Chapter 2

6.2K 225 204
                                    

DESPA

Volleyball

Sabado ng umaga at maganda ang sikat ng araw, sakto sa P.E. time na'min ngayon. Which is Volleyball.

Four groups consist of six players. Iba sa girls at iba din ang laro sa boys. And, I'm their referee.

Group A versus Group B, all girls.

Group C versus Group D, all boys.

"Let's begin the game!" Anunsyo ko nang makapwesto na ang lahat sa kanilang mga posisyon.

Ayos lang na pagpawisan sila dahil suot naman nila ang kanilang P.E. uniform at itong subject lang naman ang klase nila kaya pagkatapos nito ay uwian naman at maaari na rin silang makapaglinis ng katawan.

Sinadya ko rin na ilagay sa Saturday ang P.E. subject para in-case na may ganitong activity ay hindi madudumihan ang kanilang mga uniform. Half day lang din ang subject na ito kaya ayos lang sa mga students.

Nandito kami ngayon sa gitna ng field at may ilang Estudyante ang nanonood at nakiki-cheers sa bawat team. Kaya ginaganahan maglaro ang bawat kupunan at hanga ako sa kanila dahil ang galing nilang maglaro ng Volleyball.

Sa unang laro ay nanalo ang Group B, sa ikalimang round na talaga naman ay nagkaroon ng magandang laban.

Ngayon sa labanan ng boys ay ganoon din ang mga pinapakitang galing sa paglalaro ng Volleyball. Bawat player ay binibigyan ng bola. Bawat palo ay matalas at nakakascore ng walang palpak. Nagsasalitan lamang ng scores ang dalawang team.

Nasa final round na ang laban ng biglang maghiyawan ang mga Estudyante kong babae na napapatalon pa sa kilig at may tinatanaw kaya nasuyod ko ng tingin iyon at napahinto ako ng makita ang kumpulan ng mga nakauniform na kalalakihan na pumasok sa school.

May headband pang nakalagay sa kanilang mga noo.

Pero ang siyang nagpagulat sa'kin ay ang lalaking nasa unahan na siyang nagpasiklab ng inis ko.

Ano na naman ang ginagawa ng antipatikong lalaki dito? Nagsama pa talaga ng buong pwersa niya. Tss.

"Hi, Ma'am! Pwede din ba na makilaro kami?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni officer Hernandez bago tumingin sa katabi nito.

"This field is for the students only and not allowed to use for the outsiders." Diniinan ko ng husto ang huling sinabi habang nakatingin sa kaharap ko na biglang ngumisi.

"Ngayon ko lang narinig na outsiders na pala kami. Tsk." Buwelta nito na lumapit pa sa kinaroroonan ko.

Nakita ko ang paghagod na naman nito sa kabuuan ko na kinakulo ng buong sistema ko.

"Ang sakit naman, Eagle!" Kantiyaw ng mga kasamahan nito sa likod.

"Excuses lang mga, Sir's! Pero kita niyo naman na may activity dito at dinidisturbo ng presensya niyo." Muli na naman nagkantiyawan ang mga kasamahan nito at nakaagaw pansin na sa lahat ang presensya nila.

Lalo na itong lalaki na tinatawag nilang Eagle. At bakit Eagle naman ang tawag nila sa kanya? Trip lang?

Or, huwag nilang sabihin na kasamahan sila ni Cardo? Tss.

Pauso din ang lalaking ito ah.

"Mr. Hunstman! Kinagagalak ko ang pagbisita niyo sa paaralan." Salubong na bati ni Sir Martinez na parang nagulat sa pagdating ng mga ito. Agad pa itong nakipagkamay.

"Hm. Nais ko lang na bisitahin ang School ko." Aba't! Ang kapal ng face!

Kailan pa naging kanya ang School? Nang-aangkin lang ng hindi kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hunstman Series #:11- The Dangerous SniperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon