The Mighty Quinn 1

61 7 0
                                    

Pinag bigyan ako ni Four sa aking kahilingan ngunit nagkaroon pa kami nang pag tatalo sa mag babantay sakin, in the end pinag bigyan ko ang kahilingan niya. He want me secure at all time.

Hindi na ako umalma pa, napag usapan rin namin na gusto ko munang maging ordinaryong mamamayan nang Amery. Gusto kong maranasan ang maging normal, no royalties, throne and power involve.

Just a normal person, normal girl from nowhere.

"No ayuko! Pumayag na nga akong ituloy ang pag aaral mo tapus gusto mong maging normal na tao? Paano kung may mangyaring masama sayo dahil isa ka lang ordinaryong tao?" nakikita ko na ang litid ni Four dahil sa galit. Binalewala ko ang sinabi niya at itinaas ko ang dalawang paa sa desk niya rito sa office niya.

"I told you I can take care of myself Four" mariin kong tugon, hindi na maipinta ang mukha niya.

"Anu bang kalokohan ang pumasok sa kokote mo Quinn? Delikado ang gusto mong mangyari!" nagulat ako nang hampasin niya ang desk niya kaya malakas na alingawngaw ang bumalot sa apat na sulok nang opisina niya

"Four, don't start with me" naiinis ko nang bulalas, sinalubong ko ang galit niyang mga mata. Bumuntong hininga siya at nakita kong nag tubig ang mga mata niya pero pasimple niya itong pinunasan bago bumaling uli sakin.

"I'm sorry, I just love you Quinn ayuko lang na tapak tapakan ka nang ibang tao, hindi ko kayang makita iyon" lumapit ako sa kanya tsaka ko siya niyakap mula sa likod niya.

"I know Four, but I'm your sister. You know me more than myself and besides iilan lang ang nakakakilala sakin, all you need to do is to forbid them from talking" I said, bumuntong hininga siya nang malalim at dahan dahang tumango.

"Thank you" masaya kong tugon at hinalikan siya sa pisngi, nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Anything just for you" aniya, matapos nun ay napagkasunduan namin na sa susunod na buwan na ako papasok upang ipag patuloy ang pag aaral ko.

...

After a month naasikaso na ni Four ang mga kailangan ko sa pag pasok ko sa Amery Elite University, the famous and well known University in our country. Pinatayo ito dati na nag mamay-ari sa bansa namin na si Victor Tallano isang spanish. Nabasa ko rin ang tungkol kay Victor, sila ang pinaka mayamang angkan nuong 1600 years ago. Si Victor Tallano rin ay nag karoon nang anak na babae na pinangalanang Amery Tallano kaya naipatayo ang Amery University. Ngunit nag salin salin ang kanilang yaman sa hindi kilalang angkan. Hindi ko alam kung sinu sinu ang nag mana nang yaman ni Victor Tallano, tanging alam ko lang ay si Amery ang sumunod sa yapak ni Victor at nag patuloy sa legacy nang kanyang ama. Hanggang sa makalimutan na ang kabutihang ginawa ni Victor Tallano at nang kanyang anak sa bansa namin. Hindi ko alam kung paano napunta sa angkan namin ang bansa na ito. Walang nakalagay sa history ng Villano Legacy ang tungkol sa pag salin salin ng yaman.

"Malalim nanaman ang iniisip mo" mula sa pinto nakita ko si Kiro ang butler ko na anak ni General Amado at ang namamahala dito sa Palasiyo.

"Malalim? Nasisid mo na rin ba ang iniisip ko?" kunot noo kong tanung sa kanya. He chuckled, muka bang may nakakatawa sa sinabi ko?

"You never changed, by the way the car is waiting" he said, tumango ako at kinuha na ang black kong bag at may laman na gagamitin namin sa school.

May inabot saking white folder si Kiro, agad ko naman iyong tiningnan. Kira Blossom ang gagamitin kong pangalan, dito nakalagay na isa akong commoner from a poor family. Mas mainam nang ganito gusto ko nang normal na buhay. Ayukong tinatrato nila ako nang maayos dahil lang sa title ko.

"Let's go" sambit ko at lumabas na kami ng palace. Nakita ko pa ang ilang guards na yumuko nang makadaan kami, hindi sila umaangat ng paningin not until I said so.

Nang makasakay na kami sa limousine pag mamay-ari ko ay pinaandar ang sasakyan at umalis.

....

The University was huge, may soccer field, meron ring pool hindi ko alam kung para saan iyon. Kasama ko si Kiro papunta rito at bilang bantay ko na rin mag aaral din siya bilang ordinaryong tao. A commoner like me.

Kiro Amado was my childhood friend, kaya naman nang malaman ng mga magulang namin na napapalapit ang loob ko kay Kiro ay siya na ang naging butler ko.

"Why is everyone staring at us?" aniya, napansin ko rin na nakatingin samin ang mga sosiyal at mayayamang estudyante. Hindi sila nakauniform, parang araw araw free day dito.

"They're looking at you idiot" irap ko sa kanya dahil pansin ko rin na hindi sila nakatingin sakin, kundi sa kasama ko. Ang lalagkit nang tingin nila kay Kiro na parang hinuhubaran sa isip nila..

"Is that bad?" tanung niya sakin, binigyan ko siya nang 'seryoso ka ba sa sinasabi mo' look dahil obviously siya ang pinag titinginan, worst pinag papantasiyahan.

Peste napaka inosente nang isang to! Hindi ko nalang siya sinagot at tumungo nalang kami papunta sa unang klase. Tinanung ko pa kay Kiro kung saan ang unang klase namin. Sinabi niya naman agad kaya umakyat na kami sa first floor building.

The building was nice, at puro glass wall ang bawat room na madadanan mo. Parang walang privacy kapag nag tuturo ang mga guro o kaya naman walang privacy kapag pinatayo dahil hindi nakasagot sa tanong. Maganda ang pag kagawa nang school building na ito at malawak. Ala castle ang style pero modern nga lang dahil sa karamihan nang pader ay babasagin.

Patuloy kami sa pag lalakad ni Kiro nang mapahinto ako nang makarinig nang singhal.

"What the fvck?!!" galit na galit na boses nang babaeng nakatalikod sakin. I saw Kiro, nasa harap siya nang babae at patuloy siyang humihingi nang paumanhin dito.

"Your sorry is not helping at all, dimwit" aniya, lumapit na ako sa gawi nila at nilapitan si Kiro.

"What happened Kiro?"

"Another loser! Pwede bang wag kayong tatanga tanga sa dinaraanan niyo?!" aniya sabay punas sa white tube niyang damit at maiksing skirt. Powta ganito na ba ang outfittan ngayon sa Amery? Hindi ako na inform gurl.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nang babae at humingi nalang ng paumanhin sa kanya. Ngumisi ito at umiling iling, pinag krus niya ang mga braso niya sa ilalim nang dibdib.

"Ah... I see another commoner from a poor family, such a shame bakit ba patuloy na tumatanggap ang school ng mga low class na kagaya niyo? Nadudumihan ang image nang school dahil sa mga tanga at mahirap na katulad niyo" seryoso niyang sabi na para bang may pinang huhugutan ang bawat salita niya.

Blanko ko siyang tiningnan "Tapos ka na? Pwede na ba kami umalis?" nakarinig ako nang tawanan sa likod nang babae at nakita ko ang tatlong lalakeng iba iba ang style ng porma. Nagbungisngisan dahil sa nasaksihan.

Napapahiya naman ang babae na nakaawang ang labi.

Hinila ko na si Kiro at nakita kong tumatawa siya. Anu naman kayang nakakatawa dun?

"Stop laughing" naiirita kong sambit at binitawan na ang kamay niya nang makalayo na kami sa pinang yarihan ng eksena kanina. Pero para siyang pamilyar sakin, nagkita na ba kami nuon?

****

The Mighty Quinn (Season 1 - Completed series) Under ConstructionWhere stories live. Discover now