🌕Moon 46:Leveling Up

561 29 0
                                    

Devon Solaire


"Ready the first medical team. As I was said before,this will be going your performance output and remembered all you've learned"

"Yes,Mrs. Solaire"

"Good. Healer Ivory,off you go"

Agad namang sinunod ni Ivory kasama ang ka teammates nito ang utos ni Mama at tumakbo sa gilid ng Arena,kung saan may black glass cube dun at may dalawang clinic bed at mga iba pang gamit. Hindi ka mapapansin dun.

Sa gitna ng arena ay isang napakalawak na battle circle at may parang cylinder dun na nagsisilbing barrier para protektahan ang mga manunuod.

Konti palang ang mga Lunaphiles dito at yung iba ay staff at emcee sa taas. Naghahanda.

Bumuntong hininga ako at nilipat ang atensiyon sa mga kasamahan ko. Nasa bungad kami ng battle circle.

We're divided by 20 groups. Batch 1 sila Ivory at bawat grupo ay may limang miyembro.

Nasa batch 14 kami at kateam mates ko sina Savannah,Courtney,Emerald at Heaven na naka angkla na naman sa braso ko. Kanina pa ito daldal ng daldal kesyo,naeexcite siya,kinakabahan,hayst. Mix emotions kumbaga.

"I'm really nervous and excited at the same time,Devon" I sigh again on what Heaven's line....again.

"It's the 30th times you've said that,Heaven,Calm"awat ko rito. Malalim itong bumuntong hininga at bumuga saka ngumiti sa'kin.

"Better?"

"Better!!"

"Good. Then shut up. Naririndi na ako sa boses mo. Hindi ko alam kung ba't nakakatagal ako sa matinis mong boses" diretsahang sambit ko rito na ikinanguso nito.

To tell you,It's the day of Leveling Up. And as usual,naka white uniform pa rin kami. Inayos ko ang salamin ko at malalim na bumuntong hininga.

Kahapon lang ako na confine and yeah,wala akong matinong training. Kahapon ko din nalaman na nakita na nila akong nakahilata sa room na yun at walang malay.

Hindi pa rin ako satisfied sa mga sagot nila. How could it be I end there unconcious and healed kung nasa gubat ako nun. Halata namang niligtas ako pero sino? Isn't it my mate?

Pero ang sabi ni Crush,
Healers do not have mate,even magicians or users. Kung may mate daw ako ay may nakikita na sana akong red string na parang bracelet sa pulsuhan ko,pero wala.

Well,I just asked him yesterday kahit na nakakailang because we..kissed. I don't know pero nakaramdam ako ng kaba ng pumikit ako at hinayaang mahalikan. It was like,I've committed a sin.

Napailing nalang ako sa naiisip at tinuon ang pansin sa mga kasamahan ko. Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na yun. Crush proved that wala akong mate. I should've relief. Napaparanoid na ata ako. Hayst.

"Okay. Dumarami na ang mga pumapasok. Magsisimula na" sambit ni Mama kaya nagsi ayos kami at kaniya kaniyang kumpulan sa mga kagroup.

"We can do it,girls"Savannah cheered up na ikinangiti at ikinasang ayon namin. Well,she's our leader in our group.

"Welcome! Welcome! Welcome!" dumagundong ang hiyawan sa mga estudyante. Lahat ay excited at kinakabahan dahil ito na ang way nila para maglevel up. Who knows,baka may magpalabas ng dinosaurs or dragons,hindi ba?

"I am Ms. Moiselle as your emcee. Today,is the day we give our best to level up,to be the top." mas dumagundong ang hiyaw ng mga estudyante. Nakunot ang noo ko,Ms. Moiselle was really alive. Nasa taas siya at may lumulutang na platform dun hawak ang isang microphone.

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now