Chapter 3

179 9 6
                                    

Nohemi's POV

Bukang-liwayway na't papasikat na namang muli ang araw ngunit hindi man lang ako nagawang dalawin ng antok. Masyadong abala ang isip ko sa pagbabalik-tanaw. Sariwa kong naaalala ang naging pag-uusap namin ni Syra.

That feelings of yours, still lingers right?

You still love him.

Nope, you never stop loving him.

Ang mga salitang 'yon na parati kong iniiwasang marinig, parang boomerang na umuulit-ulit sa pandinig ko.

Aminado naman ako sa sarili ko na wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko. But then, no matter what I have to conceal it.

Kung wala ka ng nararamdaman, then get over!

If you still love him..

Tss. Don't expect me to say 'go on, I support you'. Get. Over! Wala kang ibang choice kundi umahon.

There's no greater agony than bearing an untold feelings inside you. But what can I do? Everyone around me, they keep telling me the same thing,

Let go.

Forget.

Move On.

Damn those words. They have no idea how challenging it is to forget someone you love. Madaling sabihing tumigil na, pero hindi nila alam kung gaano kahirap gawin - mahirap simulan at mas lalong mahirap panindigan. Lalo pa, kung wala naman akong ibang pagpipilian.

Kung ganun lang kadali, bakit hindi? Eh di sana hindi na ako nagkukunwari, sana hindi ko na niloloko yung mga tao sa paligid ko, sana hindi ko na rin niloloko yung sarili ko.

Sa sobrang pagpapanggap ko, maitago  lang yung tunay na nararamdaman ko, hindi ko na rin kilala maging sarili ko. Madalas, pakiramdam ko hindi na ako ang may hawak ng buhay ko.

Nakakapagod.

Nakakasawa.

Araw-araw nagmamakaawa ako sa puso ko na wag na lang siya ang mahalin ko. Pero ang hirap kalabanin ng puso. Mapanakit. Kung pwede lang tanggalin sa dibdib ko, sana matagal ko ng ginawa, kung 'yun lang ang tanging paraan. Pero hindi 'yun ganun kadali.

I always thought, I can tame my heart. Maybe not that time but someday. But that someday became that day, then it became yesterday until it became this day..

..and I still can't. I still found myself, damn in love with him.

Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ko ang malamig na hanging bumalot sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa pasimano at magdamag na tumulala sa kalawakan ng Bridgetown San Rafael, yakap ang mga tuhod at ngayo'y pinagmamasdan ang unti-unting paglamon ng liwanag sa kadiliman. It's a new freaking day for everyone. But here I'am, still stuck from yesterdays.

Napukaw ako sa pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang aking cellphone. Mula sa kinauupuan ay natanaw ko ang nakarehistrong pangalan doon. Naisandal ko ang aking likod sa hilayan habang mariin kong ipinikit ang aking mga mata at saka nanlulupaypay na ibinaling muli sa kawalan ang aking paningin. Heto na naman. Maisip ko pa lang kung paano tatapusin ang araw na ito nang hindi bumibigay, nanghihina na ako. Hindi ko alam kung paano muling gugugulin ang araw, kung saan ulit ako huhugot ng tapang, kung paano kong patitibayin ang sarili. I have to stay firm. I must.

Hinayaan kong tumunog lang nang tumunog ang telepono at hindi na nag-abala pang sagutin hanggang sa tumigil ito. Sa estado ng isip ko ngayon, ayokong makipag-usap sa kahit na sino lalong lalo na sa kanya, dahil baka makapagbitiw lamang ako ng masasakit na salita katulad ng huli kaming nagkausap na dalawa. Alam kong nag-aalala siya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yun. Alam kong nais niya lamang malaman ang kalagayan ko at lingid sa kaalaman niya, I always care. Natatakot lang akong ipakita yun, dahil natatakot akong baka makita niya pati ang bahagi ng puso ko na nais niyang mawala.

You Were Right Here All AlongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora