Chapter 3

10 2 0
                                    

Everywhere

Pagpasok ko pa lang ng room ay nagtama na yung tingin namin ni Sarah. Syempre umiwas agad ako.

The first spot I look for each morning I go inside our classroom is her seat. It's a habit of mine. Usually maaga ako para makapag-usap kami before class. I intentionally came in late this time.

"Sorry ma'am." Sinenyasan ako ni ma'am na umupo.

Tatlong subject na ang nakalipas hanggang sa dumating ang vacant time ko. Agad akong lumabas at dumiretso sa library. Halos walang tao rito. Dati madalas akong mapag-isa. Ngayon nag-iisa nanaman ako.

Umupo ako malapit sa bintana at nagbasa na lang ng mga notes ko. Kakabasa ko pa lang pero nakalimutan ko na agad kung ano yung binasa ko. Huminga ako nang malalim at tinago yung notebook ko.

"Oh, ang tagal mo nang hindi nakapunta rito. Nakakain ka na? Kakasimula pa lang ng recess niyo." Napalingon ako kay Mrs. Ocampo na kakasuot lang ng glasses niya, librarian siya rito.

Nginitian ko siya. Naalala niya pa pala ako.

"Hindi pa po," sagot ko.

"Hala, kumain ka na. Nag-dadiet ka ba? Tsaka na, mamaya baka walang pumasok sa isip mo niyan," sabi ni ma'am.

Natawa ako nang bahagya. Halos wala talagang makapasok kasi nagsisiksikan sila Sarah at CJ.

"Wala po akong gana," pagdadahilan ko.

"Ay nako, wait lang," sabi niya at binuksan yung box na dala niya.

'Rosella's' basa ko sa logo, nanggaling sa bakery ni mama.

"Oh saktong-sakto, binili ko 'to sa bakery ng mama mo. Banana cake, kunin mo na." Inabot niya sa'kin ang isang slice. Kinuha ko na lang at nagpasalamat.

"Bakit ka kasi absent kahapon? Ang saya-saya kahapon. Tinanong ni CJ kung pwede niya raw ba maging girlfriend si Sarah!" Napalingon kami ni ma'am Ocampo sa mga grade 8 student sa labas na nagtitilian.

"Kainggit, nagka-LBM kasi ako kahapon."

"Tone it down grade 8," suway ni ma'am mula sa bintana. Nag-sorry naman yung mga students mula sa labas.

Kahit dito hindi ako makawala sa new couple of the year. What did I expect? Christian Jake Artual, the handsome and popular lead vocalist of a school band became the boyfriend of Sarah Jane Molina, the SSG secretary. Gosh, what a power couple. Go off king and queen. This relationship literally came out of nowhere. I'm sure na 'di rin sila magtatagal.

"Ahem!" Bigla akong nabulunan. Karma ko siguro dahil sa kung ano-anong pinag-iisip ko. I sound like a bitter blue-bird-app user.

"Hinay-hinay lang, ito tubig. Gutom ka ba? Kuha ka lang dito kapag gutom ka pa," sabi ni ma'am Ocampo at binigyan ako ng tubig. Ganito pa rin kaya siya kabait kung naririnig niya yung isip ko?

Napatingin ako sa cellphone ko na nag-vibrate. Agad akong tumayo at inayos yung gamit ko.

"Alis na po ako ma'am, baka ma-late ako. Salamat sa banana cake, next time naman po ulit," pagpapaalam ko at tumakbo papunta sa classroom ng next subject ko.

Hindi kami nagpansinan ni Sarah buong araw. Alam kong naiintindihan niya yung pag-iwas ko kaya binibigyan niya ako ng space. She's unlucky to have a friend like me na pinapairal yung pride at ego niya. I feel bad for her but I guess I feel more bad to myself base on my current actions. It's the flight mode for me.

Cleaners ako ngayon kaya ito ako, naglilinis. Kainis lang 'yon si Jake at Murphy na tumakas. Nabawasan tuloy ng dalawang maglilinis.

"Nakauwi na ba si Sarah, sinama sana natin."

"Wala, may date sila ni CJ ngayon eh," sagot ni Claire.

