7

17 2 0
                                    

Pagdating ko ng Towerville, dumiretso ako mag-ayos ng gamit ko para sa isang lingo naming stay sa site. Its going to be really tiring buti nalang at wala to sa suidad at nakakatulong ang ganda ng lugar sa pagiging stress.

Nagtext sakin si Laini na di na siya makakasabay samin dahil na rin nagtatantrums daw si Graim at sobrang inis sakaniya. Yung dalawang yun, hindi nalang mag-aminan! Halata namang gusto nila ang isa't isa. Pinapahirapan lang nila sarili nila eh.

Nag-aayos parin ako ng gamit ko nung biglang may nagdoorbell sa pintuan, binuksan ko yun at nadatnan ko si Irene na nakasimangot sa harap ng pintuan ko.

"Aba! Kelan mo balak magpakita samin ha?!" Singhal niya sakin sabay pasok sa loob ng condo.

"Can't." sabi ko tapos bumalik sa pag-iimpake sa gym bag ko.

"Saan ka nanaman pupunta?!" sigaw nanaman niya

"Ang ingay mo! Pupunta kaming site tapos dun kami mag-stay. Approx 1 week." Sagot ko sakaniya

"Hoy dati, ikaw pinakamaingay satin!" sabi niya sabay upo sa sofa ko "Kasama mo si Ben?" hindi ko siya kinibo kasi aasarin nanaman ako niyan 

Buti at tumahimik naman siya tapos di kalaunan tinulungan niya na rin ako magiimpake. Buti naman at napabilis yung pag-iimpake ko. Mag 6:30 na eh. 

Natigil lang yung pagtutupi namin nung may nag-doorbell nanaman sa pintuan.

Pagbukas ko nito, natulala nalang ako. Pano nalaman nito na dito ako. Stalker!

"Ang tagal mo eh, kaya umakyat nalang ako." Sagot niya sa nakatulala kong mukha sabay pasok sa loob ng Condo ko

Naabutan ko namang tulala rin si Irene, nung napatingin siya sakin nagpataas-taas siya ng kilay na parang nang-aasar. Inirapan ko nalang. Kainis talaga to!

"Kamusta na, Benjamin!?" sabi niya kay Ben na may kasama pangpalo.

"Okay lang naman, ikaw?" sinagot naman siya nito ng normal niyang tono, malamig.

"Okay lang din."

"Ito ba mga dadalhin mo?" tanong sakin ni Ben sabay turo sa dalawang gymbag saka isang supot, tumango naman ako sakaniya "Ang dami naman."

"Mas mabuti na yung sobra kesa kulangin." Sabi ko sakaniya

"Pwede naman maglaba dun." Sagot niya ulit

"Ayoko maglaba eh, sayang sa oras. Nandun tayo para magtrabaho." Sabi ko kasing cold ng boses niya.

"Okay." Sabi niya sabay buhat ng mga gymbag ko na kakasara lang ni Irene.

"Ako na." sabi ko naman sakaniya sabay abot ng kamay ko

"Ako na." madiin niyang sagot kaya napahinga nalang ako ng malalim at kinuha yung plastic ng sapatos at tsinelas ko.

Tinignan naman ako ni Irene ng malalim sabay tingin kay Ben, naghumalukipkip nalang ako bilang sagot sa pagtataka niya.

"Ill text you, and lock the door." Bulong ko sa kaibigan bago lumabas ng condo at sunod kay Ben.

Tahimik kaming bumaba sa elevator, tahimik din kami sa kalahating oras ng byahe kaya nakatulog nalang ako ng di ko namamalayan.


Nagising ako ng may narinig akong ingay galing sa labas. Boses ni Riley yun. Dumungaw ako sa bintana at nakitang madilim na.

"Ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita muna ginising." Sabi ni Ben sakin na tinanguan ko lang

Lumabas na ako ng kotse at binati naman ako agad ni Riley

"Leia!" sabi niya sabay akbay sakin

"Kamusta ang byahe?" tanong ko naman sakaniya

"Ayos lang naman, sumabay ako dito sa masungit na to." Sabay turo niya kay Don na nakasimagot lang sa cellphone niya.

Wala nga sa mood.

"Ikaw ba? Hindi ba nagsungit yung kasama mo?" bulong niya sakin.

