PROLOGUE

35 5 10
                                    

PROLOGUE


Naglalaro lang ako ngayon sa garden ng mansion habang wala naman dito sila mommy at daddy sa bahay. Lagi naman sila umaalis kapag Monday-Friday dahil sa business namin.


Ayos naman sakin yun dahil nagagawa ko gusto ko tuwing wala sila.


Pumunta sa mall at maglaro sa timezone syempre kasama si kuya roel ang driver ko.


Sinasabi niya ito kay mommy at daddy pero hinahayaan naman ako nila basta daw huwag ako pabayaan ni kuya roel dahil siya talaga masisi kapag meron mangyari masama sakin. Yun lang narinig ko sa usapan nila dahil umalis na sila mommy at daddy.


Habang naglalaro ako dito dahil sa katatakbo ko para habulin ang laruan kong sasakyan na meron battery at mapapaandar ko rin ito. Di ko namalayan na may bato palang nakaharang sa pagdadaanan ko kaya nadapa ako at nagka-gasgas sa tuhod ko.


Gusto ko nang umiyak dahil walang tao dito kaya walang tutulong sakin. Nasa kusina at kwarto sila naglilinis kaya ako lang mag-isa dito.


Kaso nagulat ako na meron isang batang babae na naglalakad dito may dala pa siyang backpack na may design na dora. Mukhang ka-edad ko lang siya, medyo nagulat din siya dahil nakita niya ko dito at mas nagulat pa siya dahil nakita niya ang sugat ko.


"Tulungan mo kaya ako dito." Masungit na pagkakasabi ko sa kanya. Naglakad naman siya papalapit sakin at tinignan yung tuhod ko na merong sugat pagkatapos ay binuksan niya ang bag niya tsaka may kinuha dun. Band-aid,panyo at tubigan na meron laman na tubig. Una binasa niya kaonti ang dala niyang panyo tsaka pinunasan ito sa tuhod ko.napa -aray pako dahil sa sakit. Sunod na ginawa niya ay nilagyan niya na ng band-aid yung tuhod ko tsaka nilagay na ulit yung tubigan niya sa bag niya tsaka hinawakan niya yung panyong basa at tumayo nah. Nilahad niya yung kamay niya sakin tsaka sumenyas na tumayo nako.hinawakan ko naman nang napaka-diin ang kamay niya tsaka maingat na tumayo. Pinagpag kopa yung likod kong short dahil baka meron dumi dito.


"Salamat." Saad ko bago ika-ikang pumasok sa mansion.hindi naman siya nagsalita, tumango lang siya at umalis na sa harap ko.


"Ohh anong nagyari sayo bakit may band-aid yang tuhod mo at may design pang hello kitty anong nangyari sayo Dylan iho??" bungad sakin ni yaya winter. medyo bata pa si yaya winter halata naman sa itsura niya.


"May winter po kasi labas kaya nadapa ako sa yelo." Biro ko at umupo sa sopa tsaka tinignan ang tuhod ko.


"Ikaw talagang bata ka ohh wag kang masyadong patakbo-takbo dahil baka madisgrasya ka na naman alam mong kami malalagot niyan sa mommy at daddy mo." Sabi niya pah. "Nga pala sino ang nagtulong sayo sa sugat mong iyan??"


"May batang babae po kasi nakakita sakin kanina sa garden at ayun tinulungan ako." Sagot ko naman.Napatango-tango naman siya."Kilala niyo po iyon??"


"Si luna yun anak ni kuya roel mo." Sabi niya naman.ako naman ang napatango-tango. "Bakit crush mo??" tanong niya agad naman akong napa-iling.


"Purket nagtanong lang kung sino crush ko agad??" masungit na saad ko. Natawa naman siya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEST FRIEND (CRUSH SERIES #1)Where stories live. Discover now