My Stupid First Kiss

8.7K 93 11
                                    

First kiss? Yan ang pinakaexciting at pinakaasam asam na FIRST natin.  For me I want it to be perfect. Minsan lang kaya yan nangyayari. First nga diba? Perfect place, perfect moment with the right person. Not the perfect person. I mean, nobody’s perfect. Ano siya? Diyos? Hehehe… Gusto ko, kapag nangyari na yon, itataas ko ang isang paa ko. Like sa Princess Diaries. Hahaha…Copycat…Ang daming rules no? Eh gusto ko eh.

DOCUMENTARY……….roll VTR!

Ang aking unang halik na napakasweet..biruin mo? Nasa loob kami ng classroom naghahalikan na para bang nagkakahiya kasi walang tao at kami lang dalawa ang nasa loob nito. Yung tipo na kikiligin at nakakalilabot na sandal. Ang tamis pala ng halik ng ibang tao kaysa halik ko. –GERETH

Nakakasakit mang isipin pero masarap paring balikbalikan ang tamis ng aking unang halik. Nangyari ito sa isang pedicab kung saan patago kaming nagdidate ng first kiss bf ko (kung tutuusin siya ang unang lalaking dumurog sa puso ko). nakakakilig pala kapag patago lang kayong nagsasama…hehehe…sa pinaka unang pagkakataong naglapat an gaming mga labi sabay ang malakas na kabog sa aking dibdib at muni muni na baka may makakita sa amin ay hindi komaiwasang pumikit at lasapin ang kanyang pag ibig sa kanyang matamis na halik –GOLDIE

My first kiss ay ewan(hehe). Mabilis kasi ang mga pangyayari ng gabing iyon. Pagkatapos ng disco, pumunta kami sa liblib na lugar at nag date kami. Nasa gilid lang kami ng isang bahayat sa madilim na bahagi. Niligawan niya ako ng time na yon. Medyo matagal din ko siyang sinagot. Ang kulit niya kaya sinagot ko siya para mahinto na siya, anyway cute kasi siya! (haha). At don..niyakap niya ako at hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi ko inakalang hahalikan niya ako. Mas na shock pa ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi (kilig). Nung nalasap niya ang labi ko, naitulak ko siyang malakas dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. First time kasi iyon. Niyakap niya nalang ako. Pag may taong dadaan o may kumaskas, pinapalayo ko siya at pinapunta sa likod ng bahay na yon para di kami Makita. – GINA

First kiss…..

Peter. ;) well yon ang pangalan niya. Sarap nga niyang humalik ehh! Napaungol nga kaya ako! Hahaha…..2nd year palang ako non, ang gusto, magbreak den agad kami. Parang kidlat…ang bilis naglaho…hahayyy…! Ang tamis talaga ng unang halik! Hahaha!-CLAIRE

My first kiss was him. Hahaha…papatalikod na ang kapatid ko noon at bigla niya akong hinalikan sa labi. At biglang bigla talaga ako at syempre speechless sa ginawa niya. Pero hirap itago ang kilig, napatawa ako sa ginawa niya. –KLAYD

First kiss….simple lang….. I never had my FIRST KISS!- BEVERLY

Wala! – THERESSE

And stop!!

Tapos na ang documentary! True story yan ha! I interviewed them!

Haaayyy…ang unang halik nga naman oo! Nakakabaliw. Except for the last two people. Never been kissed pa kasi sila.

Ikaw? anong kwentong first kiss mo?

 Alam kong mababasa ito ni Mama! Kaya ma! PLEASE VOTE! COMMENT! RECOMMEND! Hahaha..iloveyou! kayo rin!

                                ------------------------------------------------------------------->

My Stupid First Kiss [COMPLETED]Where stories live. Discover now