25 💞

40 3 0
                                    

Zander's POV




Tanghali na nagising 'tong Marco na ito. Tsaka wala naman akong ganap ngayon sa company kaya hinintay ko nalang magising 'to. Si Mom naman ayun nagshopping.

Nagdadrive ako ngayon dahil ihahatid ko 'to sa office niya ng....

"Shit bro, anong---"

Napapreno ako bigla ng may biglang dumaan. Napatingin ako sa gilid ni Marco nasa may bintana. May lalaki sabay tinuturo ang isang eskinita. Tsaka may pinakita siyang baril.

"Kilala mo yan bro?" tanong ni Marco na nakatitig sa lalaki.

Umiling ako. "Hindi."

"Tara kilalanin natin." sabi ni Marco.

Pinark ko muna ang kotse sa gilid at bumaba na kami ni Marco. Nakita namin ang lalaki na lumiko.

"Trouble ba'to?" tanong ni Marco. Tinignan ko siya.

"May kasalanam ka ba?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala noh. Si Chen lang naman ang takaw-gulo sa atin eh." sabi niya. Lumiko na kami at bakit nasa sampu na sila ngayon.

"Where is young master Lance?" tanong ng isang lalaki na may accent.

"Hehe, tauhan ba 'to ng Dad ni Captain? Mukhang mga german sheperd eh?" Nakangising sabi ni Marco habang kausapn ako pero sa mga lalaki siya nakatingin.

"Parang." sagot ko.

"We didn't know where he is." sabi ko.

"As you know, young master is the heir of the clan. He's Dad give him a mission."

"Then? So what?" tinadyakan ko ng mahina ang binti ni Marco.

"Aray bro."

"Ma attitude ah." sabi ko.

"He didn't do the task and he is now gone."

Nagkatinginan kami ni Marco. "Look man, our Captain is a private person. He didn't let us know what he does and what he will do. So, we didn't even know where he was right now." sabi ni Marco ng mapataas kami ng dalawang kamay ng tumutok ng baril ang mga tauhan ng Dad ni Captain.

"The day that he is gone, all of you also gone." sabi nito. Napangiti si Marco.

"Chill boys, we really don't know where he is."

"Wag paulit ulit Marco. Di yan maniniwala sa atin." sabi ko.

"Bakit may plano ka?" tanong niya ng biglang may lalaking kumapit sa isa sa tauhan ng Dad ni Captain at tinuwist ito sa leeg. Nagkagulo na kaya ito kami naglaban laban na. Ngunit, may kasama rin pala yung lalaki. Apat na sila ngayon.

"GET OUT OF HERE!" sigaw nung lalaki na nagtuwist sa leeg ng isa sa tauhan ng Dad ni Captain.

"MARCO!" sigaw ko at sinenyasan siyang umalis na kami. Tumakbo kami at dali dali na sumakay sa kotse ko. Nagring pareho ang phone namin ni Marco. Di ko na nasagot ang tawag sa akin. Si Marco sinagot niya ang tumawag sa kanya.

"Hello bro. Oo bro kami rin. Sige sige kitakits sa Lions Bar. Papunta na kami ni Lou." sabi niya at binaba na ang tawag.

"Sina Arellano rin." simpleng sabi niya pero gets ko na. Dali dali akong nagmaneho patungo sa Lions Bar.














----












Lions Bar











Agad agad kaming pumasok ni Marco. Andoon na rin ang iba pero wala si Stanford at Hawkins.

"Wala bang nasaktan sa inyung dalawa?" tanong ni Scherzinger. Umiling ako.

"Wala naman bro, kayo ba?" tanong ni Marco.

"Wala rin naman." sagot ni Chua.

"Hinahanap rin ba ng mga tauhan ni Tito si Captain?" tanong ni Hilton.

"Oo." sagot ko.

"Tsaka sino yung mga lalaki na bigla nalang dumating at tumulong sa atin kanina?" tanong naman nitong babae kay Chen. Sino 'to?

"Teka may mga lalaki ring tumulong sa inyu? sa amin rin diba Lou?" sabi ni Marco. Tumango ako.

"Di namin nakita ang mga mukha eh." sabi ni Samson.

"Anderson, sama ka? pupunta ko lang si Ella." sabi ni Scherzinger.

"Sige." sabay tayo nito.

"Aalamin ko rin kay Mom ang tungkol dito" sabi ni Scherzinger.

"Sige bro." ayun at umalis na sila ni Anderson. Tinext na namin si Captain.

"Naka off ba ang phone niya. Out of Reach eh." sabi ni Lawrence sabay baba ng phone niya.

"Halikana iuuwi na kita. Mga bro hatid ko lang 'to." sabi ni Chen at hinatak na ang babae paalis.

"Sino naman yun?" takang tanong ni Marco na nakatingin kay Chen at sa babae.

"Ah yun ba. Nakalimutan niyo na. Siya yung babae na pumingot sa tenga ni Chen sa bus yung papunta tayu sa Tagaytay." sabi naman ni Arellano. Now na alala ko na.

"Haha, lakas nga non eh. Nambubugbog rin kanina." Nakangising sabi ni Arellano.

"Match sila ni Chen." sabi ko. Tumango naman si Arellano.

"Haha, tomboy ata yun eh." nakangising sabi ni Samson at umalis na rin dahil pupuntahan pa si Dan.

















------

















Nagdaan ang ilang araw ay nakauwi na rin si Captain kasama ang girlfriend niya. Ngayon naman ay si Marco naman ang may problema—tungkol rin sa girlfriend niya. Tsaka ngayon ko lang din nalaman na nasa US pala si Maxielle.

I tried to contact her sa confidential number niya pero out of reach.

Nagbago ba siya ng number o baka nakaoff lang phone niya.

"Hays" napayuko naman ako.

"Anong hays?" napatingin naman ako kay Mom na kakapasok lang sa office ko.

"Mom " tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.

"I brought you some foods. Pang snacks mo lang " sabi niya sabay labas ng mga pinamili niya.

"Thanks Mom. I appreciate it." sabi ko.

"Always for you anak." nakangiting sabi ni Mom.

"Oo pala. Did Jude contact his girlfriend? Nag aalala na ako para kay Jude." nag aalang sabi ni Mom.

"Kami rin Mom." Kahit sino sa amin ay close kami sa mga Mom's ng Lions especially Marco na wala siyang Mom na kinalakihan.

"I really can't get over it Son. Bilyonarya pala ang girlfriend ni Jude in that age? Wow" di makapaniwala si Mom.

"Kami nga rin eh nung nalaman namin." sabay kain ko ng dala ni Mom.

"Ikaw ba? Do you have a girlfriend?" tanong ni Mom sa akin habang nakangiti. Ngumiti ako at umiling.

"Girl na friend Mom, meron." sabi ko.

"Gusto ko yung girlfriend talaga." sabi niya. Ngumiti lang ako at kumain ulit.

"Son, I just want you to know na kahit sino pa ang magiging girlfriend mo. Wala kang maririnig sa akin basta mahal mo at mahal ka rin. Ayos na iyon." sabi ni Mom.

Bumuntong hininga ako. "Remember the daughter of Mr. Roxas. The one who associate me?" Tumango si Mom.

"She is my Girl-friend Mom." sabi ko. Ngumiti naman si Mom.

"Well, is she special for you?"  Napaisip ako at nagkibitbalikat.

"Someday, I want to meet her." sabi ni Mom. Tumango naman ako.

Well, Maxielle is a special friend for me not dahil may mga promises kami sa isa't isa but she is so special.

 This I Promise YouWhere stories live. Discover now