Hindi Kalokohan

13 4 0
                                    

Dalawang baso sa damuhan,
Sodang kalahati ang laman,
Ngunit kutsara ang iniinuman,
Isang kalokohan.

Haluhalo ng tindahan,
Inuubos ang yelong laman,
Sahog ang iniiwan,
Isa pang kalokohan.

Damong napagtripan,
Singsing ang kinalabasan,
Daliri mo ang pinag-alayan,
"Hi, hindi na kalokohan."

Sa Gilid ng PalayanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang