Chapter IX

22.7K 856 27
                                    

 "ANG boring naman ng walang love life," nakalabing sabi ni Rency  habang nag-iisang naglalakad sa may tabi ng dagat. Tapos na kasi siyang mag-ayos ng mga gamit niya at hindi na sinubukan pang yayain si Janine dahil baka ma-istorbo niya lang ito at si Vernon.

            "Sino 'yun?"

            Napatingin siya sa lalaking nakaupo hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Nakatingin ito sa kawalan na tila lumilipad ang isipan.

            Naglakad siya papalapit sa lalaking nakatingin sa papalubog na araw. Mukhang hindi sila nagkakalayo ng edad, mahaba ang mga binti nito, moreno ang kulay ng balat, maganda ang hugis ng mukha at ilong at medyo singkitin ang mga mata. Sa maikling salita isa sa mga perpektong likha na Adan na nakita niya.

            "H-hi!" lakas loob na bati niya.

            Tumingin naman ang lalaki kay Rency at ngumiti. Lumabas ang dalawang cute na dimple nito sa magkabilang pisngi.

            "Pwedeng tumabi?" tanong ni Rency.

            "Oo naman," nakangiting tugon ng lalaki at ibinalik ang tingin sa harapan.

            "Hmmm... Taga rito ka ba?" muling tanong ni Rency.

            "Nope, ikaw?"

            "Ah hindi rin. Napasabit lang ako sa lakad ng friend ko kasama ang barkada ng boyfriend niya. In short, asungot."

            Bahagyang natawa ang binata sa sinabi ni Rency. "I'm Marvin."

            'Sh*t! Siya ang unang nagpakilala! Magkaka-love life na ba ako Lord?!' sigaw niya sa isipan. "I'm Rency," tugon niya at inabot ang kamay ng kausap.

            "Nasaan pala ang mga kasama mo? Bakit mag-isa ka lang?" takang tanong ni Marvin.

            "Ah... Ayun, may kanya-kanyang kasi silang date kahit 'yung friend ko. 'Yun iba hindi ko ka-close. Sina Vernon at Janine lang talaga..."

            "Vernon?"

            "Yep. Siya 'yung boyfriend ni Janine. Si Janine 'yung friend ko. Barakda ni Vernon 'yung may-ari ng resort na ito."

            "I see," tumatangong sabi ni Marvin na nakahawak sa may baba.

            "Teka, ikaw? Bakit ka nandito? Friend ka rin ba nina Kiko?"

            Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Marvin. Sarkastikong ngiti.

            "Oh why? Don't tell me nayayabangan ka rin do'n? Ang angas 'no? Porke gwapo at mayaman. Teka ka nga ulit baka kung anu pang masabi kong masama do'n, sino ngang kasama mo dito?"

            "Wala..."

            "Wala?" takang tanong niya. Alam niya kasing private beach resort ang pinuntahan nila kaya nakakapagtakang may estranghero siyang makilala. "Ah, siguro anak ka ni mang Potpot 'no?"

            Muling nakangiting umiling si Marvin bilang sagot.

            "Eh paano ka napadpad -"

            "Rency!"

            Napalingon si Rency sa tumawag sa pangalan niya kasunod ang pagtayo ng makita ang papalapit na si Janine.

            "Bakit nandito ka? Kanina pa kita hinahanap," tanong ni Janine ng makalapit. May hawak itong ice bag na nakalapat sa may  ulo.

            "Nainip kasi ako sa kwarto kaya lumabas ako. Anong nangyari sa iyo?"

"Ah, wala. Nadulas kasi ako sa C.R. ng kwarto namin ni Vernon. Wala nga ako masyadong matandaan, basta nagising ako nasa kama na ako. Kaya heto, medyo nagkaroon ako ng bukol."

"Nabagok ka? Are you okey na ba?"

"Yeah... Yeah...  Okey naman na pakiramdam ko, mabuti na lang at nakita ako ni babe sa C.R."

"Good to know. Sorry, hindi kaagad kita nadaanan. Inisip ko kasi baka maistorbo ko kayo ni Vernon," sabi  ni Rency. "Oo nga pala, I met someone. Si -  teka, nasaan na'yun?"

            "Sino?" takang tanong ni Janine ng mapatingin sa nilingon ni Rency.

            "Si Marvin. 'Yung poging katabi ko kanina?"

            Napakunot noo si Janine. Wala naman kasi siyang nakita na katabi ni Rency ng lumapit siya dito kaya nga nagtataka siya kung bakit parang mag-isang tumatawa si Rency at parang may kausap pa.

            "He was just here, I swear. Katabi ko lang siya kanina... Kausap ko lang siya," tugon ni Rency habang nakayakap sa mga braso. Nagsisimula kasing yumakap sa balat niya ang kakaibang lamig ng hangin.  'Paano siyang biglang nawala?'

***

***

***

Mas dumarami na ang tauhan sa kwentong ito...

Mas kilalanin natin sila sa mga susunod na chapter...

***

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments...

Thank you so much!  :) :* 

29th of February (Published under VIVA Books)Where stories live. Discover now