Page 2

29 28 1
                                    

°Prance PoV°

    Kanina ko pa kinakausap ang babae na naligaw sa condo ko. Hindi na nga nagsasalita, hindi pa sumasagot sa tanong ko. I look like, I'm a crazy man here. Talking to someone that can't talk back.

    Iniwan ko na muna s'ya sa sala. Pumasok ako sa kwarto ko. Dumeretso ako sa closet. Puting long sleeve na polo nalang ang pinakamalinis na nakita ko. Lumabas ako ng kwarto, bumlalik ulit sa sala.

"Wear this. Wala na akong ibang malinis na damit"napabuga ako ng hangin ng inosente na naman syang tumingin sa akin at mukhang hindi na naman ako naintindihan.

   I have no choice but to make her wear it. Masyadong lantad ang katawan nya sa harap ko. Hindi sapat ang suot nya para maging komportable ako. Lalaki ako at babae s'ya. And one thing is. I don't know her.

   Ako na ang nagsuot sa kanya ng polo. Nanginginig ang kamay ko habang binubutones ang polo. Nakaka-asar dahil napaka-napaka inosente ng babae na to kung tumingin sa akin. Samantalang ako, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong iakto sa harap nya.

"What is your name?"tanong ko. Lumingon lang s'ya sa akin. Kaonti nalang at mapipikon na ako.

"Kung ako sayo. Ikaw na ang magbigay ng pangalan nya. Napakahaba ng pangalan ng bata na iyan. Gusto mo ba malaman? Kung ano ang pangalan nya?"

    Gulat na naman ako sa biglang narinig ko na yon. Pasulpot-sulpot nalang palagi. Nababaliw na siguro ako. Kung anu-ano na naririnig ko e.

"Tatanungin ko ba ang pangalan nya, kung hindi ko gugustuhing malaman?"wala sa sariling naisagot ko sa isip ko. Tinakpan ko ng palad ko ang magkabilang tenga ko nang makarinig ako ng tawa.

"Laeysheyana Aedara Kharel. Buong pangalan nya na yan"ani ng bumubulong na iyon.

    Napailing na lang ako. Hindi ko na malaman kung dapat ba akong maniwala sa bumubulong na iyon. Baliw kasi ang nagiging tingin ko sa sarili ko kapag naririnig ko iyon. Napapitlag ako ng maramdaman kong may humawak sa pisngi ko.

"Kharel"mahinang sabi ko.

    Sa unang pagkakataon. Nakita ko ring ngumiti siya. Sa unang pagkakataon rin, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Hindi yung kaba na parang takot. Kaba ito na hindi ko maipaliwanag.

"Isama mo s'ya sa inyo."nagulat na naman ako sa tinig na yon.

"Bakit ko naman gagawin yon?"nabiglang sagot ko. Yung nga lang, wala n a akong nakuhang sagot.

    Pinapasok ko na ulit si Kharel sa loob ng kwarto ko. Nagtawag ako ng maglilinis sa condo ko. Hindi ko naman kayang linisin ito mag-isa.

"Kharel"tawag ko at binuksan ang pinto ng kwarto.

     Lumingon s'ya sa akin. Lumapit ako sa kanya. Inalalayan ko syang tumayo. Nakakapaglakad na s'ya, pero halatang nahihirapan parin. I carry her gently. Nahihirapan din ako sa ginagawa nya kahit na tinitingnan ko lang s'ya.

    Pinagtitinginan kami nang sumakay kami ng elevator. Nang maglakad ako sa hallway ng first floor. Ang mga bulungan at tingin sa amin ay lalong dumami.

"Sino yung babae? Ang ganda naman!"

"Girlfriend ni sir?"

"Ang cute. Bagay sila!"

My Paper GirlWhere stories live. Discover now