Chapter 11

105 16 0
                                    

"Amah.." sambit ko nang makita ko si Lola pagpasok ko ng bahay. Lumapit naman ako saka nagmano. "Why are you here? Nakita na po ba si Dad?" tanong ko pa. Simula kasi noong nag-away sila ni Mommy last week, umalis na talaga siya ng bahay. Bumalik lang daw siya rito no'n para balikan iyong mga gamit niya... pero alam kong nagsisinungaling lang si Mommy...

Hindi ko na rin tinanong kung ano bang pinag-aawayan nila that time. Kung ano mang ibig sabihin ng kung sino mang nauna iyong tinutukoy nila ay ayaw ko munang malaman. I'm not yet ready, at hindi ko alam kung kailan pa ba ako magiging handa para roon. Kasi alam kong ikasi-sira pa ng pamilyang 'to kung malalaman ko pa. I don't want Dad to think that I already have an idea... kasi baka tuluyan na siyang bibitaw since aware na ako sa mga nangyayari.

Nakaka-tawa nga, e. Kung paanong masaya ang environment sa school saka naman lumulungkot pagdating dito. Minsan hindi ko na alam kung alin na iyong totoong ako. Ang gulo, sobrang gulo. Kasi simula noong nakaka-sama ko si Dee... hindi na pagpa-panggap iyong saya na nararamdaman ko...

"Not yet. Pero huwag mo na iyong isipin. Go upstairs and clean yourself. You need to rest. Qingchu ma?"

Tumango na lang ako saka sinunod ang sinabi ni Lola. Wala naman akong maggawa kung ayaw nila akong ma-involve sa problema na 'to. Alam ko namang mas mapapanatag sila kung hindi ko na iyon iisipin. They only want me to focus on my studies—iyon lang daw dapat ang alalahanin ko. But little did they know, hindi ko maggawang mag-focus, kasi kahit anong iwas ko ay kusa ko pa rin silang naiisip.

Let's just say that this situation is very inspiring for me to study well, na kahit makapag-tapos man lang ako ay masaya na sila. But how could I even do that when I feel so unmotivated? Ewan, nakaka-ubos ng energy.

Kasabay ng paghiga ko sa kama ang pagbagsak ng mga luha galing sa mga mata ko. Iniyak ko na muna ang lahat hanggang sa maging okay na ulit ako.

"Stay away from Chester."

"I don't want Logan around you, so, please stay away from him."

This chinito guy is so confusing. I won't be surprised if one day he'd tell me to stay away from Xyll and Drex. Gusto niya rin ba marinig mula sa akin na pagbabawalan ko rin siya kay Mary? Tsk. Kung hindi lang talaga sila nag-uusap ulit ni Mary baka maga-aasume na talaga ako ng bongga.

Sobrang awkward nga kanina kaya dali-dali talaga akong lumabas ng unit niya. Kung nasa katinuan pa ako no'n baka naka-sagot pa ako no'n. Biglang hindi ko mahanap iyong confidence na pagpa-pansin sa kanya. One more thing is I can't read him anymore. Hindi na siya iyong tipong pinag-iisipan ko pa kung paano niya ba ako papansinin. Parang simula talaga no'ng nagkwento ako sa kanya, nanlambot ako bigla—which is wrong, mas lalong magiging duwag ako lalo na't alam kong may masasandalan ako.

Kinabukasan ay maaga akong naggising dahil naisipan kong mag-jog. This could save my mental health.

I was warming up outside the house nang mapansin kong naka-open iyong gate ng bahay nina Dee.

Pupuntahan ko sana nang bigla kong maalala ang nangyari kahapon.

You're mad at him, Tori. Remember that.

When 6AM came, I started to jog. Kung sana mahilig lang ako sa pets, edi may kasama ako ngayon. I don't really like pets, ayaw ko iyong mga mabalahibo. I'm not asthmatic naman, feel ko kasi ang istorbo ng mga gano'n. Lalo na kung aso, ang ingay.

Just by the Window (COMPLETED)Where stories live. Discover now