#3 Hihintayin Kita

11 1 0
                                    

"Hihintayin Kita"
—Kathang Isip lamang
—<333🇮🇹

Simula ng makilala kita,
Buong sistema'y ginulo mo na,
Sa isang simpleng 'hi',
Bakit nauwi sa salitang gusto kita?

Alam mo noong una,
Na ang puso ko'y may tinitibok na,
Pusong may isang tanging hinahangaan at minamahal,
Isang taong sa aki'y wala namang pakialam.

Ikaw yong palaging nandiyan,
Ikaw yong taong lagi kong nakakausap,
Minsa'y di maiwasang magtanong,
Kung bakit ang gaan ng loob mo sa akin at maging ako man din.

Sa akin ka nagbabahagi ng problema,
Ako yong nandiyan para makinig sa lahat mong drama,
May mga panahon man na di tayo nagkakaunawaan,
Subalit ikaw yong nandiyan,
Hindi mo hahayaang lilipas ang gabi na di natin ito napagkasunduan.

Ikaw yong nandiyaan kapag pakiramdam ko'y wala akong makakapitan,
Ikaw yong nandiyan kapag pakiramdam ko'y nag iisa ako sa mundo,
Ikaw yong palaging nandiyan para isilay sa king mga labi ang isang maaliwalas at matamis kong ngiti.

Minsan ako'y napapatanong,
Ano ba ang ginawa ko para makilala ko ang isang tulad mo?
At kung ako nga ba'y karapat dapat na maging sayo?

Palagi mong ipinapaalala sa akin na kapag wala ka na,
Maging positibo ako at magpapakatatag,
Huwag mawawalan ng pag-asa,
At sa Ama'y magtiwala.

Ang dami kong gusto kong gawin kasama ka,
Subalit ang orasbat panahon ay hindu pa para sa ating dalawa,
Gustohin ko mang ipilit pero bawal pa,
Ang tanging mapanghahawakan ko lamang,
Ay ang hintayin kita hanggang sa abot ng aking makakaya.

—Meia

Sa Kada Pahina Where stories live. Discover now