CHAPTER 4: Ramble sa Gym

144 3 0
                                    

Tinanggap ko ang offer ni Taki-kun. So kapag may laban sila, excused ako para sumama sa kanila. Okay din to para mapaamin ko si Ayako... "Assemble team!" Ang tawag ni Kogure sa kanila. Agad namang nag response ang team kasama si Sakuragi na nasa tabi at nagsasagawa na naman ng basic training. "Gusto kong ipakilala ang bagong kasapi ng team natin. Ang assistant manager ni Ayako. Si Kariya Okade." At nag bow ako sa kanila. "Aba Bonsai, assistant ka ni Ayako??? Ows... kaya ka lang naman sumali dito sa team kasi anjan si Kulotzki." Ang pang aasar pa ni Sakuragi sa akin. Nainis ako kaya hinampas ko sya sa ulo ng notebook na hawak ko. "Nako pano ba yan team.. Mukhang hindi na lang ang pamaypay ni Ayako ang sasapak sa atin ngayon. Kundi pati na ang notebook ni Kariya." Ang wika ni Yasuda at nagtawanan kami.. "Asahan nyo yan" ang wika ko naman.. "Oh sya sige na magsimula na ulet tayo ng practice" ang pag awat ni Kogure. "Teka, nasan na si Gori? Di ba natin sya hihintayin?" Ang usisa ni Sakuragi. "Male-late si Akagi. Kailangan nyang umatend sa extra scince class namin". Ang paliwanag ni Kogure. Sina Rukawa, Sakuragi at Miagi on the side, nagtabi-tabi at humawak sa mga baba nila. Tumango tango sila. "Aha, aha." Sabi nila habang sabay sabay na tumatango. Na curious ako kung ano ba ang iniisip ng mga ito eh. "Wag naman kayong mag isip ng ganyan, Physics ang inaaral ni Akagi eh." Tumango sila ulet sabay sabay.. pinalo ulet sila ni Ayako ng pamaypay. "Start na ng magpractice" wika ni Ayako.

Bumilog ulet sila tulad ng ginagawa nila usually. "SHOHOKU!!" Ang sigaw ni Kogure ng bigla na lang pumasok ang isang lalaki na naka-uniform. Dark blue ang buhok nya na aabot sa balikat nya. Medyo tan ang kutis nya. Pero ang pogi nya ha inferness naman. "Miagi, baka naman pwede kaming sumali sa practice nyo." Wika nito. Teka... kilala ko yung kasama nyang tikbalang ah. Si Tetsuo. Lahat kami ay literal na nagulat sa kanila. "Misui" ang bulong ni Miagi sa sarili nya. "Hoy, hubadin nyo ang sapatos nyo. Ang hirap hirap maglinis ng sahig ah" ang saway sa kanila.ni Sakuragi. "Aba Miagi, hindi naman yata mahihina ang mga kasama mo ah. Mukha silang malalakas." Ang wika ni Mitsui. "Tama na Mitsui. Nakikiusap ako sa inyo. Ayoko nang maospital ulet. Kaya kung maaari lang umalis na kayo. Hindi ako makikipag away sa inyo dahil may practice pa kami." Ang pagmamakaawa ni Miagi. "Hindi pa ba malinaw sayo?" Ang wika nya at pinatay mya ang lingas ng sigarilyo nya sa hawak nyang bola. "Narito ako para sirain lahat ng nagpapasaya sayo Miagi. Sisirain ko ang basketball team." Dagdag pa nito. "Ano? Siryoso ba sya?" Ang tanong ko sarili ko. 

Nabigla ako at si Ayako ng makita na sinipa ni Mitsui ng bola si Miagi gamit ang bola. Nang tumiklop si Miagi hinawakan nila ang ulo nito at tinira sya ni Mitsui ng Head bat. Umalingawngaw ang hiyaw ni Miagi sa Gym. Dumugo ang ilong at ngipin nya. Sinundan ito ng isang suntok sa mykha nya. "Matibay ang ngipin mo... ahhh nasaktan din ako dun." Sabi ni Mitsui habang hinihimas ang kamao nya. "Mitsui!" Ang pagtawag ni Tetsuo kay Mitsui hawak ang isang Mop. Kinuha iyon ni Mitsui. "Yung kabila" hinawakan ni Mitsui yung part na bakal "Mas maganda" dagdag pa ng tikbalang na to. Lumapit sya kay Miagi at akmang hahampasin ito ng Mop na iyon. Nang humarang si Sakuragi at hinawahan ang mop. Inagaw nya ang mop at pinutol saby sabi na "Galit na ako" nasa tabi nya si Rukawa na hawak ang isang bata ni Mitsui at sinabi namang "Lagot ka". Naguluminahan sila sa sarili at sinabing "Ano?". Haist parang mga ewan.

