CHAPTER 36

39 16 0
                                    


Chapter 36

"Take some rest, Elle. Hindi ka man lang umiidlip, tapos ang mga paa mo hindi na tumigil sa kalalakad." nakangiwing saad ni Doc. Gazco.

Wala pa nga akong tulog. Hindi ko rin magawang ipirmi ang mga paa ko dahil inabala ko ang sarili ko sa pag-aasikaso ng pasyente.

Humarap ako sa kanya at sasagot na sana nang makarinig kami ng putukan sa labas.

Nagkatingin pa kami bago sabay na sumilip sa labas. There's a shooting series!

Panay ang pag-papaulan nila ng putok ng baril. Nagkakagulo na at nabalot ng ingay ang paligid. The terrorist already found our location!

Sabay kaming tumakbo ni Doc. Gazco sa labas at lumapit sa iba naming kasamahan. Halata ang gulat sa mukha ng bawat isa dahil sa nangyayari. Hindi inaasahan ang biglaang pagsugod ng mga teroristang ito. Nakapalibot sila sa buong kampo at kitang kita, ang harap harapan na pagbagsak ng katawan ng ilang sundalo.

"Everyone is here?" hinihingal na tanong ni Captain. "Comia, get them on truck."

"Wala na tayong sasakyan, pinasabog nilang lahat,"

"What?!" his jaw clenched. Napahawak siya sa batok niya at pabulong na napamura. Till our eyes met, napabuntong hininga siya bago inayos ang hawak na baril. "We need to move."

Matapos 'non ay nagsuot kami ng bulletproof vest at lumabas na sa kampo. We handed a gun that we can use only if its needed.

Hindi pa man kami nakakalayo ay may malakas na pasabog na nangyari sa mismong kinaroroonan namin dahilan kaya napatilapon ang mga katawan namin. Iginulong ko ang katawan ko para makalapit kay Zin nang makita itong unti-unting ipinipikit ang mata.

"Zin! Don't you try to close your eyes, Zindaya!"

Nang igalaw niya ang ulo niya at iangat ay doon ko nakita ang dugong tumutulo mula sa ulo niya. She caressed her head.

"I'm fine, let's move.." tumayo na kami at halos matumba pa siya dahil sa pagkahilo, mabuti nalang at lumapit si Ethan para alalayan ito.

Nauna silang maglakad sa akin. I raised my gun as I see a shadow from the dark. At napayuko nalang ako at napagulong nang magpaputok ito sa gawi ko. I gritted my teeth. With the use of my left hand, I raised my gun again and immediately pulled the trigger of it to the terrorist. Nang makita kong bumagsak ang katawan nito ay saka lang ako tumayo.

Napalingon ako sa mga medical team member na kasama ko at hindi ko na sila makita. Kahit sina Zin ay nawala rin.

Naramdaman kong may papalapit mula sa likuran ko. Mas humigpit ang hawak ko sa baril at mabilis na humarap sa kanya habang ang hawak kong baril ay nakahanda ng pumutok.

But I freezed when I already notice who is it. Nanlaki din ang mga mata niya dahil sa pagtutok ko ng baril.

"Astrielle," he gulped. Ibinaba ko na ang hawak kong baril at tumalikod sa kanya.

No matter how riot and noise the place is, I can hear my heart beating very loudly as I feel his presence from behind. Mas binilisan ko ang lakad na kulang nalang ay tumakbo ako palayo.

LOFREHO Warriors Where stories live. Discover now