"Hindi ko alam, tulog ako buong byahe." Bulong ko rin sakaniya tapos nagtawanan kami ng malakas

Bigla namang umubo sa likod ko si Ben kaya naman napabitaw si Riley sakin, nakita kong masama yung tingin niya.

"Sungit!" sigaw ni Riley sakaniya na hindi naman niya pinansin tapos tumingin siya kay Don "Sungit!" sigaw niya rin dito "Ang pangit niyong tatlo nila Graim!"

Nginitian ko nalang ulit si Riley at ngumiti rin ito sakin bago ito naglakad papunta sa hotel.

Dala-dala na ni Ben yung mga gamit ko pati na yung backpack niya. Kukunin ko na sana yung mga gamit ko kaso nagderederetso siya ng lakad.

Napakasungit! Makain ka sana jan ng buwaya!

Sinundan ko nalang siya habang nakasimangot. Nasa isang hotel kami malapit sa Calayo. Nadaanan naman namin yung kwarto ni Graim saka Laini na nagtatalo parin sa nakauwang na pinto.

Pumasok si Ben sa katapat nitong room at nilapag yung mga gamit ko.

"Tatlong room lang yung kinuha ng company. Dapat kayo ni Laini magkasama sa room pero ayaw ni Graim. Si Don at Riley naman lagi magkasama." Sabi niya sakin paglapag niya ng gamit ko sa higaan malapit sa bintana.

"Ako kasi lagi mag-isa dati pag may project kami, pwede naman ako kumuha ng isa pang room kung gusto mo." Sabi niya ulit ng napansin na hindi parin ako umalis sa tinatayuan ko malapit sa pinto.

Huminga siya ng malalim at tumayo dala yung gamit niya, akmang lalabas na siya ng pinto ng hinawakan ko yung braso niya. Tinignan ko siya sa gilid at tumigala, hanggang balikat niya lang kasi ako.

"Okay lang, dito ka na magstay. Wag ka na gumastos." Sabi ko tapos lumakad na ako papunta sa kama ko at inayos yung mga gamit ko sa cabinet.

"Sigurado ka?" tanong niya na tinanguan ko ulit habang nakatalikod sakaniya.

Narinig kong huminga siya ng malalim at nagsimula na rin mag-ayos ng gamit niya. Pagkatapos ko, lumabas na rin ako ng kwarto at lumabas ng hotel.

Walking distance lang kasi dito yung resort na aayusin namin kaya nilakad ko to, hindi ko rin kasi kaya mag-stay ng matagal sa iisang kwarto kasama si Ben. Nababaliw lang yung puso ko, halos hindi ako makahinga sa pintig.

Ito naman kasi si Laini, di nalang nakipagbati kay Graim para hindi siya kinocorner! Ayaw tuloy siya pakawalan, imbes na siya kasama ko sa kwarto eh.

Naupo nalang ako sa buhanginan sabay tingin sa buwan. Paano ko ba masusurvive tong linggong to?

Dapat kasi pumayag nalang ako na kumuha siya ng ibang room! Pera naman niya gagamitin niya! O kaya sana ako nalang kumuha ng ibang room. Ano bang iniisip ko kanina?!

Hindi ko namalayan na nagtatapon na pala ako ng buhangin sa harap ko dahil na rin sa frustrations ko.

"Gusto mo kausapin ko si Graim?" tanong sakin ng tao sa likod na si Don pala

"Hindi okay lang naman." Sabi ko sabay tingin ulit sa buwan.

"Bakit kasi hindi kayo mag-usap?" tanong niya sabay upo sa tabi ko

"Si Sheila ba, kinausap mo ng maayos?" tanong ko saknaiya na ikinalaki ng mata niya

"Wag mong ibahin yung usapan," sabi niya ng nakangiti na.

"Nag-usap na kami noon at malinaw naman sakin ang lahat." Sagot ko nalang pero tahimik lang siyang nakikinig kaya tinuloy ko nalang "Malinaw sakin kung ano ako sa buhay niya."

"Iba naman kasi dati, iba rin ngayon."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakaniya

"Kaylangan niyo mag-usap. Kaylangan mo magtanong. Kaylangan niya magsalita. Hindi pa ba obvious?" Sabi niya sabay iwan sakin sa madilim at tahimik na dalampasigan.

Today, Tomorrow, and YesterdayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt