Chapter 6

3 1 0
                                    


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dahil nagulat ako na nasa harapan ko siya ngayon.

Ganun parin, Mahal ko parin siya walang nag bago. Ganun parin nararamdaman ko sakanya.

Sobrang lapit niya sakin hindi ko alam pero nang lalambot ako. Nanginginig ako sa kaba dahil ito ang unang beses na nag kita kami simula nung nag break kami.

"Sorry, akala ko ito ang kwarto ni Cleine." Sabi niya na nahihiya. Palagi nalang si Cleine, Hindi ba pwedeng ako nalang ulit?

"H-huh?" nauutal na ako kasi sobra talaga akong kinakabahan at naiiyak. Ang sabi ko sa sarili ko bago ako bumalik ng pilipinas dapat handa na ako makita siya na walang nararamdaman. Kaso hindi ko yata kaya. 

Kaya ko ayoko lang subukan.

Hindi ko alam ano mangyayari sakin kung kakalimutan ko na mahal ko siya.

Nakatayo lang kaming dalawa at nakatitig sa isa't isa. Hindi na ito yung dati niyang mga tingin saakin. Nuon may pagmamahal pa ngayon parang wala nalang ako sakanya. 

Biglang nag ring yung phone ko kaya agad kong sinagot ito ng makita kong si Nixx yun.

"Hello? Nixx!" binati ko agad siya at lumabas na.

"Excuse me." dumaan ako sa gilid niya at sinarado ang pinto ng kwarto namin ni Merielle. Nag mamadali akong lumakad papalabas.

"Thank you so much for calling me. Feeling ko mamamatay na ako kanina sa sobrang kaba." Nanginginig parin ang boses ko habang nag sasalita.

"Huh? Pinagsasabi mo? Sabog ka ba Celine baka nalasing kana di pa ako nakakarating intayin niyo ko." Walang ka idea idea si Nixx sa mga pinag sasabi ko. Hindi na niya kailangan malaman.

"Nevermind. Bakit hindi ka pa napunta dito? Anong oras na oh kanina pa kita inaantay." Pumunta muna ako sa medyo malayo sa party para makausap ng ayos si Nixx.

"Before 2 siguro andyan na ako nag ka problema lang." sabi niya sakin.

"Okay okay take care." binaba ko na yung tawag at bumalik na ulit sa table namin ni Merielle.

"Ang tagal mo girl parang naligo na ah." pang aasar ni Merielle. Hindi ko siya pinansin at nakatulala lang sa inumin ko.

Hindi ko alam pero sobra akong naapektuhan nung nakita ko si Zyrich kanina. Bumalik lahat ng ala ala na ayoko na maalala muli.

Naiiyak ako pero ayokong ipahalata kay Merielle. Tumayo ako at kumuha ng alak. First time kong iinom ng ganto pero ayos lang naman siguro.

Nakakita ako ng soju iyun nalang ikinuha ko dahil nakikita ko to sa mga Kdrama na napapanuod ko gusto ko sana itry. Dumaretso ako sa kwarto namin at tinawagan nalang si Merielle. Tinatamad na kasi ako bumalik.

Wala pang ilang minuto ay nasa kwarto na agad si Merielle. Ayoko na sa labas wala rin naman ako ginagawa at nag tataka ako bakit hindi ko mahanap si Mama.

"Ay wow ano yan bakit may pa soju hindi ako ready ha." matuwa tuwang sabi ni Merielle. Pag mga alak talaga nako hindi aayawan ni Merielle.

"Why? Bakit ka iinom. Naninibago ako sayo ha hindi ka naman nag iinom." sabi niya sakin habang nireready na niya yung table namin. Ako ito nakatulala lang iniisip parin yung nangyari sa pintuan kanina.

Bigla akong napatingin sa pinto at bigla nalang nahiya na ewan. Gulong gulo na si Merielle sakin dahil nababasa ko sa mukha niya.

"Baliw ka na ba? Naka drugs ka ba? Kanina ka pa di nag sasalita tulala pa ano na Celine kaya ba?" Hindi ko sinagot si Merielle at binuksan na agad yung soju. Mayroong cups kaya dun ko nalang nilagay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

But I Still Want YouWhere stories live. Discover now