Chapter 22 The Fall

1.2K 29 2
                                    

Nagbakasakali sina Bron at binalikan ang truck na naiwan sa may lawa. Ngunit wala na ito doon. Maari ay itoy ninakaw ng iba pang survivors.

Malungkot na nagpatuloy sa pag lakbay ang magkakaibigan. Iniwan nila ang ale sa kubo at pinangakoan itong babalikan nila ito pagkatapos nilang makuha ang bulaklak. Tutulungan nila itong manganak. Isang buwan mula ngayon.

Iisang tube nalang ang dala nilang serum para kay Amelia. Konteng baril nalang ang dala nila. Dalawang baril ang iniwan nila para sa ale. At tinuruan na rin nila itong gumamit. Limitado ang balang dala nila dahil sinigurado nilang may sapat ang aleng iniwan nilang magisa.

Tapat ang init ng araw kahit ilang oras lang ang naka lipas mula ng sumikat ang araw. Sa paglalakbay nila ng tahimik, wala silang masyadong nakakasalubong na zombies. Iilan lang ito at madalas ay carrier pa.

"Kuya, pagod na pagod na ako... Wala ba tayong tubig na dala?" sambit ni Amelia na namumutla na sa pagod.

" Amelia, pasensya kana. Ito lang ang meron tayo." Sabi ni Bron na binigyan ng bote ang kapatid. Konteng konte nlng ang laman nito dahil dati pa nilang tubig ito. " Hindi na ako kumuha ng tubig sa kubo kahit nais mag bigay ni manang. Mas kailangan niya yon.." kinuha niya ang kanyang kapatid at binuhat (piggyback) para hindi na ito masyadong mapagod sa pag lalakad.

Tahimik pa rin ang paglalakad nila. Lalo na si Hannah. Kanina pa hindi nag sasalita o nag rereklamo.

Nakakita sila ng isang malaking puno at naisipang dito muna magpahinga. Humiga si Amelia sa ilalim ng puno na pawis na pawis. Bakas sa mukha ni Bron ang pag aalala sa kapatid.

"Mahahanap pa kaya natin ang bulaklak?" Biglang tanong ni Bron at nakatingin pa sa langit.

Agad namang sumagot si Hannah. " Aba, Bron.. Please. Huwag yang mga tanong na ganyan. Ikaw pa nga nagsabi sa amin, na mahahanap nating bulaklak na iyan. Even if it's almist impossible, naniniwala kami sayo." 
Nakatingin si Hannah kay Bron na halatang pagod na rin.

Tumayo si Hannah.

"O, Hannah, saan ka pupunta?" -Bron

" Hahanap ako ng tubig maiinom para sa atin. Lalo na kay Amelia. Ayokong magpahinga. Hindi kaya ng isipan kong magpahinga. Pakiramdam ko nauubsan tayo ng oras." -Hannah

" Ako na ang maghahanap. "  sambit ni Bron na tatayo na sana pero agad itong pinigilan ni Hannah.

Lumuhod si Hannah sa harapan ni Bron. " Hindi. Dito ka lang kasama si Amelia. She no longer can continue. Mas kailangan ka niya rito kapag nagising siya. Tska ikaw, alam kong pagod kana.." Sabi ni Hannah sabay hawak rin sa mga kamay ni Bron.

" Pero Hannah, hindi naman ako papayag maglakbay kang magisa. " - Bron

Hindi na sumagot si Hannah at hinagkan si Bron. Bron was caught off guard but he didn't hesitate to hug back. At that moment, na realize ni Bron ang pagod na nararamdaman ng katawan niya. Wala pa silang tulog. At kahapon lang ay panay ang takbo nila. Karga niya ang buntis kahapon, ngayon kinarga niya naman si Amelia. Sobrang nangangalay na ang mga paa niya. Napapikit si Bron. Tama si Hannah..

Tumayo si Hannah. " Babalik ako, kapag hindi ako maka balik, hanapin niyo ko."

Ngumiti si Hannah kay Bron bago pa ito umalis.
Tinignan ni Bron ang natutulog na kapatid sa tabi. Patuloy pa rin itong napapawisan. At ang mga labi nitoy tuyo na.

Napapikit si Bron. Sa pag upo niya ng ilang minuto ay di na niya ngayon maramdaman ang mga paa. " Mag ingat ka, Hannah.." bulong niya sa sarili.

