Chapter 1

12 0 0
                                    

"December 31, 2020"

Kaitie's Pov:

Pasko na at nandon lang ako sa taas at
labas ng terrace namin na tumitingin sa
mga taong masaya at nag hihintay na
tumapat ang orasan sa 12 para mag
labasan ang mga fireworks. Ito ang
pinaka malungkot na pasko sa buong
buhay ko, kase ito yung unang pasko na
hindi ko kasama ang mama ko.

Ito kase yung pasko kung saan lumipad
ang mama ko papuntang Saudi Arabia
para mag trabaho. Mahirap man pero
kailangan ko kayanin kase para din
naman to saakin, para saakin lang din
naman yung pag punta nya doon. Habang tinatanaw ko yung mga tao sa
baba na nagsisiyahan, may bigla akong
narinig na tumawag sa pangalan ko.

"Kaitie" sigaw ng mama ni ate pearl na
nandon din sa baba nakikipag siyahan
kasama ang kanilang pamilya.
"po?" sagot ko naman.
"hali ka dito nandito si ate pearl mo at mga kaibigan nyo" sabi nya naman
saken, pero dahil mahiyain ako ngumiti
lamang ako sakanya at hindi ko sinunod
yong sinabi nyang bumaba ako dun.

When I was about to go inside our
house may bigla akong narinig na
pamilyar na boses at sinabing "pearlskie". Pagkarinig ko sa boses na
yun biglang pumasok sa isip ko na baka
si Gelo yun, kaya dali dali akong bumalik
dun sa pwesto ko kanina para tignan
kung sya bayon, at sya nga.

Laking tuwa ko noong nakita ko sya
kase bihira ko lang sya nakikita na
lumabas sa bahay nila, sya kase yung
palaging nauutosan sa kanila. May gusto
ako sakanya matagal na kaso natatakot
ako na sabihin ito sakanya dahil baka
mag mukang desperada ako.

Hindi ko din alam bakit nagka gusto ako sakanya basta pag gising ko umaga na
(HAHAHA tang**a corny). Kaya hindi nalang ako umalis dun sa pwesto ko para mas masilayan ko sya ng matagal tagal. Ilang buwan na din ako may gusto sakanya at balak ko sana itong sabihin kaso naunahan ako ng kaba kaya napag desisyonan ko na wag nalang itong sabihin sakanya.

Hindi pa sana ako aalis dun sa
kinauupuan ko ngunit tinawag na ako
ng mga tao saamin para kumain na
kaya pumasok na ako. Pagka tapos
namin kumain, biglang sumama ang
pakiramdam ko kaya nag pahinga muna
ako at humiga. Habang nagpapahinga
ako hindi ko namalayan na naka tulog
na pala ako kaya hindi na ako nakasali
sa kanila sa panunuod ng fireworks.

When I fell inlove with the Unexpected Person Where stories live. Discover now