Illegal (32) Get Along

436 8 0
                                    

Illegal (32) Get Along

Lumabas ako ng kwarto ni Kirk at nakita ko si Kendra na ang naghihintay sa akin mula doon. I roamed my eyes around the place and looked at her, "Where's Sceven?"

"Umalis muna. Magpapalit lang daw ng damit."

Tumango lang ako sa sinabi niya ata inalalayan niya akong makabalik ng kwarto ko.

I even saw Nana Lucy together with the other maids. They hugged me as soon as they saw me walking towards my room.

"Kumusta ka, hija? Ayos na ba ang lagay mo?"

Inalalayan ako ni Kendra na makaupo sa kama at nang makaupo ako ng maayos ay nilingon ko si Nana Lucy, "I'm okay now, Nana Lucy. Kumusta ang mansion?"

"Ayon tahimik ng nawala ka."

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Nana Lucy. Pinaghain ako nito ng pagkain na mabilis ko namang kinain habang katulong si Kendra.

I looked at her.

Parang may bumabagabag sa kaniya pero hindi ko alam kung ano iyon.

"Are you okay?"

She looked at me then sighed, "How about Sceven?"

"I'll try to talk to him-"

"Cassandra, masasaktan si Sceven sa gagawin mo. He's been with you through ups and downs. Siya ang nandiyan para sayo nang iniwan ka ni Kirk. Sasayangin mo lang ba 'yon?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

Totoong masasaktan ko si Sceven once I tell him that I still love Kirk.

Pero hindi ko mapipigilan ang puso ko.

Si Kirk ang gusto nito... hindi siya.

I composed myself before I talked, "You know that I tried to love him pero hindi iyon katulad ng pagmamahal ko kay Kirk, Kendra. You're my girl best friend at sana maintindihan mo ang sinasabi ko. Hindi ko kayang pilitin ang puso kong mahalin si Sceven dahil si Kirk ang gusto ko."

Bumuntong hininga siya sa sinabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay, "I'm your best friend at alam ko kung ano ang makakabuti para sayo at hindi iyon si Kirk-"

"Please Kendra? Just support me on my decision dahil kahit anong pilit ko, hindi ko kayang mahalin si Sceven katulad ng pagmamahal ko kay Kirk."

Binitawan niya ang kamay ko at tumango.

I really can't force my heart to love someone rather than Kirk.

Si Kirk ang gusto kong makasama habang buhay at kung hindi siya, hindi na ako maghahanap pa ng iba.

What he did to me... ang pagsalo niya ng bala na para sa akin, hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa ni Kirk na iyon para sa akin.

"Just please, make sure that Kirk wouldn't hurt you again. Kapag sinaktan ka pa niya ulit ay ako na mismo ang maglalayo sayo sa kaniya, okay?"

Tumango ako sinabi niya at ngumiti. Afterall, si Kendra pa rin ang makakaintindi sa akin dahil pareho kaming babae.

Pareho kami ng nararamdaman.

Ningon ko siya at hindi ko maiwasang mag-isip kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa ni Mikiel.

"Okay na ba kayo ni Mikiel?"

"Uh, kinda? He's courting me..."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ilang araw lang akong walang update sa kaniya ganito na agad ang malalaman ko?

Kailan pa?

"When? Bakit hindi ko alam?"

"You was busy with Sceven before kaya hindi ko masabi and then someone kidnapped you kaya hindi ko lalong nasabi."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya then I hugged her, "I'm so proud of you."

"You should be dahil hindi ko tinigilan si Mikiel. Sabi ko sayo ay magugustuhan niya rin ako eh."

Tinaas niya ang kilay niya sa akin na para bang nalamangan niya ako kaya tumawa ako. I really admire Kendra's childishness.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Sceven na nakangiti sa akin. I looked at Kendra and she just nodded ate before leaving the room.

"You good? Wala ka na bang nararamdaman?"

"Yes, thank you for bringing me here. I appreciate that."

Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Titigan ko palang si Sceven ay hindi ko na siya kayang saktan.

Alam ko sa sarili ko na masasaktan ko si Sceven once sabihin ko iyon pero hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa kaniya.

Si Kirk ang mahal ko.

I hope that he will understand me once I tell him what I feel.

"Sceven, I need to tell you something."

He looked at me as if he already know what I'm going to say, "Is it about Kirk?"

I just nodded at him.

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi dahil walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Natatakot ako sa sasabihin sa akin ni Sceven.

"I know. I'm happy for you, Sandy."

I looked at him with astonishment in my eyes, "What do you mean?"

"I know that you still love him. I am the one to blame here. I pushed myself to you kahit na alam kong wala akong mapalala dahil si Kirk ang mahal mo. I know that you tried to love me pero hindi iyon sapat dahil siya pa rin ang mahal mo..."

I saw a tears in his eyes. Akmang hahawakan ko ang mukha niya nang ilayo niya iyon sa akin, "It's better for us to stop seeing each other... for a while. Dahil pag paulit-ulit kitang makikita Cassandra, alam kong sayo pa rin ako babalik."

I cried from what he said. Sobra kong nasasaktan si Sceven and hindi niya deserve ito.

Siya ang nandiyan para sa akin nang iwan ako ni Kirk pero ito ako ngayon, mas pinipili ko si Kirk sa kaniya.

"Always remember that I love you, Cassandra. If he hurt you, hindi ako magdadalawang isip na kunin ka ulit sa kaniya."

He hugged me that's why I hugged him back. I'm so thankful that Sceven understand me.

I know that he's mad pero hindi niya iyon pinapakita sa akin.

He slightly pushed me away and smiled, "Come back to him, Sandy."

Illegal (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon