#1 ~Tila'y Tila~

24 1 0
                                    

Tila'y Tila

Hinihiling ko na lagi ang pag-ulan,
Pakiramdam siya'y munting kaibigan,
Tila'y nangangamusta sa 'king pintuan,
Hinuhugot mga salita't taludturan.

Obra ng Maykapal, buwan ay kausap.
Kaniyang pag-iisa ay aking lasap,
Rinig mga kumikinang niyang palahaw,
Mga bituin ay akin ding katampisaw.

Sa mga hanging ihip ng bukang liwayway,
Mata'y palihim na binuksan, sumilay.
Tugmaan ng kapaligiran, pamilyar.
Sumasayaw, tumatawag, nangaasar.

Sa ating mundo ang Maykapal ang pintor,
Hayop ay modelo, siya ang iskultor.
Kalikasan ang siyang obra at sining,
Mga halaman ang kulay yaong maningning.


Salamat sa mga pagkain at awitin,
Prutas at gulay na siyang aanihin,
Mga kantang buhat ay payapang damdamin,
Buhay lasapin, putahe'y kakainin.


Mga sikreto ay akin nang aaminin,
Nakahihiya man ngunit hanap parin.
Malansang halimuyak ng karagatan,
At ang kaguluhan sa mga kagubatan.


'sang malaking sistema tawag ay mundo,
Ang padala ay buhay at kuro-kuro,
Mga taong naglalakbay sa libong daan,
Akong lito, direksyon at salitaan.


Siyang gising sa hibang na mga lipunan,
Tinuturing na baliw, iniiwasan.
Ang dilat dito mundong puno ng pikit,
Siya nang bulag, binibigyang pasakit.


Umiindak sa tila'y tila ng ulan,
Kapag hamog ay lumipas, lumisan,
Tatakbo tungo sa iyong kalangitan,
Ang obra ng Diyos ay pasasalamatan.

_________

Sa Kada Pahina Donde viven las historias. Descúbrelo ahora