Soulmate 45: Clarence's Choices

22 3 0
                                    

Third Person's POV

Napatigil ito sa sinabi ni Doc Samaniego. Naging tulala habang nakaawang ang bibig at naglandas ang mga luha niya sa kaniyang pisngi.

Kusang tumigil ang pag-inog ng kaniyang mundo at parang isa siyang gusali na pilit itinutumba sa kadahilanang ang pangarap na naisip niyang gustong simulan, ay bigla na lang maglalaho ng ganoon kadali.

Hindi mapaniwalaan kung bakit nahantong siya sa ganitong sitwasyon. Sa buhay ay inakala niyang ang naging pag-iwan ni Alpha sa kaniya noon ay hirap na hirap siyang ipagpatuloy ang kaniyang buhay dahil na rin sa sinabi ng dalaga nito noon. Sa isipan niya ay iyon na ang mahirap na desisyon na nangyari sa kaniya, pero nagkamali siya.

Mag-isang tinahak ni Clarence ang daan patungong rooftop kung saan ay palagi niyang tinatambayan noon kapag may malalim siyang iniisip o gustong magpahangin lamang.

"What am I going to do!? Ayokong mamili kung sino ang ililigtas ko sa kanilang dalawa, dahil pareho ko silang mahal. I don't want to lose my wife nor my baby. Ang hirap! Napaka-hirap!" Bulong nito sa hangin matapos mamilisbis ang mga luha sa pinsgi ngunit para rin siyang nauupos na isang kandila dahil mahirap nga naman ang mamili lalo pa't nakasalalay ang buhay ng dalawang taong importante sa kaniya.

Gusto niyang magwala at isigaw ang lahat ng hinanakit na nasa kaniyang dibdib pero anong magagawa ng isang tao kung ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para paghiwalayin silang muli.

"Ayoko ng ganito! Bakit kami pa! BAKIT?!" He shouted as if somebody else can hear him.

"Nawala na siya sa akin noon, pati ngayon pa ba ulit?" naiyuko nito ng bahagya ang ulo at marahang napaupo sa sahig ng rooftop.

Saktong bumuhos ng malakas ang ulan at umiyak siya ng umiyak.

Ngunit hindi lingid sa kaniyang kaalaman ay nagawa siyang sundan ng kapatid kasama ang asawang si Anton habang naaawang tinitingnan siya mula sa pinto ng rooftop.

"Sa tingin ko, puntahan mo na siya at kausapin Cindy. Alam kong masakit para sa kaniya ang nangyayaring ito, pero kailangan niya ng karamay ngayon."

"Okay. I should go tell him that."

Dahan-dahan ang kaniyang naging paglapit sa nakatatandang kapatid na ngayon ay nasa lapag ng sahig na ito, nakaupo.

"Kuya. . . Like us, gusto rin namin tulungan si Alpha na malagpasan ang pagsubok na binigay sa inyo ng poong maykapal, pero sana naman huwag mong iwan si Alpha na nag-iisa. She needs you, you know that right? Kung may isang tao dito ang nakakaalam para gumaling siya, ay ikaw 'yon Kuya. You should help her, pray for her, and don't leave her in this kind of situation she's facing off right now." Sinserong wika ni Cindy sa nakatatandang kapatid.

Pilit ang pagpapaintindi niya rito na kailangan siya ng kaniyang asawa habang nasa loob pa ng silid kung saan sana ay o-operahan ito doon.

"Thanks, sis. . . Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. . ." Tugon niya sa kaniyang kapatid at napangiti lang ito sa sinabi niya.

Bamaga't nag-aalinlangan pa rin siya na bumalim sa loob ng operating room, nilakasan nito ang loob dahil buhay ng kaniyang pinakamamahal na asawa ang nakasalalay rito.

He decided to save them both. Wala siyang ibang gustong makamit sa buhay kundi ang mailigtas niya lang ang kaniyang asawa't anak.

Silang tatlo ay sabay na bumaba galing sa rooftop patungo sa operating room. Nadatnan nila ang mga kasama na kanina pa'ng nakatayo at hinihintay siyang bumalik para marinig kung ano ang kaniyang magiging desisyon.

"Clarence, anak! Nag-alala kami kung saan ka nagpunta! Kanina ka pa hinahanap ni Doc Samaniego dahil gusto kang papasukin doon sa loob. Sige na, pumasok ka na roon." Pinagtutulakan siya ng kaniyang ina para lang pumasok siya sa loob ng operating room.

My Unexpected Soulmate: (FC Series #3) [COMPLETED] ✔️ UneditedWhere stories live. Discover now