Simula

3 1 0
                                    


Bakit ka nag HUMSS?

Maraming kasagutan pero isa lang ang alam kong sagot ko, iyon ay gusto kong maging abogado. Marami ring nagsasabi na bagay akong sa HUMSS kasi palasagot ako, maraming katwiran at gusto ko maging sentro ng atensyon.

Gustong gusto ko ang atensyon habang nagsasalita ako sa entablado, nakikipag sagutan sa debate at  higit sa lahat gusto ko ang atensyon kasi walang nagbibigay neto sa akin.

"Sure ka sa sagot mo Perez?" I mockingly smile at her and cleared my throat, How dare her use bible verse in a debate. "Ba't ka naglapag ng salita galing sa bibliya? ganon mo na ba ka gusto sumalangit ang iyong kaluluwa?"

They often call me the tigress, hindi ako tahimik pero hindi rin ako madaldal. Mas umaangat ako sa pagsasalita kesa sa matimatiko. That's the reason why I did not took Stem.

" What I am implying here Ms. Hidalgo is that-" I cut her off

"You know that you can't use bible verse sa ganitong usapin Georgia, alam mo yan. Top 3 ka ba talaga?

Parang naiiyak na ito kaya pinatigil na kami ni Miss Mik, magkaibigan kami ni Georgia pero masyado syang paawa kapag debate. Palaging naaiyak kapag naglalahad ng saloobin o hindi kaya ay sisigawan ka nya.

Patapos na ang first quarter kaya nagkaroon kami ng mini debate sa covered court, maraming tao, maraming nanonood.

As what I had said I like attention, but I am not attention seeker.

Kusang napupunta ang attention sa'kin.

They say I have a very filipina face pero kaslaungat nito ang kulay ko, napagkakamalan akong masakitin dahil sa natural na maputla ang balat ko. Matangkad din ako, nasa 5'6 ang height ko kahit nasa Grade 11 palang kami sa SHS. I have bushy brows and an almond eyes.

I don't look approachable kaya kaunti lang ang kabigan ko, I only have 5 friend which I trust the most.

"Gaga ka, paiiyakin mo talaga?" bungad sakin ni Yla, kaibigan ko. We have the same height except na matingkad ang pagka morena nya.

"Ikaw kaya gumamit ng bible verse sa kaso ng rape,"

"Bakit kasi natural na parang nakataas ang kilay mo?"

Ang kilay ko ang isa sa mga asset ko, mabalibo ako kaya madabong ang kilay ko. Natural din itong parang nakataas, that is why I really tend to wear a Glasses kasi minsan na akong muntik makahana ng kaaway dahil sa resting bitch face ko kuno.

"Maiingay ang mga tangkay kanina tapos no'ng nag salita kana beks tumahimik" Tinignan ko ang mga Stem students na ngayon ay gumagawa na ng kanilang mga volcano ba tawag dyan? ewan.

Aalis na sana kami ng sinalubong kami ng mga tangkay na nagtatawanan, ang pinakamaingay sa kanila ay 'yong lalaking nakahead band pa. Malaki ang bunganga nito kakatawa.

Tinignan ko lamang sila pero nagulat ako ng bigla silag natahimik, nahimigan ko kaagad na dahil iyon sa akin dahil tinitignan nila ako.

"Tumahimik kayo iniismiran na tayo ng Humanista oh" tyaka humagikhik sya, yung lalaki kanina.

I looked at them again and smiled, nagulat naman ang mga ito pero kalaunan ay ngumiti rin pabalik. They thought minamalditahan ko na sila.

"HI, naingayan ka ba sa amin?" hindi ko napansin na nakalapit na pala ang lalaki kanina dahil binalik ko na nag atensyon ko sa debate.

"Huh?" walang pakialam si Yla na nag e-earpods sa tabi ko.

"Kamo naingayan ka sa amin? tinitignan mo kasi kami ng masama"

Agad naman akong tumawa ng mahina, me and my normal stare.

"Hindi, tinitignan ko ang kayo."

"weh?" tugon nya ule.

"oo nga" tyaka ule ako tumingin sa harap, ang gwapo pala sa malapitan.

"Ganoon ba? by the way, KD"

nilahad nya ang kamay nya, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba or ano. I mean Im not rude naman pero bakit sya ngapapakilala?

"Bakit ka nagpapakilala?"

agad naman syang namula, did I say something wrong?

"Gusto lang magpakilala ganon"

tinignan ko si Yla sa tabi ko at nanonood parin, wala ba syang pakiramdam?

" A "

"Ha?"

"Call me A nalang,"

"ah, A pala ang name mo"

tingnan ko lang ule sya,

"Are you hitting on me?"

I asked again, ayaw kong nasasayang ang orasb ko.

Ewan ko bakit biglang tumawa sya, sira ba ulo neto?

"luh miss, palakaibigan lang ako."

I just nooded and turn my back at him,

"Ang taray mo talaga, by the way nice meeting you A"

-----

<3

Pathway to Freedom✓|| Strand Series #1Where stories live. Discover now