Chapter 3

12.1K 463 420
                                    

Margaux's POV.

"Ouch" daing ko habang binibenda ni Karson ang braso kong na injured.

Luckily, wala namang bali, may fractured lang kaya meaning to say hindi ako makakapagluto ng isa o dalawang linggo.

"Ouch" daing ko ulit.

"You're too noisy" baling sakin ni Audi kaya napatingin din ako sa kanya pero mabilis nyang ibinalik ang tingin nya sa ginagawa nya.

Tahimik lang akong tumititig sa kanya, parang bawat segundo na ganito kami kalapit sa isa't isa ay hindi pa rin kapani-paniwala sakin.

Kunot noo nya kong tiningnan.

"Must you do that?"

"Ang alin?"

"Stare at me, obvious na obvious ka"

Nagbaba ako ng tingin, ang sungit nya talaga.

"Si Chloe, she is confident, you should be like that, hindi ka dapat ganyan, I know you like me but please be a little conservative, just like Chloe"

I just nodded, and gave him a small smile.

Nakadalawang banggit agad sya sa pangalan nito, he must really love her.

Ang swerte mo Chloe kasi ilang taon ka ng wala pero ikaw pa rin ang nagma may ari sa puso ng doktor na ito.

"There, done!" he didn't smile pero I can feel he is proud.

Masaya talaga sya sa propesyon nya, at masaya akong nakikitang kontento sya dito.

"You should take your medicine on time, hindi pwedeng i skip mo yung ganitong bagay"

"I'll just try to remember it-

"Ako na, sige ako na lang ang magpapa-alala sayo"

Napakurap pa ako bago tumingin ulit sa kanya, is he seriously saying that he'll remind me himself?

Magtatanong sana ako kaso mabilis nyang nilabas ang phone nya and somehow it made me happy ng ilagay nya iyon sa mga reminders nya.

Small gesture yet enough to make my heart crazy about him.

"I know, I already told you but stay away from your kitchen for two weeks, kailan mong pagalingin yan para hindi tuluyang ma damage yung ligaments mo"

"Two weeks? I'll think I'll get better in a week lang-

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Chloe is not talkative, observant sya at madalas nagkakasundo kami, hindi matigas ang ulo nya"

"I see" I just nodded.

"You should be taking note of what I am saying, if ever you really want me to like you back, yung mga do's and dont's

"Yeah, lahat ng trait ni Chloe" halos pabulong ko na iyong sabihin and luckily hindi nya pinansin iyon at nag proceed sa pagbabasa ng chart ko.

I tried to smile. I want to do be with him. I asked for this, pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

"Since you are not working, you should accompany me"

"Where?"

"Well, you'll see tomorrow." tumayo ito. Hinubad nito ang suot nyang coat, revealing his dark blue polo na mas nagpa-puti sa kulay nya.

"Okay" yun na lang ang sagot ko.

I stood up dahil uuwi na ako, sana lang may taxi or grab pa.

Nag ring ang phone nya at mabilis nyang sinagot iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Brokenhearted Surgeon (Medseries #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon