Chapter 1

488 22 11
                                    

NAPAHINTO ako sa pagbabasa ng libro dito sa library ng marinig ko ang tilian ng mga estudyanteng nagkikwentuhan malapit sa pwesto ko. Napatingin ako sa direksyon nila at maging ang ibang nandito sa loob ng library. Sinaway din sila ng bantay dito sa library na wag maingay. Para silang kinikilig sa pinagkikwentuhan nila. Napairap na lamang ako at ibinalik ang tingin sa binabasa kong libro.

Mayamaya ay narinig kong muli ang tilian nila.

Ano ba 'tong mga 'to? Nasa library sila tapos ang lalakas magkwentuhan? Duon sila sa Canteen!

Ibinalik ko na lang uli ang mga mata ko sa libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Pero hindi yata talaga titigil itong mga babaeng 'to sa pagiingay. Pwede namang magkwentuhan na mahina lang ang boses, hindi ba? At dahil malakas ang boses nila at malapit lang ako kung nasaan sila, hindi ko maiwasang hindi marinig ang pinagkikwentuhan nila.

"Oh my god! Ang gwapo talaga niya!" maarteng sabi nung isang babae habang kinikilig.

"Oo nga, tapos ang hot niya! Tingin niyo bagong teacher 'yon dito?"

"Yun daw yung Student-Teacher ni Mrs. Dela Cruz eh. Sayang, di nagtuturo saamin si ma'am."

"Ay, buti saamin nagtuturo si ma'am. Ibig sabihin makikita ko siya araw-araw!" kinikilig na sabi nung isa at pinagpapalo yung lamesa dahilan para mapalabas sila.

So, yun pala yung dahilan ng pagtili nila. Yun yung dahilan ng pag-iingay nila at makaistorbo ng taong nananahimik na nagbabasa ng libro dito. Dahil lang sa student-teacher na 'yon na "gwapo" at "hot" daw. Hay nako!

Isinara ko na yung libro at isinoli sa lagayan nito. Saka ko na lang ulit babasahin ito. Nawalan na ako ng gana. At saka kailangan ko na rin bumalik sa classroom at mag-uumpisa na ang klase ni Mrs. Dela Cruz.

Oh, wait! Does that mean na makikita ko yung sinasabi nilang student-teacher? So, ibig sabihin, magtuturo din siya saamin? Okay.

Habang naglalakad ako papunta sa room namin sa 3rd floor ay may nakita akong mga babaeng estudyante na sumisilip at nagsisiksikan sa pintuan at bintana ng faculty ni Mrs. Dela Cruz. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako papunta doon. Sinilip ko kung ano yung pinagkakaguluhan nila doon at ang nakita ko ay si Mrs. Dela Cruz na iiling-iling at sa tabi niya ay isang matangkad na lalaki, tingin ko mga nasa 20 na siya. Nakayuko yung lalaki kaya di ko makita yung mukha niya. Anong meron?

Biglang napatingin yung lalaki dito sa direksyon ng mga babaeng nagkakagulo kaya nagtilian sila. At kung hindi ako nagkakamali, nagtama ang mga mata namin! Mga ilang segundo bago naputol ang tinginan namin at ibinalik niya ang pansin sa ginagawa niya. Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng maramdamang parang bumilis ang tibok nito.

Umalis na ako after nun. Walangya! At bakit ang init ng pisngi ko? Para akong nilalagnat sa sobrang init. Wtf!

Nakarating ako ng classroom na yun pa rin ang iniisip. Teka, bakit ba? Ano naman kung nagkatinginan kami? Tsk! Umupo na ako sa upuan ko na nasa likod. Mas gusto ko dito dahil masyadong magulo at maingay sa harapan.

Mga ilang minuto rin ang lumipas ng pumasok si Ma'am Dela Cruz sa room. Wala siyang kasama. Siya lang mag-isa. Huwag kayong mag-isip ng kung ano dahil wala akong inaabangan. Wag kayo!

"Goodafternoon, class!" bati ni ma'am matapos niyang ilapag ang kanyang gamit sa teacher's table.

Sabay-sabay na tumayo ang mga kaklase ko kaya tumayo na rin ako para bumati. Pagtapos ay umupo na rin kami.

"May sasabihin nga pala ako sainyo. Panigurado, alam na 'to ng mga babae niyong kaklase." mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni ma'am.

Nagtilian at hiyawan ang mga kaklase kong babae.

"Class, magkakaroon kayo ng student-teacher. Sa mga hindi alam kung ano yun. Student teacher, is a graduate student who is teaching under the supervision of a certified teacher in order to qualify for a degree in education." ngumiti siya saamin.

Napatingin si ma'am sa pintuan at ngumiti.

"Oh, narito na pala siya. Class, meet Mr. Liam Morrison, your student-teacher." kasabay nun ay ang pagpasok ng isang lalaki.

Yung lalaking nakita ko kanina sa faculty ni ma'am. Yung lalaking nakatinginan ko. At yung lalaking pinaguusapan ng mga babae kanina sa library.

Humarap siya saamin at masayang ngumiti. Ang ganda ng ngiti niya, yung labi niya ang pula na parang nakalipstick-- wait! Ano 'tong pinagsasabi ko?

"Hello, class! I'm Liam Morrison, nice meeting you!" bati niya saamin.

"Hello Sir Morrison!" sabay sabay na bati ng mga kaklase ko. Pero walang lumabas na kahit ano sa bibig ko.

"Since ito ang first day ni Sir Morisson dito sa section niyo, hindi muna siya ang magtuturo sainyo. 1 week niya kayong oobserbahan saka siya magtuturo. Sir Morisson, you may take a seat now." nakangiting sabi ni ma'am.

Tumango naman si Sir Morrison, saka humanap ng mauupuan. Puno at wala ng bakante sa harapan, at dito sa pwesto ko, may apat na upuan pang sobra at walang nakaupo. Nang mapatingin siya dito sa likod, agad na siyang naglakad papunta dito.

Iniwas ko ang tingin ko at itinuon sa harapan. Iniiwasan kong magawi ang tingin ko sa kanya. Mayamaya may narinig akong nag 'ehem' at nakita ko siyang nakatingin saakin.

"May nakaupo ba dito? Pwede ko ba mahiram yung upuan?" sinabi niya yon ng nakatingin sa mata ko. Napalunok ako.

"Ahm, sige lang Sir! W-wala namang nakaupo jan." iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Okay, thank you." hindi na ako nagsalita pa. Hinila na niya yung upuan at dinala sa bandang likuran.

Nagsimula ng magturo si ma'am kaya nakinig na ako. Pero hindi ako mapakali. Hindi ako makapag-focus sa lesson. Ano bang nangyayari saakin? Ba't nagkakaganito ako? Kanina nung nasa library pa ako, okay pa naman ako. Simula ng makita ko yung student-teacher na 'yan at nung nagkatinginan kami, naging ganito na.

Di ko alam kung anong nagtulak saakin na lumingon sa likuran ko kung nasaan siya. At laking gulat ko ng makita kong nakatingin din siya saakin at nagtamang muli ang mga mata namin!

What the hell?



Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Feb 06, 2017 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

That One Complicated LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu