First Date for 2013 ♥

32.6K 296 34
                                    

Ala-sais na. Tapos na mag-ayos si Vice. Palakad-lakad ito, hinto, upo, tayo at lakad ulit. Habang tinitingnan naman siya ni Donna na nahihilo na kakatingin kay Vice.

Donna : Ano ba teh?! Ako nahihilo sa pinaggagagawa mo! Ano ba aalis na ba tayo o puro ganyan ka na lang?!

Vice : Teka lang teh, nagdadalawang isip ako e. *umupo*

Donna : Gurl! Manonood ka lang ng Concert! Ano perstaym?!!! Faney na faney?!

Vice : *pinapaikot sa kamay ang phone* Hindi yun gurl e. Kinakabahan ako kasi kasama ko si Karylle. Tapos sabi ko pa date namin yun. :/

Donna : Asus! Para yun lang e palagi naman kayong nagkakasama pag nanood ng UAAP anong problema mo?! Saka ano naman kung sinabi mong "date" edi friendly date. Pareho kayong pusong babae. Walang malisya dun. Maliban na lang kung.....

Hindi pa natatapos magsalita si Donna nang...

Vice : Nako Donna ah! Wag mo kong paandaran! Nako! Sinasabi ko sa'yo! Wala akong gusto dun ah! *tumayo* Tara na nga! Susunduin ko pa si K. Ako nang magmamaneho!

 Donna : (Anong problema nung baklang yun? Kaloka!) *sunod na kay Vice*

Sa Silver Concert.

Nagtweet si Vice.

@vicegandako

 On my way to MOA Arena to watch @reginevalcasid's SILVER CONERT with @anakarylle.






Picture picture sila with some other friends and silang dalawa ay may solo picture din na agad namang pinost ni K sa twitter.

@anakarylle

Ate @reginevalcasid onstage! #silver2therepeat @MOAArena with my date @vicegandako. But just saw my crush @mikecarandang79 ;)







Habang nagbabasa si Vice ng mga reactions tungkol sa tweet niya e nabasa niya ang tweet ni K. Napakunot ang noo nya. At tiningnan ang lalaking sinasabi nitong "crush" nya!

2013 na ViceRylle! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon