Chapter 49: Big sis

3.2K 152 15
                                    

Kaito Asher POV

I woke early and do my morning routine which doing some exercise then bathing. After bathing, I wore my uniform, it's a golden uniform.

Lumabas na ako ng dorm at pumunta sa classroom ko. Excitement and nervousness was filled whole over my body. I am gonna see my big sis! For so many months that I thought she is dead but it turns out that she is alive! Being reincarnated in another's body.

I'm in front of Royal Gold Section, dito daw ako papasok because daddy is a royalty daw. Well, Daddy is the son of Queen Demonica and Leader of the Foxes. Automatically, me and big sis are royalty too.

I knocked the door. It open, a girl with blue hair faced me.

"Why po?" She asked me innocently.

"New student" Maikli kong sabi. Yeah she's cute but I don't care.

"Ahh, come in po." Sabi niya at bumalik na sa upuan niya. Pumasok na ako at sinara ang pinto. Nilibot ko ang paningin ko. May nakatingin sa akin ng nagtataka, may walang pake, may isang sulyap lang tapos babalik sa ginagawa.

Kanya-kanya ang mundo nila. Maliban doon sa likod, lively at maingay doon. Nagku-kwentuhan, nagtatawanan, naghaharutan. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa likod.

Nalipat naman ang tingin nila sa akin. Ngumiti ang ilan habang ang iba ay nakatitig sa akin.

"Hi! Transferee?" sabi nang babae na kulay blue and mata at buhok. She looks childish because of her style, lollipop and two pony tail.

"Yeah."

"Welcome!" Sabay-sabay na sabi nila. I blink my eyes and smile a bit. I'm not that friendly so if you find me rude not greeting them back, I don't care. Umupo ako sa tabi ng isang babae na may kandong na bata. May empty seat pa naman sa tabi nito, ito siguro yung upuan ng bata pero kumandong siya sa babae.

Nakatitig sa akin ang babae at bata. Their stare seems to dig my soul. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig nila, lalo na sa babae. D*mn! Ganon na ba ako ka-gwapo kaya na-inlove na agad sila sa akin?

"Keira, nasaan pala si Ace?" Tanong ng isang lalaki na may kulay puti na buhok at mata, dito sa babae na katabi ko.

Natigilan naman ako dahil sa narinig ko.

'Keira, nasaan pala si Ace?'

'Keira, nasaan pala si Ace?'

'Keira,'

'Keira'

'Keira'

Nagpa-ulit-ulit ang sinabi nang lalaki na 'yon sa utak ko. Parang sirang plaka at ayaw mag sink in sa utak ko. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang nagkakarera. Bumibigat din ang paghinga ko.

'Keira' Ang pangalan na 'yan. Pangalan ng ate ko! Nanlalaki ang mata akong tumingin sa babaeng katabi ko na ngayon ay kausap nung lalaki kanina, kandong parin niya ang bata.

"Ate..." Naiusal ko nang hindi ko namamalayan. Napatingin siya sa akin, nagtama ang paningin namin. Kita ko ang pagkislap ng kulay violet niyang mata, kakulay ng mata ni Ate.

"Asher..." Rinig kong usal niya. S-siya nga! K-kilala niya ako! Siya si Ate! Ramdam ko na nang-iinit ang mata ko. Dali-dali namin niyakap ang isa't-isa. I felt a warm liquid dripping down to my cheeks.

"Ate...I miss you!" sabi ko habang umiiyak at mahigpit na niyakap siya. Rinig ko na humikbi siya at suminghot.

"I miss you too Asher." Sabi niya at hinigpitan din ang yakap. Grabe naman 'to, papatayin ba niya ako? Sobrang higpit naman.

"A-ackk." Daing ko kaya napabitaw siya sa yakap. Napasinghap naman ako ng hangin. Nawalan ata ako ng hangin doon. Ang higpit naman no'n.

"M-may g-alit ka ba sa akin?" Sumisinghap ng hangin na sabi ko. Ngumiti naman siya kaya nagmukha siyang inosente, hindi naman inosente.

"Sorry na. Na-miss lang talaga kita!" Sabi niya at sinuntok ang braso ko. Napadaing naman ako doon, kahit kailan talaga, mapanakit siya.

"Tse!" Sabi ko nalang. Natawa naman siya at sinampal ang kaliwa kong pisngi. Napadaing ulit ako doon samantalang siya ay natutuwa.

"Bakla ka parin hanggang ngayon, Asher." natatawa niyang sabi. Sumimamgot naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"Eh ikaw, mapanakit ka pa rin hanggang ngayon." nakanguso kong sabi. Tinawanan niya lang ako kaya lalo akong napasimangot. Bakit ko ba na-miss itong babaeng 'to? Mapanakit naman siya, tsk.

"Alam mo? Miss na Miss na kitang bakla ka!" sabi niya at kinaltukan ako. Hinampas ko naman siya sa braso, yung malakas na hampas yung tipong masasaktan siya.

"Miss na Miss din kitang sadista ka!" Sabi ko, nagkatinginan kami at sabay na tumawa. Baliw lang 'no? Si Ate lang naman ang baliw sa aming dalawa.

Sobrang saya ko talaga, nakita ko agad si Ate. Akala ko matatagalan pa ako sa paghahanap sa kaniya dahil nasa ibang katawan na siya, but it turns out that we are just seatmate.

"Ehem!" Natigil kami dahil may tumikhim. Tumingin kami doon sa bata na naka-cross arm habang nakatingin sabamin ng nakataas ang kilay

"By the way, Asher siya si Ash Neil, anak ko haha." Pakilala ni Ate sa bata na ikinalaglag ng panga ko, literal. Malalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanila..

"WHAHAHAHAHAHAHA" rinig kong halakhak ni Ate at humawak pa sa tiyan niya. "Taena HAHAHA ANG EPIC NG MUKHA MO, BRO!" sigaw niya habang tumatawa.

Hindi ko na siya pinansin, maging ang mga matang nakatingin sa amin kanina pa. Masyadong blanko ang utak ko dahil sa sinabi ni Ate.

Paano siya nagkaroon ng anak? Nabuntis ba siya? Sa pagkaka-alam ko ay tomboy 'yan si Ate. Argh! Paano nagkaroon ng anak si Ate?! Hindi nga siya nagpapahawak sa lalaki eh, kaya paano?!

Siya nga mismo ang sumusuntok sa lalaking nanliligaw sa kaniya tapos paano siya nagkaroon ng anak?!

"P-paanong n-nangyari yon?" tanong ko sa kaniya, tumingin siya sa akin at ngumiti ng malaki. Yung ev*l smile niya na 'yon, tsk.

"Secret." Sabi niya at nag-wink sa akin. Nakipag-fist bump pa siya sa bata na si Neil. I'd like to call him Neil, baka kasi malito, parehas kasi kaming Ash.

"P-pero, a-ano 'to? I-instant Tito na ako?" hindi makapaniwalang sabi ko. Natatawa naman na tumango si Ate kaya napakurap ako ng mata at tumingin sa bata

"Oo, HAHAHAHAHA epic talaga ng reaksyon mo." sabi niya at tumawa. Hindi parin ako makapaniwala, ang bata ko pa. Hello? I'm just 17 years old for pete's sake! Tapos Tito na ako!? Akala ko ba kapag nag-twenty-five pa si Ate magkaka-anak?

"Ahhh! How the hell!? I'm too young to be an Uncle!" Sigaw ko, natawa ulit si Ate. Argh! Pinagtatawanan pa ako ng sadista na 'to. Inirapan ko nga siya.

"Hey Uncle!" Nang-aasar na sabi ng bata at ngumisi, naiinis naman ako, how dare he!? But the hell!? He can smirk even he is.. Uhm he looks like 5 years old, wow I think this kid is unique.

But still, I'm displeased!

"Don't call me uncle, you kid! I'm too young to be called an Uncle!" Singhal ko sa kaniya, ngumisi lang siya na parang natutuwa siya sa reaksyon ko.

Arghh! Nagmana yata ito sa nanay niyang sadista! Napakahilig nila akong inisin!

"Whether you like it or not, you are now an old creature and someone will call you Uncle and that's me." Mayabang na sabi niya.

Nagmana nga siya kay Ate!

"Arghh! Ayaw koo!" Maktol ko. Ayaw ko! Tatawagin na ako ng Tito tapos siya na ang bata. Huhu tapos anak siya ni Ate, kaya siya na ang magiging baby ni Ate! Hindi na ako yung baby ni Ate, nakakalungkot. Pighati ito mga bess.

"Ayaw din naman sayo." Pabalang na sabi niya.

Aba't! Pigilan niyo'ko! Masisipa ko 'to papuntang Mars!
































Reincarnated In A Prince's BodyWhere stories live. Discover now