Chapter 6

7 1 0
                                    

Chapter 6: Slap the Truth

FLASHBACK•

"Chasity!"

Paglingon ko ay tumambad sakin ang mukha ni Kuya Jaycee na nakangiti. Agad akong napatayo saka siya binati.

"Kuya Jaycee, ikaw pala."  Saad ko sabay pasimpleng ayos ng buhok.

"Hindi ka pa rin umuuwi? Sino yang kasama mo?" Tanong niya sabay lingon kay Josh.

Eto namang si Josh tinaas niya lang dalawang kilay niya bilang pagbati.

"Ah...si Josh po, classmate at kaibigan ko." Saad ko sabay pagsalikop ng mga palad ko patalikod.

Tinignan naman ako ni Josh matapos kong magsalita. Yung tingin niya parang nang-aasar na ewan kaya pinandilatan ko lang siya.

"Ahh, nice to meet you Josh. Ako nga pala si Jaycee, kaibigan din ni Chasity." Pakilala ni Kuya kay Josh.

Tumango-tango lang si Josh sa kanya. "Josh nga pala dre."

Teka, ano daw? Dre?!

Tumawa lang sa kanya si Kuya Jaycee saka ako nilingon. "Chasity, ba't parang ikaw lang kanina sa simbahan? Nasan si Kuya Sky?"

"Ahh, nasa bahay kuya eh. Maaga nga pong naghahanda at nag-aayos, may bisita yata." Paliwanag ko. Naalala kong maagang namalengke si Kuya tapos pagdating niya, naggagayat na siya ng mga pinamili niya. Baka bibisita yung mga katrabaho niya.

Nasanay din kasi si Kuya Jaycee na kasama ko si Kuya kapag nagsisimba kaya siguro niya naitanong.

"Ganon ba? Oh pano ba yan? Mauna na ako ah, baka may ipag-uutos si Sister Olivia eh." Paalam ni Kuya Jaycee samin.

Napatango na lang ako habang pinagmamasdan siyang lumakad pabalik sa simbahan sa tapat lang nitong plaza.

"Kuya Jaycee, ekew pele! Ehehe! Nasa behey pe keye eh!"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa inakto ni Josh. Ginagaya niya ba ang mga sinabi ko kanina?

"Hoy! Anong ginagawa mo? Para kang siraulo." Sita ko sa kanya saka muling naupo.

"May pagganto-ganto ka pa oh." Inaayos niya pa yung buhok niya tulad ng ginawa ko kanina. Inirapan ko nga ang kumag, parang sira eh.

"Tumigil ka nga. Para kang ewan." Sita ko sa kanya sabay tanaw uli kung saan huling dumaan si Kuya Jaycee.

"Kita mo na? Yan! Yan ang sinasabi ko. Umamin ka nga, may gusto ka dun sa sakristan na yun no'?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Anong sinasabi mo? Wala akong gusto don, kaibigan ng Kuya ko ang kuya niya kaya naging malapit din kami. Saka hello! Sakristan yun."

"Ahh sabagay. Pero..." Bigla niya akong tinitigan sa mata. Bigla akong kinabahan at pinagpawisan sa di-malamang dahilan. Nginitian niya ako na lalong nagpalala ng nararamdaman kong kaba. "...kaibigan mo na pala ako. Diko yun malilimutan." Nakangiti niyang saad sakin.

Napaiwas ako ng tingin. "Feelingero, palusot ko lang yon. Saka oo nga 'no! Bakit nga ba ako nakikipag-usap sayo?" Tumayo na ako saka ako naglakad palayo sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko na parang tinatambol.

Ano ba naman 'to? Abnormal na yata ako?

"Heaven, teka! Eto naman, nagbibiro lang eh."

REACH (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon