang ihaharap sa kanya

Agad naman ako humiga sa kama at tumingin sa kisame pero naririnig ko parin ang kalabog ng bintana

Mukhang binabato niya parin iyon, haharap naba ako sa kanya at magpapa-alam?

Kailangan kona rin siguro sabihin sa kanya na itigil na namin ang relasyo na meron kami ngayon

Hindi nga ako segurado kung meron ba talaga. Pero kailangan kopa rin siya kausapin at humingi ng tawad

Napag desisyonan ko naman na bumaba para maka harap si Primo. Buti nga at wala si Auntie eh

Agad naman ako lumabas at hinarap si Primo, tumingin naman siya sakin kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayoan ko

Agad naman siya tumakbo sakin at yumakap agad. Akala ko unang ibubungad niya sakin ay puro sumabat pero hindi

Hindi naman ako nagpa kita ng kahit anong emosyon para ipakita sa kanya na hindi ako epektado

Dahil ang totoo ay gusto kung gumanti ng yakap pero bawal dahil mawawalan lang lahat pinag hirapan ko

Agad ko naman siya tinulak kaya nabigla siya pero nawala rin agad. Gusto niya naman ako hawakan pero umiwas lang ako

"May problema kaba Kelsey? Bakit hindi kana nagpapakita sakin? Ano ba ang nangyari?"

Sunod-sunod niyang tanong sakin habang ako ay nakatingin lang sa kanya

"Tapusin na natin to Primo, ayaw na kitang makita" Sagot ko sa kanya at tumalikod na dahil tapos kona sabihin ang dapat ko sabihin

"Pumayag kaba sa kasal?" Natigilan naman ako sa tanong ni Primo. Oo Primo pumayag ako

"Oo at wala kana dun" Matapang kung sabi para ipakita sa kanya na wala na sakin yun

"Bakit ba sobrang duwag mo? Akala koba ipaglalaban moko? Kaya bakit ka naduwag?"

"Wala akong sinabi na ipaglalaban kita kaya ano ba ang pinagsa-sasabi mo?" Sabi ko at natawa pa

Totoo naman na wala akong sinabi na ganon eh. Nakalimutan naba ni Primo yung mga sinabi ko

"Kelsey alam kung ayaw mo talaga pumayag ay napipilitan ka lang. Kaya pwede pa natin tong gawan ng paraan"

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Where stories live. Discover now