LIFE: Penthouse

566 27 0
                                    

Zoe's POV

"May roommate na pala ako." Kumento nya at lumapit sakin. "Hi! I am Agnes, daughter of Aura. You are?" Pakilala nya at inabot ang kamay.

"Zoe." pakilala ko ag inabot ang kamay nya.

"Tipid mo namang magsalita, magbibihis muna ako ha? Tapos sabay na tayong pumunta sa Hall." salita nya at nagtungo sa closet nya at kunuha nang damit at nagtungo sa CR, huminto muna sya bago pumasok para tumingin sakin.

"Sure." sagot ko sa tanong nya. Ngumiti sya at pumasok na sa banyo. Nagtungo naman ako sa closet ko at kumuha nang bedsheet at comforter saka inayos ang higaan ko. Binuksan ko rin ang kurtina nang bintana sa banda ko at binuksan ang bintana para makapasok ang hangin. Napangiti ako nang dumilim na ang kalangitan at maya maya narin ay magpapakita na ang buwan.

Narinig ko ang pagbukas nang banyo at nakita ko syang nakabihis na.

"Tara?" Tanong nya. Tumango ako at sumunod sa kanya palabas nang kwarto.

"Kilala mo ba ang ina ko?" Tanong nya bigla habang naglalakad kami tungo sa elevator.

"Aura? the goddess of morning breeze?" Patanong na sagot ko. Tumango sya at sumakay kami sa elevator. Tumingin ako sa glass panel at nakitang muli ang liwanag nang buwan.

"I have this weapon that doesn't suit my mother's domain." salita nya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin pala sya sa buwan. Sandali syang tumingin sakin at may nilabas na baraha. "Cards. It makes me fight easily and use my strength completely." dagdag nya. Napatango ako habang nakatingin sa kanya na nilalaro sa kamay nya ang baraha. "You?" Tanong nya at sabay kaming lumabas nang elevator at nagtungo sa Hall. Yes, may grand Hall ang Dormitory na ito kung saan nagkakasama sama ang mga estudyante na kumain, umaga hanggang gabi.

Napaisip ako habang nagmamasid sa paligid, marami nang estudyante sa Hall. Weapons? Yes, Demigods has their own weapons. Mga weapons na mahahanap at matatanggap mo mula sa Deity parent mo o sa domain nito. Some says, nakita lamang nila ang weapon nila, at rare lang ang kagaya ni Agnes.

Nilabas ko mula sa bulsa ko ang tatlong transparent marbles. Pinakita ko ito sa kanya.

"Pareho lang tayo. Ang mga marbles na ito ang weapon ko, no nature relation at all." sagot ko. Bumakas ang pagkamangha sa mukha nya at tumango tango.

"Waahh akala ko wala nang iba bukod sakin at sa mga nasa penthouse ang kakaiba, pati rin pala ikaw." sagot nya.

Naputol lang ang usapan namin nang tanungin kami nang nymph kung ano ang kakainin namin. Yes, nymphs are the service crew of this school. Nagorder na si Agned at ako naman ang sumunod, hiningi nang nymph ang access card namin kaya nilabas ko ang card na bigay ni Mr.Dylan pero napahinto ang kamay ko sa paglahad sa Nymph nang makita si Agnes na nakanganga sa card na hawak ko.

"Gold Holder ka?" Tanong nya kaya napatingin ako sa card na hawak ko at sakay Agnes, tumango naman ako at inosenteng tumingin sa mukha nyang tila gulat na gulat at namamangha. Tinanggap na nang Nymph ang card ko at tinapat sa device.

"Bakit? Ano bang meron sa Gold Holder?" Tanong ko. At tinanggap naman namin ang card namin nang ibalik ito nang Nymph. Kinuha narin namin ang pagkain namin.

"It has unlimited access, unlimited money spend and you can even buy the Penthouse." sagot niya. Napatango tango ako habang naglalakad kami tungo sa pinakadulong mesa na bakante.

"Penthouse?" Tanong ko at nilapag ko ang pagkain ko sa mesa saka naupo.

"Penthouse ang tawag sa unit na nasa 24th to 25th floors." sagot nya. At may hinahanap ang mga mata nya mula sa mga taong kumakain. May tinuro sya sa likuran ko kaya lumingon ako roon. "Those people live in 24th floor." dumapo ang tingin ko sa grupo nang babae at lalaki na kumakain at naguusap sa mahabang mesa, umaabot sila sa walo katao. "And those," may tinuro na naman syang panghuli, tatlo ka lamesa ang layo namin sa panghuli nyang tinuro. "Live in 25th floor, they are considered as the highest among us." salita nya. Napatitig ako sa grupo nang mga babae at lalaki, kasama na sa grupong iyun ang unang taong kumausap sakin at ang babaeng naghatid sakin kay Mr.Dylan.

Life: Ananke's Daughter✓Onde histórias criam vida. Descubra agora