21

789 24 20
                                    

AVERY JUNE

Everything is fucked up, 'yon lang ang masasabi ko. 


Nag start ang class ng wala si Heart. Bigla na lang 'to nag laho, kaya si Jaxon todo ang paghahanap. Kaya lumalayo na rin siya sa'min. Actually kaming lahat, we distanced ourselves to eachother. 


Wala ako pinag kwentuhan sa nangyari sa'kin, kahit si Cass, hindi alam. After nung nangyari kay Heart, feeling ko kasi wala akong karapatan masaktan. Kaya hindi ko na lang sinabi sa kanila.  


Ilang linggo na rin simula nung nag start ang class, bihira ko makasama ang mga kaibigan ko dahil nag focus ako sa training at sa thesis ko. Yun lang paraan para matakasan ko ang sakit. 


"Ry!Sabay ka na sa'min!" Tawg sa'kin ni Cass bago ako makapasok ng library. Kasama niya si Xi na walang gana.  


"Ma-y gagawin pa ako" Tipid kong sagot. 


"Dali naa.. sumabay ka na muna sa'min kumain, kailangan mo rin kumain diba? May training ka mamaya?" Pangungulit niya. Tinignan ko si Cass na parang nakikiusap. 


I sighed "Sige na nga" Natuwa naman si Link sa sagot ko kaya agad kaming dumiretso sa canteen. 


Pag katapos namin bumili ng lunch dumiretso kami sa usual naming inuupuan, natigalan ako ng makita ko si Wyatt na nakaupo don kasama si Jaxon. Agad naman siyang napatingin sa'kin, umiwas na lang ako ng tingin at umupo na. 


Tahimik kaming lahat, habang kumakain. Nakakapanibago. Pag ganito kami ang pinaka maingay sa canteen, pero ngayon para lang kaming mga hangin. 


Lalo na't wala na si Kade at Link dito. Bukod sa'kin sila lang naman ang maingay sa'min. 


"Nga pala, baka hindi niyo ko makita sa mga dadating na araw, kailangan ko umattend ng trial" I sighed "Hindi pala kasi ako anak ni Mommy, sila Tita Kassandra ang magulang ko gusto nila ako makuha dati kaya tinago ako ni Mommy, kaya ngayon kinasuhani nila si Mommy ng kidnapping at gusto nila makuha custody ko" I casually said.


Lahat sila gulat na naka tingin sa'kin. 


"Share ko lang, sige alis na'ko" I said at tumayo na. Dire-diretso lang akong lumabas ng canteen, hindi ko na sila nilingon pa. 


Nanghihina ako pumasok sa isang cubicle sa CR at don ko iniyak ang lahat. Bigat na bigat na'ko sa nararamdaman ko. Pero wala ako karapatan mag reklamo, may ibang taong mas mabigat pa sa pinag dadaanan ko. 


Kaya ko naman 'to diba? Kaya ni Avery June 'to. 


I tapped myself at huminga ng malalim. 


Gusto lumabas ni Moy kaya eto binabantayan ko siya sa garden ni Mommy. Okay naman kami ni Mommy, hindi naman ako galit sa kanya dahil tinago niya 'yon sa'kin. 


Pabor nga sa'kin 'yon eh, kung ako ang tatanungin mas mabuti pang hindi ko na lang nalaman. Dahil kuntento naman ako kay Mommy.

Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now