"Oo nga pala, sana all. Tayo na lang punta, sama natin siya next time."

Uuwi sana agad ako matapos ko maglinis pero gusto ko muna magpahangin kaya't pumunta ako sa plaza. Malapit lang naman siya sa school kaya hindi ako gagabihin sa pag-uwi. Ito rin kasi yung routine namin ni Sarah dati nung may oras pa kami. After school, gagala kami sa plaza para kumain ng street foods at magpahangin ng ilang minuto.

Kakasimula ko pa lang maglakad sa plaza ay nakita ko na agad ang likod ng isang pamilyar na lalake. Matangkad, maputi, at may buhaghag pero maayos pa rin tignan na buhok.

Bakit ang lakas ng tama mo sa'kin Christian Jake? Sobrang lakas kahit kasama mo si Sarah. Kinakawawa niyo yung dibdib ko. It hurts like hell that I find it hard to breath.

Tahimik niyo lang namang ginagawa yung mga bagay na ginagawa ng normal na couple. Kahit gaano ka-cringe, ganoon din na nakakainggit. Nakakasakit kasi ang saya nilang tignan kahit wala ako.

Not me being bitter again. This is disgusting.

Dumapo ang paningin sa akin ni Sarah at agad akong umiwas. Pumasok ako sa gym para magtago. Napansin ko na lang na may luha pa lang tumutulo sa pisngi ko. Not again, kakaiyak ko lang kahapon. Gusto ko lang naman huminga saglit, what the f*ck!

Pinunasan ko 'to at lumabas agad para makauwi na. Plano kong dumiretso sa kwarto ko at i-lock ang sarili ko sa oras na makatapak ako sa loob ng bahay namin.

Nang makauwi ay nakita ko si mama na sa kusina. Napansin niya ang pagpasok ko at tinawag ako pero ayaw kong makita niya na umiiyak ako kaya hindi ko siya pinansin. Ni-lock ko ang sarili ko sa kwarto ko at nag-half bath to get my mind of things.

Gabing-gabi na nung lumabas ako sa kwarto. Nakita ko si mama sa sala.

"Let's eat," sabi niya nang mapansin ako. Tumayo siya at pumunta sa kusina. "Kanina pa kita hinihintay lumabas sa kwarto mo," dagdag niya.

Nanahimik ako at umupo sa lamesa. Bumalik siya at nilapag ang ulam. Agad akong kumain pagkatapos niya akong paghandaan. Tahimik lang din siyang kumakain kaya nakakabingi ang kutsara at tinidor na sumasagi sa babasaging plato.

"How's school?" she asked.

I froze for a second looking at my plate. I want to avoid having to look at her. What if she's looking at me?

"It's alright," I briefly responded.

"Is anything bothering you at school?"

"Not much." It's not like I don't want to tell her anything and that I'm doing this on purpose. I want to tell her even just a little bit of what's happening to me. I just don't know how.

"Kumusta nga pala kayo ng kaibigan mo? Sarah ba 'yon?" tanong niya and I couldn't answer her.

I don't know how long we were silent after that. But it almost felt like an eternity.

"You could come to me if anything is bothering you," she said.

Nang maubos ko ang pagkain ko ay tumayo ako at pumunta sa tabi niya para samahan siyang maghugas.

"Actually, we had a fight," I said with all of my courage.

Ilang segundo siyang natigilan. She's probably shocked that I'm opening up to her. It's the same goes for me.

"Is it serious?"

Napaisip ako, seryoso nga ba? Surprisingly, hindi ko alam ang sagot. Halos hindi kami nag-aaway kaya wala akong mapagbabasehan. Hindi ko masabi kung ano nga ba talaga 'tong sitwasyon namin. Maaayos ba 'to ng sorry, patawad, bati na tayo?

"I don't know. All i know is that it hurts. Pag-iisipan ko muna. Thank you mi," sabi ko at dumeretso sa kwarto ko. I need to reassess my feelings and our situation.

 I need to reassess my feelings and our situation

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Rosé (Highschool Sweethearts Series #2)Where stories live. Discover now