Chapter 2

33K 628 11
                                    

Hindi ako nagsayang ng oras. Hinabol ko si Miggy at niyakap sya mula sa likuran. "Please, don't go. Okay lang sa akin kung wag tayong magpansinan pag maraming tao. Okay lang talaga sa akin, Miggy. Wag mo lang gawin ito.." pagmamakaawa ko. Wala na akong pakealam kung magmukha na akong desperada.

Pinilit nyang hawiin ang kamay ko na nakayakap sa kanya. Ngunit hinigpitan ko pa lalo ang yakap. "Aaliyah, don't do this. Wag mo din gawin yan sa sarili mo.."

"Hindi.. alam ko na kahit konti ay may nararamdaman ka. Hayaan mo lang ako, Miggy. I'm sorry, but I'm desperate. Desperada na talaga ako. Gagawin ko lahat ng gusto mo."

Ilang buntong hininga ang pinakawalan nya bago ako sagutin. "Alright." Aniya. "Pero wala akong maipapangako na kahit ano sayo. Don't expect too much.."

Tinanggal ko ang yakap ko sakanya. Pumunta ako sa harapan nya at tumango sa kanyang sinabi. "Okay lang. Pangako, lalapit lang ako pag sinabi mo."

Hinawakan nya ang pisngi ko. Pinunasan ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko. "You don't deserve me." Marahan nyang sabi. "Masasaktan ka lang sa akin, Aaliyah."

Umiling ako, hinawakan ang mga kamay nyang nasa pisngi ko. "Kaya ko. Kaya kong magtiis. Matagal na kitang gusto, Miggy. And I want this.. so much." Pag amin ko.

Matagal ko ng gustong sabihin kay Miggy ang tungkol sa nararamdaman ko. Kaya naman hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito ngayon. Lahat ng pangaral sa akin ni Mama ay nawala na lang na parang bula. Nakalimutan ko na lahat dahil kay Miggy.

Hindi ko pa rin matukoy kung gaano nga ba kalalim ang nararamdaman ko. Pero gusto ko ito. Kahit na mahirapan ako ay gugustuhin ko pa ring makasama ang taong gusto at pinipili ng puso ko.

"Come on, pumasok na tayo." Aya nya sa akin. Tinanggal nya ang mga kamay nya na nasa pisngi ko bago maunang maglakad.

Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Hindi ako sumabay, nasa likod nya ako. Wala naman kasi syang sinabi na sabay kaming maglakad.

Unang pumasok ng room si Miggy. Nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago na din pumasok. Ayaw ko naman na may makahalata sa amin. Dumiretso na lang ako sa tabi ni Mia. Nanliliit ang mga mata nya habang tinitignan ako. Umupo ako sa tabi nya. Hindi pinansin ang mapanuri nyang tingin.

"Bakit maga yang mata mo?" Tanong nya.

Yumuko ako. "Napuwing ako."

"You're not a good liar, Iyah." aniya. "Lumapit ka kay Miggy kanina. Anong nangyari? Nag usap kayo? Kinain ba nya yung cake? Umalis na ako kanina dahil akala ko ay okay ka na kasama sila. Pero mukhang pinaiyak ka naman ata-"

Nag angat ako ng tingin. Nilingon ko sya at umiling. "Mabait sila. Tsaka, kinain ni Miggy yung cake." Pagsisinungaling ko. Ang totoo naman ay hindi ko alam kung nasaan ba yung cake o kung kinain ba nila o tinapon yun.

"Talaga? Kinain nya? Teka nga.. tatawagin ko-"

"Mia.. please." Pakiusap ko. Alam ko na tatawagin nya si Miggy. Kaya naman pinigilan ko sya.

"Sinungaling ka, Iyah. May nangyaring hindi maganda." May tono ng iritasyon sa kanyang boses. "Kung nag usap kayo, bakit hindi ka nya pinapansin? Kung nag usap kayo, bakit inaakbayan nya si Bea ngayon?"

Sinubukan kong wag magulat sa sinabi ni Mia. Pero gusto kong lumingon, para makita kung totoo ba ang sinabi niya. Ngunit hindi ko na ata kailangan pang gawin yun dahil narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ni Miggy.

"Whoa, Miggy and Bea! Malamang bukas ay mababalita na naman ang paghahalikan nyong dalawa."

Gusto kong umiyak ulit. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Don't expect too much, Iyah. Ginusto ko naman ito, eh. Hiningi ko ito kay Miggy. Kaya dapat kayanin ko.

Sweetest Downfall (#1)Where stories live. Discover now