Chapter 42 - Tragic Fear

3.4K 287 271
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Thoughts, emotions, fear at kung ano-ano pang mga pwedeng mailarawan sa nararamdaman ko ngayon. I left Wilson on that secluded area of the school and never turned back, running as fast as I can to reach the parking lot.

The day is almost out as the sun is about to leave again. Hindi ko na antala kung may mabangga man ako. Ang alam ko lang ay naiinis ako, nasasaktan at natatakot. Naiinis sa katangahan ko. Nasasaktan sa katotohanang ang isa bestfriend ko mula pagkabata ay pwedeng maging sanhi ng pagkawasak ng kung ano ang mayroon kami at lalo na ang takot na baka may gawin itong masama at mawala na ito ng tuluyan sa tamang pag-iisip dahil lang sa labis na pagmamahal.

How could this be happening?

Feeling ko ay nasa gilid ako ng isang mataas na tulay at pinapipili kung anong dapat gawin. He is my bestfriend and he can't hurt Camille. Hindi na dapat pa umabot sa lagay na iyon. Gusto kong maglabas ng sama ng loob. I felt betrayed. How can Harvie do this to me? How can he ruin my relationship with Ava, how can he hide things like this kahit na alam nyang masasaktan ako? Nabulag na sya ng pagmamahal nya.

I wipe my tears as I am still running towards my car. I immediately opened it up but damn my car won't start na para bang hindi nakikisama ang panahon. My car is totally fine at lagi ko itong minemaintain, it is not new but definitely not too old at halos wala pa ngang tatlong taon ito sa akin o dalawa. It felt like the world is trying to stop me, like something is trying to hinder all that I am about to do. Halos mahampas ko ang manibela sa di pag-start ng kotse ko. I kinapa kapa ko ang bulsa ko just to find out that my phone was left on that area where Wilson and I talked.

Damn it!

I can't go back sa laki ng university at nasa dulo pa. All I am thinking now is Camille. How the hell I am going tell her to avoid Harvie? Halos hindi ko na masikmura lahat ng mga nalaman ko at sasabay pa ito ngayon base sa pakiramdam ko. I quickly left my car and got out of the gate. Madali kong pinara ang taxi at agad na ibinigay ang address ng bahay nila Harvie. I know where it is.

"Manong pwede po pakibilisan?" I asked the driver while my hands are a bit shaking with nervousness. Sana mali ako. Sana mali si Wilson but no matter how much i deny that fact ay ramdam ko ring totoo.

"Mabilis na Ma'am yung takbo natin. Hindi naman ako pwede po magbeat ng red light pasensya na po. Hayaan nyo po dadaan ako sa ibang shortcut at mukhang nagmamadali ho kayo. Magga-gabi na rin po kasi baka makadisgrasya tayo. Pasensya na talaga," sabi nito sa akin habang tinitignan ako nito sa salamin.

I wasn't able to smile back dahil sino ba naman ang kaya sa lagay ko ngayon? All I can do is look at the view and see if we're getting near as frustrated as I am. Kung pwede ko nga lang paliparin ang sasakyan ay pinalipad ko na.



 It Happened to Vienne Again. (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon