Prologue

0 0 0
                                    


" Ulitin mo! Ano ka bang bata ka walang kang silbe" my mother shouted at me. Naramdaman kong nanginginig na ang buong katawan ko sa sakit. Patuloy pa rin sa mama na pinabubulusok sa akin ni mama ang kanyang water dart.

" Mama, nasasaktan na ho ako, tigil na po" pagmamakaawa ko sa kanya ngunit parang wala itong naririnig. Ilang minuto na lamang ay babagsak na ang aking mg binti sa pagod. Bakit ba ko ganito kahina?

" Isa kang prinsesa! Kailangan mong maging malakas stupida! Ano? magiging wala kang kwentang pinuno?!" Sigaw ni mama sakin. Doon na tumulo ang aking mga luha. Bata pa lang ako, at ramdam ko nang kinamumuhian ako ni mama. Lalo na pagsinasabihan sya ng kanyang mga kaibigan na wala silang nararamdamang kapangyarihan sakin.

" Ma, patawad ma, di ko na po kaya." Sinubukan kong yumakap sa mga binti nya at nagtagumpay namanako subalit imbis na aluin ay sinipa pa ako nito papalayo at dumaplis ang isa sa dart ng sa aking noo. Rumagasa ang malakas na tulo ng dugo sa aking mukha. Pinilit kong tumayo ngunit nanghihina na ang aking katawan sa pagod at sa natamo kung mga sugat.

Tinignan lamang ako ng akung ina ng may pagkasuya, nihindi man lang ako kinarga papuntang manggamot. Di ko na kinakaya at kusa ng tumiklop ang aking mga mata...


~

Malamig.

Nagising ako sa lamig ng paligid, sinigurado ko kung buhay pa ba talaga ako. Nang maramdaman ko ang hapdi ng sugat sa aking noo ay nakasiguro akong buhay pa ko. Tumingin ako sa paligid, sobrang dilim mga alitaptap lamang ang nagpapaliwanag sa paligid. Asaan ako?

" MAMA! " Sigaw ko ngunit walang tumugon, napahagulgol na lamang ako. Bakit kailangan niya akong ipatapon sa gubat?

Napuno ang paligid sa aking pagiyak, ngunit tumigil ako ng may maramdaman akong presensya sa paligid na wari'y matagal na itong nakamasid sakin. Tama nga ako ng hinala ng biglang may tumalon galing sa puno. Winasiwas ng ang kanyang mga kamay at nagkumpulan ang mga alitaptap at mistulang naging lampara ng lalaki. Nakaitim itong roba kaya d ko makita ang mukha nito.

" Mahal na prinsesa" sabi nito at ilang segundo lang ay nakapatong na ang kanyang daliri sa aking noo at nakaramdam ako ng antok.









Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 30, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Aragon Academy Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt