Kabanata 12

5 2 0
                                    

Kabanata 12

GETTING TO KNOW EACH OTHER

YIEAL CELESTE POV

Nakakataba ng puso yung nakatulong ka ng hindi kailangan maging ipagmalaki hindi katulad ng mga politiko tutulong na nga lang kailangan pang ilagay sa diyaryo at isa-TV upang kita ng lahat at kailangan ng simpatya ng publiko.

Upang ihalala at maging kagagawaran ng gobyerno ngunit pagnakaupo na ay lumalalaki ang tiyan dahil sinasakam na ang lahat ng yaman ng bansa na sana ay naitulong nila sa mga taong nangangailangan. Edi, hindi sana maraming tao ang naghihirap at isa pang problema ng bansang Pilipinas ang taong may katungkulan sa Gobyerno sila pa yung galit sa mga taong tumutulong sa kapwa nila.

Sa halip na matuwa eh sila pa yung gumagawa ng bagay na dapat naman sana ay hindi na nila pinapakialaman pa ang dapat sanang ginagawa nila eh kung paano mababawasan ang kahirapang kinahaharap ng bansang Pilipinas hindi yung sila mismo ang nagpapalubog dito sa halip na iangat.

Hayyssttt! mga Pilipino nga naman. Masyadong mapaghangad sa kapangyarihan. Anyway, by the way, high way, bakit ako napapunta dun?

Author: Kasi nanghihimasok ka sa problema ng bansang Pilipinas, porque nakatulong ka.

Author nyo pagod na naman. Natural lang nasa bansang Pilipinas ako. Proud naman akong isang Pilipino pero hindi ako proud sa mga Pilipinong walang ibang iniisip kundi ang kapakanan nila kahit natatapakan na nila ang kapwa nila.

"Isa kang huwaran ng mga kabataan sa ginawa mong iyan." kausap ko sa telepono ko habang ako'y nakaupo sa may malapit sa puno at bahagyang nakasandal rito.

"Nawa'y lahat ay katulad niya."

"Ay! kabayong may pakpak!"

Bigla ko naitapon ang cellphone ko sa may damuhan pano ba naman kasi may bigla bigla ba namang iimik sa bandang likuran ko eh, kanina pag-upo ko dito wala namang tao eh. So ano yun? maligno lang!

"Wala pa akong nakikitang ganun." sabi pa nito.

Dahan naman akong lumingon upang malaman kung sino iyong epal na nagsalita.

Thane, izz that you? Siya? Nandito na naman siya sa plaza. siguro sinusundan ako nito.

"Ikaw?!" pasigaw na tanong na sabi ko ah awan basta yun na yun.

"Hmmm. ako nga." proud na sabi nito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Nagmamasyal." maikling sagot niya.

"Eh, bakit ka nandito? pwede ka naman dun, atsaka dun, at dun pa." sabi ko at itinuro ang iba pang lugar na pwede niyang puntahan.

Basta wag lang dito sa pwesto ko lagi kaya akong nakatambay dito atsaka inukit ko na yung name ko dito sa puno noh! kahit hindi ko 'to pagaari basta pwesto ko na 'to dahil nilagyan ko na iyon ng marka. I mean iniukit ko na ang pangalan ko rito.

"Sa gusto ko dito, at isa pa wala namang nakasulat at nagsasabing bawal pumunta at magtambay dito." ani niya.

"Pwesto ko ito kaya di ka pwede dito at kung walang magsasabi na bawal kang tumambay dito, pwes! ako na ang magsasabi sayo na bawal kang tumabay dito, period with tuldok." may diing sabi ko.

"Nahh. walang makakapagpigil sakin." ani pa nito at humilig sa puno ng medyo kalapitan lang din sa pwesto ko.

Hayysssstttt. kainis naman oh. Nauna ako dito eh atsaka pwesto ko to eh.

"Aba't!..." di ko maituloy ang sasabihin ko dahil nakatingin sya ng deritso sa mga mata ko.

Teka! anong problema niya bakit ganan sya makatingin? May dumi ba sa mukha ko? wala naman siguro naligo ako ah bago ako pumanhik dito.

Our Love Can't Last ForeverWhere stories live. Discover now