Notice me please? (One shot)

655 27 24
                                    

Notice me please? (Short Story)

Author's note:

This story ay para sa mga tao dyang dakilang papansin sa mga crush nila!!!hahaha.. sinong nakakarelate?..taas ang kamay!!

Hope you will like this one....

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

epal,mapapel,salaw,papansin,KSP,attention seeker,.. yan ang mga tawag sa mga taong nagpapansin na kadalasan kinaiinisan ng lahat... pero maiinis ka pa ba kung ginagawa lang naman nila ito sa crush nila o mahal nila para manotice lang sila kahit konte?

Ako nga pala si Nathalie Santos 16 years of aged at certified PSC (Papansin Sa Crush)... Oh? proud ako dyan hahaha.. hindi joke lang kahit waley .. eh! pano naman kase ako hindi magpapansin sa crush ko ay mali sa taong mahal ko pala kung ang taas-taas niya at hindi ko siya mareach kaya nga ako nagpapansin sa kanya para naman malaman niya na nag-eexist ako noh!

itong crush ko kase na ito ay ang pinaka sa aming school.. pinkagwapo,pinkamatalino,pinakamayaman,pinakasikat.. uber na di ba? samantalang ako.. pinakamaganda sa tingin ng nanay ko, pinakamabait pag inutusan ng tatay ko, pinakamatalino sa klase ng mga sira ulo oh! di ba ang bongga ko? parang ewan lang...

Gusto niyo bang malaman kung ano ang mga ginawa ko para mapansin ako ng aking dearest crush na si Xander Valdez? Ganito yun..

Pag sa facebook ganito ako magpapansin pag-online siya magpopost ako ng mga kung anu-ano sa wall ko para puro ako ang lumabas sa notifications niya pero kadalasan yung mga picture kong daya sa anggulo para gumanda para ang pinopost ko para makita naman niya ang kagandahan ko at pag-online siya chinachat ko siya yung tipong pinapasahan ba nung mga pass this to your 20 friends or yung spread this message yung bang mga tipong ganun pero minsan gawa-gawa ko lang yun para makapagpapansin..

Pag nasa personal? ibang tactics na ng pagpapansin yan...

Pag dadaan siya bubungguin ko yung balikat niya kase kunwari hindi ko siya nakita kase nagcecellphone ako tapos magsosorry ako sa kanya tapos magpepeace pa sa kanya na may kasamang pacute..

pag kasama naman nya yung mga friends nya sa may bench papupuntahin ko yung isa kong friend dun sa katabing bench ng inuupuan nila tapos ako na dakilang epal ay kunwaring matagal nang hinahanap yung friend ko at lalaksan ang boses ng bongga yung tipong ang sasabihin ko ay "Friendship!!! Ano ka ba naman??!! Kanina pa kaya kita hinahanap.. grabe lang nilibot ko na yung buong campus tapos Nandito ka lang pala??!!!" tapos mapapatingin si crush at yung mga kaibigan niya kase nga malakas ang boses ko tapos ikaw magsosorry na naman tapos peace na may kasama na namang pacute...

Tapos pag may pinapadala yung teacher namin na importanteng papers sa ibang teacher at alam kong nasa section nila crush yung teacher na yun, nagpriprisinta talaga ako na ako ang magdadala kase alam kong pag nagdidiscuss yung teacher nakikinig silang lahat kase nga nasa section siya ng matatalino at seryoso sa pag-aaral di ba? kaya nakikinig silang lahat kaya kapag nag-excuse me ka agaw atensyon ka eh! di lingunan silang lahat sa'yo kasama siya oh! di ba? extra papansin na naman...

yan yung iba kong tactics sa pagpapansin sa kanya...actually wala pa yan sa kalahati pero dahil isang short story lang ito.. hindi ko na ikwekwento lahat...

One day , isang araw... hahaha.. corny ko talaga.. pero yun nga isang araw nalaman kong si crush ay nasa library at naghahanap ng libro ayon sa aking source pero wag niyo ng alamin kung sino mang yan source ko na yan....

Notice me please? (One shot)Where stories live. Discover now