Huling Sandali

1.8K 22 4
                                    

"Huling Sandali"
Stell One Shot AU
Written By: Zeileex_writes

Total Words: 676 Words

Warning: ERRORS AHEAD. Typographical & Grammatical Error. Di ko na naedit haha.
PLAGIARISM IS A CRIME. Don't copy and Re-post.
READ AT YOUR OWN RISK.

Follow Me Here For More!

Facebook Page: SB19 FanFic Stories | Road to 800 na!

Facebook Fan Account: Zeileex Writes

Enjoy!
_____

Author's POV

"Stell, gusto ka niyang makita." Ani ng isang matandang babae sa kabilang linya. Y/n's Mom.

"S-sige po tita, papunta na po ako diyan." Ani Stell.

"Magiingat ka hijo at bilisan mo."

Binaba na ni Stell ang tawag at agad na nagtungo sa bahay ni Y/n. Nang makarating ay tumakbo na siya patungo sa loob ng bahay at naabutan naman ang mommy at daddy ni Y/n na nakatingin lang sa dalaga habang pinagmamasdan nito ang magandang tanawin sa terrace.

Lumapit si Stell sa kanila. "Tita? Tito?"

Napatingin ang dalawa sa kaniya. Binigyan lang nila siya ng isang mapait na ngiti.

"Kagabi ka pa niya gustong makita, pero hindi ka namin matawagan."

"Puntahan mo na siya hijo. May gusto siyang sabihin sa'yo." Nginitian lang niya ang mga ito bago binalingan ng tingin si Y/n na nakaupo sa isang wil chair.

Tila ba may hinanakit na naramdaman si Stell ng makita ang dalaga. Hindi niya kayang matignan ito sa ganitong sitwasyon.

Alam niyang may sakit ito, alam niya na cancer ang sakit nito. Hindi niya alam kung magagawa niya bang ngitian at kausapin ang babae dahil dito.

Mahal na mahal niya ito at hindi niya kaya kung mawawala ang babaeng mahal niya.

Nag simula siyang maglakad at lapitan si Y/n. "Y/n?" Anito ng makarating sa likod ni Y/n.

Napatingin naman sa kaniya ang dalaga.

"S-stell..." Halos madurog ang puso ni Stell ng ngumiti ang dalaga. Gusto niyang umiyak sa harap nito at sabihing manatili ang dalaga sa tabi niya, wag itong mawawala sa piling niya.

Naglakad siya at hinarap ang dalaga.

"Kamusta ka? May gusto ka daw sabihin sa'kin?" Mapait na ngumiti si Stell.

"Meron nga." Sa tono ng boses ng babae nahihirapan itong magsalita.

"Gusto mo bang maupo do'n?" Tanong ni Stell at itinuro ang isang bench.

Tumango naman ang dalaga na ikinangiti ni Stell.

Binuhat niya ang dalaga na parang bagong kasal at iniupo doon sa bench.

"Hindi ka talaga nagsasawang tignan ang view dito." Nakangiting saad ni Stell ng makaupo rin.

Isinandal naman ni Y/n ang ulo niya sa balikat ni Stell.

"When my head is in your shoulder, I feel safe." Ani Y/n.

"When your hand is in my hand, I calm." Animan ni Stell.

"When you are with me, I feel..." Nahihirapang saad ni Y/n.

"In love." Dugtong naman ni Stell.

"K-kaya kita pinapunta... Gusto kong sabihin 'yon. Gusto kong sabihin na, mahal na mahal kita Stell..."

"Mahal din kita, Y/n.."

"I'm sleepy..."

"I'm tired..."

"Gusto ko ng matulog, Stell.."

Hindi na napigilan ni Stell ang maluha.

"Hindi ba pwedeng, mamaya ka nalang matulog. Mahal ko?" Tanong nito.

Tinignan niya si Y/n na nakatingin din pala sa kaniya. Inilahad ni Y/n ang kamay niya at pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ni Stell.

"Sige. Pero pwede bang. Tawagin mo kong binibini bago ako matulog?" Tanong ni Y/n.

"Sige basta mamaya ka na matulog ah..." Anito.

Humarap silang muli sa tanawin.

"Naalala mo ba? Sabi mo dadalhin mo ko sa pinakamagandang lugar. At tanawin dito sa bansa."

"Hmm naalala ko nga."

Natawa ng bahagya si Y/n. "Hindi natupad 'yon. At hindi na matutupad..."

"Don't say that. Hindi mo pa ako iiwan." Luling tumulo ang luha ni Stell.

"Inaantok na talaga ako Stell... Gusto ko ng magpahinga.." Ani Y/n.

"Hindi ba pwedeng next year ka nalang matulog? O kaya bukas, O kaya isang oras pa. Ayaw ko pang matulog ka, ayaw ko pa Y/n..."

"Gusto ko sana, pero. Dinadalaw na talaga ako ng antok."

Napabuntong hininga si Stell.

"Sige. Kung gusto mo na talaga."

"Y-yung pangako mo..." Ani Y/n at sinandal ang ulo sa balikat ni Stell

Nginitian niya si Y/n at tumango.

"Maari ka ng matulog. Binibining mahal ko.." Ani Stell.

Napangiti si Y/n at dahan dahang ipinikit ang kaniyang mga mata.

Kahit pa ito ang huling sandali ng pagmamahalan natin. Ipinapangako ko Stell, mamahalin kita kahit sa kabilang buhay...

"Binibini ko... Salamat sa pagmamahal mo."

The End..

_____

SB19 STELL [ONE SHOT COLLECTION]Where stories live. Discover now