"Hindi maganda ang away na to Kariya, kapag nalaman ito ng lahat... tapos na. Di na kami makakasali sa interhigh. At ang pinapangarap namin Nationals... Wala na". Ang paliwanag ni Kogure. Kinabahan ako kasi kakasali ko lang sa Team. Eh yaman din naman na Yakuza princess ako eh di pangatawanan na natin. "Hoy kayong mga Damuhong Daga kayo. Away lang ba talaga ang pinunta nyo dito? Manggugulo lang ba kayo? Anong kailangan nyo?" Ang wika ko habang lumalapit sa kanila. "Kariya, wag kang lalapit sa kanila... hindi sila sumasanto kahit babae." Ang babala sa akin ni Miagi. Ngumiti lang ako at lumapit kay Tetsuo. Dadaanin ko muna sa peace talk ito hanggat kaya kong magpigil. "Long time no see Tetsuo" bati ko with a smile. "Bonsai? Kilala mo pala ang tikbalang na yan? Dwende ka ba?" Pang aasar ni Sakuragi. Napabuntong hininga na lang ako. "Alam mo naman siguro kung sino ako diba? Kaya wag mo akong gagalitin." Wika ko sa kanya. "Princess Kariya, wag kang makialam dito. Alam mo namang hindi kita kayang saktan". Ang sagot ni Tetsuo. "Tetsuo, girlfriend mo ba ang ang dwendeng yan? Swerte mo naman ang cute nya." Wika ni Mitsui. "Hindi Mitsui. Prinsesa nya ng Yakuza na kinabibilangan ko. Kaya oras na saktan ko sya pagpipirapirasuhin ako ng Pinuno namin sa isang iglap lang." Paliwanag ni Tetsuo sa kanila. Alam ko nagulat silang lahat sa nalaman nila. "Kayo, Hawakan nyo ang babaeng ito. Di sya pwedeng madamay." At hinawakan nga ako ng dalawang panget at binantayan.

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Sinaktan nila si Ayako kaya naman kaya naman nagwala na rin si Miagi. Ibinagsak ni Tetsuo sa Sahig si Rukawa at nawalan ito ng malay dahil sa laki ng sugat nya sa ulo. "R-ru-rukawa". Nagsilapitan sila Kogure kay Rukawa at isa isang pinatulog ni Tetsuo si Shiozaki kasama ang ilang pang players. Pinitpit ko ang paa ng dalawang nakahawak sa akin at binugbog ko sila. Alam ko nagulat din sila Kogure sa ginawa ko. Nakawala na ako sa kanila at lumapit na ako kay Rukawa. Nanginginig ang kamay ko ng hinawakan ko duguang ulo ni Rukawa at kinapa ang pulso nya. Nakahinga ako ng maluwag nang makapa ko na ang pulso nya. "Ano ba, sabing tama na eh!" Ang saway ni Ayako habang papalapit ng siya kay Tetsuo. "Ayako, pakiusap. Wag kang lalapit sa kanila baka masaktan ka." Ang nag aalalang pakiusap ni Miagi kay Ayako. "Babae naman? Maganda sya. Type ko sya" ang wika ni Tetsuo na naka tingin kay Ayako na nagulat din. "Ako din type ko sya" dag dag pa ni Mitsui "Ako din" sabi din ni Singkit.

"Ano ba Tetsuo?! Hindi ka ba talaga titigil? Alam mo bang dalikado ang ginawa mo kay Rukawa?! Pwede nyang ikamatay!" Panenermon ko sa kanya at binigyan ko sya ng fying kick. Pinigilan ako ni Sakuragi. "BITAWAN MO AKO SAKURAGI HINDI PA AKO TAPOS SA KANYA! BITAW! BITAWAN MO AKO!!!!" Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makawala. Ang lakas ng mga bisig nya. "Tigil na Bonsai. Ako na ang bahala. Hindi bagay sa isang katulad mo ang maging amasona." Siryoso ang mukha ni Sakuragi nang sinasambit nya ang mga salitang iyon. "Huminahon ka na muna Kariya. Huminahon ka." Ang wika ni Ayako na inaakay ako papunta sa bench. Sa tabi ni Rukawa na may malay na.

Binugbog ni Sakuragi si Tetsuo. Hanggang sa dumating ang apat na ulupong na di ko kilala. Sabi ng isa, sila ang grupo ni Sakuragi. "Si Yohei Mito at ang mga extra" sinapak mga tatlong bata ni Sakuragi si Hotta. "Hindi kami mga extra ano. Ako si Nozomi Takamiya" sabi ng mataba. "Yoji Ohksu" sabi ng may blonde na buhok. "Chuichiro Noma" ang sabi ng mukhang gurang na may bigote. "Ang mga Freshmen galing sa Wako junior high." "In short, the three little eggs." Nang pagkasabi noon ay nagkagulo na sila.

Tuluyan na ngang nag upakan sa loob ng Gym. Mito vs. Mitsui... Noma Vs. Hotta... Takamiya vs. Labing bisugo.. Ohksu vs. Singkit.... at si Sakuragi vs. Tetsuo. Hindi ako makapaniwala sa pambubugbog ni Sakuragi kay Tetsuo. "Pito, pito amg nabilang ko...." siryosong sabi ni Sakuragi at.... Ngayon ko lang makita si Tetsuo nang takot. "Para kina Yasuda at Shiozaki." Sinuntok ni Sakuragi si Tetsuo at bumagsak ito sa sahig. "Meron pa, para sa bola at lampasong sinira mo" dagdag pa nya. "Ikaw ang sumira ng lampaso" mahinang sagot ni Tetsuo. Bago pa sya muling bugbugin ni Sakuragi.. "Ito para kay Rukawa" wika nya at tinapik lang ni Sakuragi ang mukha ni Tetsuo.. "Para sakin yun?" Ang sabi ni Rukawa.. "Nahiya naman ako sayo" ang dagdag ko pa.

Grabe... sa dinami dami ng laban ko noon kasama si Tetsuo ngayon lang sya nakitang nabugbog ng malupet. Ibang klase ka Hanamichi Sakuragi... matutuwa si Daddy pag nalaman nya ang tungkol sayo. Sigurado yun..

Nang Dumating KaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang