Chapter 3

7.1K 134 4
                                    


NANG MAKABABA ng hagdan si Inigo galing kwarto ay ang step sister nya ang kanyang nabungadan na mahimbing paring natutulog sa may sofa. Wala sya sa sarili na pinagmasdan nya ito. Kung hindi nya lang kilala ito ay maiisip nyang mabait ang dalaga dahil sa amo ng mukha habang natutulog. Gumalaw patagalid si Anastasia kaya napalis ang nakapatong ditong kumot at ngayon ay nakaharap na ang mukha nito sa kanya. Kusang bumaba ang tingin nya sa katawan nito at napalunok ng makita ang tyan nitong labas dahil sa damit na bahadyang nakataas. Pakiramdam nya ay nag init na naman ang kanyang katawan kaya napahawak sya sa kanyang kuwelyo at hinila iyon para lumuwag.




Naipaling nya bigla ang kanyang mukha ng maalala nyang step sister nga pala nya ang kanyang tinititigan. Mariin syang napapikit at mahinang napamura saka dali daling lumabas sa silid na iyon.






Okupado ang kanyang isip dahil naiwan parin kay Anastasia ang kanyang sistema kaya hindi nya napapansin ang mga taong bumabati sa kanya. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang itsura nito habang natutulog samahan pa ng nang yari kagabi na hindi nya inaasahang mag sasarili sya dahil sa nakaramdam sya dito ng hindi dapat.




"Captain." tawag ng isang officer sa kanya, pero tila ay wala syang narinig.




Humabol sa kanya ang officer at muli syang tinawagan nito. "Captain Della Rovere."



Napatigil sya at napalingon sa tumawag sa kanyang pangalan. Tiningnan nya ito  na parang nag tatanong kung may problema ba.




"I'm Officer Sanchez, the third officer." sabay inabot nito ang kamay sa kanya.




Marahan syang tumango na may maliit na ngiti sa labi at inabot ang kamay nitong inalok. "Nice to meet you Officer Sanchez."





"Is there any problem?" tanong nya.





Officer Sanchez shook his head. "Ah wala po, pansin ko kasing wala kayo sa sarili. Hindi nyo po kasi pinapansin lahat ng bumabati sa inyo."




Napabuntong hininga naman sya sa kanyang narinig. Kasalanan iyon ni Anastasia dahil binabagabag nito ang kanyang isipan.




"I'm sorry, may iniisip lang kasi ako kanina." hinging paumanhin nya. "And thank you." sabay ngiti niya.





Siguro ay kung hindi sya nito tinawag ay hanggang ngayon ay wala parin sya sa kanyang sarili at iniisip parin nya si Anastasia.






SAMANTALANG si Anastasia ay hindi lumabas ng suit ni Inigo. Wala syang planong mag libot sa barko o kahit pagmasdan ang karagatan. Ginawa nalang nyang busy ang sarili. Lahat ng sulok ng silid ay kanyang pinakatitigan kung maganda ba ang muwebles na ginamit doon. Minsan ay napapangiwi sya kapag may na dadampiang alikabok ang kanyang daliri. Pati ang mga furniture na naka display ay kanyang sinisimangutan kapag hindi nya nagugustuhan ang design no'n.






Nang nakaramdam sya ng gutom ay nag tungo sya sa kitchen. Suite iyon ng kapitan kaya ang silid na iyon ay parang bahay, kompleto sa lahat. Nag tingin sya ng pwede kainin sa ref pero hindi pa ang mga iyon luto. Bigla naman syang nakaramdam ng inis dahil wala pa syang pwedeng kainin. Napa irap nalang sya at padabog na sinarado ang ref. Tapos ay bumalik sya sa sala para tumawag sa room service.




Habang hinihintay ng room service ay kinuha nya ang cellphone para tingnan kung may mga mensahe ba duon. Pero bigla nya iyong hinagis sa katapat na upuan ng makita na walang signal ang cellphone. Nasa barko nga pala sya. Walang kwenta ang gadget na iyon kapag nasa kalagitnaan ka ng malawak na karagatan. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw nya sa barko. Walang silbi ang gadget mo kapag nasa karagatan ka na. Dahil nawawala na ang internet kapag lumalayo na sa bansa. Minsan naman pag nasa dagat ka na ng isang bansa ay kailangan mo pang mag roaming, na isa pa sa kinakainis nya.





Seafarer Escapade 3: Inigo Della Rovere Where stories live. Discover now