Parang naiiyak pa habang papalayo si Hannah sa kanila ngunit punong puno siya ng determinasyon.

' I'm going to hit two birds in one stone. Hahanapin ko rinang bulaklak na iyan, magisa. There's no time to waste. Ngayon, ako naman dapat ang kumilos.' Napaisip si Hannah.

Lakbay, takbo ang hinagawa ni Hannah. Humihinto lang siya para humigop ng hangin at nagpatuloy nanaman.

Huminto si Hannah sa may cliff para sana humigop uli ng hangin nang napigilan siya dahil may napansin siyang makapal na fog sa baba. Napansin niya rin ang sirang bridge na nagkokonekta sa kinayatayoan niya sa kabilang cliff.

Naka lagay sa bewang ang kanyang mga kamay habang minamasdan ang lugar.

" May fog rito sa ganitong oras?" lumingon siya sa ibang direksyon, mainit pa rin amg panahon. Pero tila ang lugar na itoy may sariling buhay.

" May ilog kaya dito? " Napansin niya ang mga kahoy at halaman sa hilid ng cliff na kinatatayoan niya kahit na makapal ang fog.

Yumuko siya ng konte para pagmasdan pa ang lugar na ito. Malakas ang kutob niyang may ilog rito.

Her eyes widen at bumilis ang tibok ng puso nang makita niyang sa ilang metro mula sa sirang hanging bridge, may ginawang hagdan pababa. Hagdang ginawa lang sa lupa mismo ng cliff. Hindi na niya nakikita pa ang ilalim pa nito dahil sa fog.

" Alam kong ito na... " She clutched her fists.

Tinignan ni Hannah ang layo ng nasirang bridge sa hagdan na ito. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam gaano ka lalim ang valley na ito. Tumingin ulit siya sa lumang hanging bridge, may mga sirang parte na ito. Dilikado. Paano na kapag mahulog siya. Hindi na niya mababalikan sina Bron. Napalunok si Hannah pero hindi nawala ang determinasyon niya. Siguradong sigurado na siyang nasa baba lang ang ilog. Ramdam niya ito dahil iba ang hanging naaamoy niya mula rito; presko.

Hinawakan ni Hannah ang hanging bridge. Sinubukan niyang humakbang ng isa muna. Okay naman. Pangalawa, okay pa rin. Pangatlo, hindi na niya mapigilang manginig, malamig ang hangin na nanggagaling sa baba. Lalo siyang nakaka siguradong may ilog nga.

Ang takot niyay unti unting nawawala. Naisip niya sina Bron, Amelia at lalo na ang mabuti niyang kaibigang si Erick.

" Kaya ko to. " bulong niya sa sarili at nagpatuloy na. Mas mabilis na siya kaysa nung unang mga hakbang niya.

Hannah has always been scared of heights pero kinaya niya ito. She pushed herself to the limit. Ilang hakbang nalang at mararating na niya ang hagdan.

*CRACK*

Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napahigpit ang hawak sa hawakan ng bridge. Agad naman niyang nilagay ang paa sa matibay-tibay na kahoy. Tinignan niya ang mga nabasag na kahoy na nahulog sa ilalim.

Tanging puting fog lang ang nakikita niya. Agad nag laho ang mga kahoy na natapakan niya.

Hahakbang na sana siya sa may hagdan at napahinto uli siya.. May narinig siyang mga echo.

' May mga tao??? Naririnig ko, parang may mga taong nagsasalita sa baba? Kung ganon, hindi ito masyadong mataas. Kung ganoon, may mga tao pang pwedeng tumulong sa amin!?' napaisip si Hannah.

Hannah took a step sa unang hakbang ng lupang hagdan. At dahan dahan ng bumitiw sa lubid na hawakan ng bridge.

" AHhh! " Napasigaw si Hannah ng siyay madulas sa unang hakbang.

Sa kasamaang palad, basa ang lupang hagdan dahil sa moist gawa ng fog. Huli na at nabitawan na ni Hannah ang lubid sa bridge.

Hannah's heart sinked as she slowly fell..

' Patawarin niyo ko, Bron...'

Her fear of heights made her lose her senses and as she fall, nawalan siya ng malay.






The Last Flower (ZOMBIE apocalypse) Where stories live. Discover now