WRONG SEND 24 [Narration]

49 5 0
                                    

Mirah P.O.V

Ngayon ay nasa mall ako kasama si Kuya at Kian, dapat nga kami lang ni Kuya eh pero pabebe 'to si Kian.

"Kain kaya muna tayo?" Tanong ng magaling kong kaibigan, sino? Si Kian. "Saan?" Tanong ni Kuya, tumingin sila sakin. "Wag kayong tumingin sakin bahala kayo." Inunahan ko na sila, kahit ano namang kainin ko hindi ako maselan sa pagkain.

"Wendy's tayo!" Kian, tumango na lamang kami ni Kuya at sinundan s'ya. Dumating kami sa Wendy's at pumasok. "French Fries lang ako pati na din pala burger. Di ako gutom eh." Saad ko, tumango na lamang si Kian.

Pumunta s'ya sa counter at umorder, hinintay lang namin s'ya ni Kuya na dumating....

Ngayon ay tapos na kami kumain loko nga yung isa eh gustong magpaiwan kasi daw gutom pa s'ya. Ngayon ay naglalakad kami ng marinig namin ang sigawan. May sakuna ba? May sunog? Bakit nagsisigawan?

Tumakbo kami nila Kuya sa nagsisigawan pero nakita namin ang limang lalaki na nagtatanghal sa harap ng madaming tao. Don ko lang napagtanto na SB19 ito.

Mallshow ba nila? Bakit? Bakit dito pa? Hindi ko ba talaga s'ya maiiwasan? Kahit isang buwan lang? Tumingin sakin si Kuya pero iniwasan ko lang s'ya. Umalis kami doon at naglakad na lamang muli pero patuloy ko pa rin naririnig ang mga sigawan doon.

"Rara, diba yon yung grupo ni Justin?" Tanong ni Kian, binatukan naman ni Kuya si Kian at sinabihang tumahimik. Di ko na s'ya sinagot nakakawalang gana lang eh.

Napagdesisyonan na namin na umuwi na baka kasi hinahanap na kami ni Lola. Lumabas kami ng mall at Init ang tumambad samin. Naglakad kami sa parking lot since may dalang kotse si Kian.

Hinanap namin ang kotse ni Kian at nakita namin ito agad. Pumasok sila sa kotseng dalawa. Napatigil ako ng may narinig akong nag-uusap pumunta ako sa kinaroroonan no'n.

"Jah sigurado ka nakita mo si Mirah? Baka namamalikmata ka lang." Tanong ni Stell, tapos na sila? Pero nakita n'ya ko. "Hindi Stell. Nakita ko talaga s'ya kahit malayo s'ya." Sagot naman ni Justin, at tumingin sa kinaroroonan ko.

Nang mahalata ko yon ay dali dali akong naglakad. Nakita n'ya ko at lalapitan buti na lang nakaalis ako don. Malapit nako sa kotse pero may humawak sa braso ko. Help nooo huhuhuhu.

Tumingin ako don at tinanggal ang kamay ko sakanya, naka sunod pala mga kamiyembro n'ya. Shett bakit naman ganito?? Mamii helpp nooo 😭😭.

Nakatitig lang s'ya sakin please stop staring at meeee. "Magtititigan na lang ba kayo d'yan?" Saad ni Josh, inalis n'ya naman ang titig n'ya. "Iunblock mo ko may sasabihin ako sayo" saad ni Justin, bakit ngayon ko lang to nakita na hindi ngumingiti?.

"Rara, arat na!" Kian, tumalikod ako sakanila at sumakay sa kotse. Inakbayan naman ako ni Kian. Should I unblock him? Ano naman sasabihin nito?

There's only one way to find out kundi iunblock s'ya.

𝐰𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐝 , 𝒋𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏 𝒅𝒆 𝒅𝒊𝒐𝒔✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon