Eighth

1.4K 27 1
                                    


“ TEMPURA!?”


lumaki ang mga mata ko. dito niya pala ako pakakainin. Sa tabi tabi? Streetfoods! Akala ko pa naman sa fast food restaurant. Kumakain naman ako ng tempura pero doon lang sa mga japanese restaurant.

“ bakit?ayaw mo!? Akala ko gutom ka? Oh heto na! ililibre kita!”

Ito ang ipapakain niya sa akin? Parang ang dumi nito.

 “ hoy! Hindi madumi ito! Atsaka, kailangan ng katawan natin ang bacteria kaya huwag maarte.” Nabasa niya ang iniisip ko. Lumingon siya sa tindero. “ kuya, dalawang tag 10 po”

Kailangan ba talaga? hindi ko alam yon ah! Hiniwa na ng tindero ang tempura. Inilagay sa silver na karton na lalagyan.

“ oh! Sayo yan!” pagkakuha ni Emery.

Kinuha ko ito. Kakamayin ko ba to? and  may sauce to dapat diba? Sorry! Mangmang po talaga ako pagdating sa mga streetfoods. Kinuha ko ang isang kapiraso na tempura gamit ang kamay ko.

“ Oy!” pinigilan niya ang kamay ko nang susubo na sana ako. “ Huwag kang bopols!” kumuha siya ng stick at ibingay sa akin. “ gamitin mo yan!” hawak ko na ang stick at tiningnan ko lang ito.

“ mabubusog ka niyan! Tusukin mo tapos ihatid mo sa bibig! Ano ba yan! Hindi marunong!” kinuha na ni emery ang tempura niya at kumuha ng stick. Nilagyan ng sauce na  nasa bote. Sooo…ganyan pala. Pagkatapos nilagyan ng pepino. Not bad! Cucumber. Sinunod ko ang ginawa niya. Kinain ko na. OII! Delicious naman pala eh. Kain lang ako ng kain pati siya.

“ hi miss!” sabi ng lalaki na nasa likuran lang namin. Mukhang tambay at walang suot na tshirt. At ang daming piercing. Di lang to pinansin ni Emery.

“ oi! Miss! Lumingon ka naman!” lumapit siya sa amin pero wala pa rin si emery.

“ miss! Number mo!” kulit nito ah. Tumigin ako kang emery. Nagshrug lang siya, meaning don’t mind him. Tapang rin nito ah.

“ pahingi naman oh miss!” bumili ka ng sa yo.

“ anong pangalan mo miss?” sumusobra nato ah.

“ pre! Respeto naman oh! Ayaw sa yo ng babae.”sabi ko. hindi ko na napigilan ang inis at galit ko.

“ sino ka ba? Miss ka ano anu mo to!?”


“ BOYFRIEND niya!” sigaw ko! ang bastos kasi nito eh. Susuntukin ko talaga to.

“ ay sorry pre! Hindi ko alam!” pagkatapos ay umalis na. buti naman at naiintindihan niya.

“ bakit mo sinabing Boyfriend kita?” siya pa ang galit? Pinagtanggol ko na nga siya sa balasubas na yon!

“ hindi titigil yon kapag di ko sinabing boyfriend mo ako! Tingnan mo! Umalis!”

“ ehhh….”

 


Emery’s POV


Sa totoo lang! natatakot talaga ako sa lalaking iyon.  tawag siya ng tawag sa akin. Di ko nalang pinapansin. Gusto kong umalis pero nakikita ko kasing sarap na sarap si Evan sa pagkain baka gusto niya pang kumain kaya wala lang akong care. Nagtatapang tapangan lang ako kaso ayaw niyang tumigil eh. Gusto ko na sana siyang sagutin pero naunahan ako ni Evan.

Pinagtanggol niya ako. Okay…okay……oo aaminin ko. na touched ulit ako, for the third time! Hehehe….bilangin ba!? Pero medyo ako nagalit ng sinabi niyang boyfriend siya. Eh kasi, mahal ko si Aiden. Hindi ko siya kayang ipagpalit. Kamamatay nga lang nun tapos nakikiharut ako sa iba. Kahit na dahilan lang yon ni Evan ang pangit tingnan.Weird ko no? kung buhay pa sana siya, siya sana ang nagtanggol sa akin.

Alam kaya niya na matayan ako ng boyfriend? Siguro naman! Pinagsabihan na siya ng mga kaklase ko.

Napukaw ang isip ko nang may nagtaas sa akin. Kinarga ako ni Evan. Tapos kinuha ang slippers ko at itinapon. aba! Swinitch niya ang pagkarga sa akin into bagong kasal karga. Gago to ah!

“ ibaba mo ako! Evan! Ang tsinelas ko! oi! Wala na akong tsinelas!” kinaway kaway ko pa ang mga paa kong madumi.

“ huwag kang malikot dyan baka mahulog kita! At saka hindi yon size mo!”

“ evan!!!”

“  hindi na tayo kakain doon!” with authority niyang sabi habang naglalakad siya at buhat buhat pa rin ako.

Napatingin ako sa kanya. Napakaserious niya. Ngayon ko lang siyang nakita ng ganito. Dahil ba to sa nangyari kanina? Sa pagbastos ng lalaking iyon sa akin? Hindi na lang ako pumalag. Hinayaan ko na lang siyang kargahin ako. Alam kong gasgas na to, pero sasabihin ko pa rin to, I’M TOUCHED for the 4th time! Hehehe….pinagtitinginan lang kami ng mga tao.

“ ang sweet nila oh!”

Tapos may couple rin. “ honey! Gawin mo naman sa akin yan oh!” ng babae sa boyfriend niya. Nahihiya na ako. Hindi ko kasi boyfriend tong lalaking to! ano ba kayo! Gusto ko sanang isigaw yon pero ayaw ng diwa ko! hahayaan ko na lang silang mainggit! Bwahahaha……

Nakarating na kami sa amin. Ibinaba na ako ni evan. “ wwoooohhh….bigat mo! Magdiet ka nga!”

“ che!” hinampas ko siya. “ sino ba ang nagsabi sa yo na buhatin mo ako!” nakapaa na ako ngayon. Inihagis kasi ni evan ang tsinelas ko sa kungsaan. Charity ko nalang yon sa nakapulot. Atsaka! Ganoon na ba ako kabigat? Tumataba na ba ako? Care ko naman! Kakain lang ako ng kakain hanggang sa pumuti ang uwak.

Wala akong pakialam kung tumaba ako!

****************************

                                                               --------------------------------->

My Stupid First Kiss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon