IV

129 12 1
                                    

ELIJAH

"ELI?"

Lumingon si Elijah at bumungad sa kanya ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair. He was a pale and thin guy. May itim na itim itong mga mata at brown na buhok. Nakasuot ito ng hospital gown at may hawak hawak na notebook.

"Seth," nakangiting tawag nya sa pangalan ng binata bago ito nilapitan. Base sa expression ng lalaki ay mukhang hindi nya inaasahan ang pagbisita ng dalaga. Shock and surprise is written all over his face.

"Eli, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?"

She smile at him.

"It already ended hours ago," she answered. "And Vern called me."

Nilingon ni Seth ang lalaking nagtutulak ng kanyang wheelchair. It was a tall man, probably 6'7 in height. May kayumanggi itong kutis at kulay brown na mga mata. He's wearing a long sleeve uniform and black slack. Medyo loose ang pagkakalagay ng itim na necktie nito at nakabukas ang dalawang butones ng kanyang uniporme kaya't kitang kita ang itim na ahas na nakatattoo sa kanyang collarbone. His black top knot hair is tied in a messy ponytail. He's Seth's bestfriend-Vern.

"Tinawagan mo sya?" Tanong nya dito. Ngumiti ang lalaki bago sumagot. "Yeah, instead of hearing you rant about how you miss her might as well just call her here. Mas madali 'yon."

Sumimangot si Seth at siniko ang kaibigan na syang ikinatawa lamang nito.

"So, what happened?" Tanong ni Eli habang inaalala ang text message sa kanya ni Vern.

|Hey Eli are u busy? Pls come to the hospital ASAP. Seth needs u.|

Balak sanang sumagot ni Seth nang pangunahan sya ni Vern.

"Nothing happened, actually. Don't mind my text. Gusto ka lang talaga makita ni Seth" nakangising sagot nito na syang naging dahilan para mamula ang mukha ni Seth.

Muli nyang siniko ang binata.

"Vern-" Vern cut him off again.

"You haven't been visiting him lately so nami-miss ka na nya."

Eli look at Seth who's currently glaring at Vern while blushing. Mahinang tumawa si Elijah. She crouch down and level her face to Seth's.

"Miss mo 'ko?" Nakangising tanong nya dito. Mas lalo namang namula ang pisngi ng binata pagkatapos ay umiwas ng tingin. Napahawak ito sa kanyang batok at nahihiyang tumango.

"I told you i won't be able to visit you for 2 weeks or so. My class started 3 weeks ago, medyo nag-aadjust pa ako sa time at sa dorm. Kailangan ko din makisama sa mga classmates ko. Y'see I've been hanging out with them every after school was over," she hold his hand. "But I'm really sorry I couldn't contact you. I miss you too, Seth."

Ngumiti si Seth at ipinagdaop ang kanilang mga kamay. He intertwined their fingers and kiss the back of Elijah's hand.

"Okay lang. You should go to school properly and make friends. Mas gusto ko 'yon kaysa ubusin mo ang oras mo sa 'kin dito sa ospital."

Ngumiti si Elijah. It's a good thing that he's an understandable guy. Seth is her lover. They've been dating for almost 2 years now.

"I don't wanna interrupt your conversation pero ayaw nyo bang sa loob na mag-usap?"

Sabay na napatingin ang dalawa kay Vern pagkatapos ay mahinang tumawa. Kaagad naman na sumang-ayon ang mga ito. Tumayo si Elijah at pinagbuksan ng pinto sina Seth habang itinulak naman ni Vern ang wheelchair nito. Nang tuluyang makapasok ang dalawa ay sumunod na si Elijah at marahang isinara ang pinto.

Old Habits Die ScreamingWhere stories live. Discover now