7

24.8K 420 4
                                    

Andito na sila magkapatid. Yap. She agreed to the proposition of Lolo Arturo. She will try to change his grandson's point of view.

Hindi naman siya lugi. Ang totoo pabor na pabor sa kanya lahat. Magaaral siya ng culinary at partner na siya sa restaurant na pinagtratrabahuhan niya. Next week ooperahan na ang kapatid niya.

Nagaayos sila ng may kumatok.

"So how is everything?" tanong ni Lolo Arturo

"Ay lolo ang ganda ng bahay ninyo. Hindi halata nung magkakwentuhan tayo" sagot ni Ericka

"Nakakatuwa ka talagang bata ka. Samantha, bukas ay umpisa na ng klase mo sa culinary school. 6 mos lang pala ang kinuha mo?" Baling nito sa kanya.

"Opo, gusto ko lang muna kasi matutunan ang basic para may alam din ako sa mga pagkain sa restaurant. Balak ko din ho kumaha sa hapon ng short course sa business."

"Maganda yan. Bakit hindi mo ituloy sa 4 year course then masteral?"

"Saka na po pag natutunan ko na ang operation side nung business"

"Ate, ako ba sa susunod na pasukan sa private school na?" sabat ni Ericka.

"Papagamot ka muna namin tapos pag magaling ka na, ako mismo ang mag eenroll sa iyo sa school na pag aari ng kumpare ko" sagot ni lolo Arturo.

"Ayan, gagaling na ako. Salamat lolo" sabay akap sa matanda.

"Mamaya nga pala pasasamahan kita sa secretarya ko. Bibili kayo ng mga damit na bago." sabi nito

"Wag na po" tanggi niya.

"Wag ka ng tumanggi kailangan mo iyon lalo na at ipapakilala kita sa mga apo ko at sa mga business partner ko."

Tumango na lamang siya.

Kinagabihan, sabay sabay silang naghapunan. Eto ang gabing ipapakilala sa kanya ang kanyang misyon.

"Lo, bakit ba bigla kayong nagpatawag ng special dinner?" tanong ni Daniel.

"May surprise ako para sa iyo"

"Eh nasaan na ho, yan na ba yung gusto kong sasakyan, lo?"

"Mamaya mo na malalaman, hintayin na lang natin."

Hindi nagtagal ay pumapasok na si Samantha. Napakaganda niya ngayong gabi. Pinaganda talaga siya. Ang gupit niya ay sinunod sa uso. Ang make up niya ay simple lamang pero bumagay sa kanya. Mukhang mayaman na siya.

"Eto na pala ang surpresa ko sa iyo"

Lumingon si Daniel at nagulat dahil si Samantha Mercado ang nasa harap niya.

Hindi niya napansin na isang anino ang nagtatagis ang mga ipin at kuyom ang mga palad ang nakamasid sa kanila.

billionaire's questTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang