Prologue

10 0 0
                                    

From: Zharina

Punta ka dito sa coffee shop kung san ka tumatambay. Ngayon na para makapag usap tayo.

10: 32 am

Bakit kailangang sa coffee shop pa? Para namang hindi siya uuwi dito sa condo. Agad akong naligo at nagbihis dali dali akong pumunta sa coffee shop na lagi kong tinatambayan.Pag karating doon ay hindi ko agad siya na kita dahil ibang tao ang sumalubong sakin.

"Uh-hh wala ka bang kasama? Sinong nag papunta sayo rito? Naka order kana ba?" Sabi ko pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya nakatitig lang siya sa akin.kaya ako na ang umorder ng coffee namin. Hindi pa man ako nakakaupo ay nag salita na siya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na nakita mo na pala siya? Bakit di mo sinabi sa akin na kilala mo na pala siya?,"aniya habang pinangingiliran ng luha.

Tinitigan ko siya pero ganon a lang ang gulat ko ng sumalubong sakin ang matatalim niyang mga tingin. Kaya wala akong nagawa kundi diretsuhin siya. Tutal mukang nag aalab naman na talaga siya sa galit.

"Bakit ba ganon na lang kaimportante sayo na mahanap siya?," Sabi ko habang sumisinghap. "Ako yung nandito, ako yung bumuo sayo...ay buo kana nga pala ulit kaya kailangan mo na siya para mag pa wasak ulit," di ko alam na tuloy tuloy na pala yung luha ko.

"Alam mo sa nangyayari ngaun...hindi ko kayang isipin na hindi ka makasarili ng dahil sa ginawa mo," sabi niya habang nakakunot ang noo. "Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit...hindi naging malinaw sayo lahat ng sinabi ko, lahat ng dahilan ko! Siguro dahil makasarili ka ngang talaga kasi hindi mo inisip yung nararamdaman namin, isang hiling lang yon pero hindi mo naibigay," dagdag niya pa at biglang tumayo. sa pag kakataong ito sobrang talim na ng pag kakatitig niya sakin. " Kasi nga makasarili-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad na dumapo sa pisngi ang palad ko.

"Oo naging makasarili ako mas inuna ko ung nararamdaman ko, pero sa pag kakataong ito nasaktan din ako," sabi ko na patuloy pa rin sa pag luha. "Humanap din ako ng paraan para makapag usap kayo pero walang chance kasi hindi kayo nag tatagpo" pagtatapos ko dahil hindi ko na kinaya ang presensiya niya kaya iniwan ko na siya sa coffee shop. Kulang na kulang yung oras ng pag uusap namin pero kailangan ko ng umalis dahil hindi ko siya kayang harapin ng ganon ang pag uusapan namin

Agad akong sumakay sa kotse at nilisan ang coffee shop. Na set up pala ako, hindi ko inakalang darating kami sa ganitong sitwasyon . Gusto ko ring malinawan pero hindi pa ito yung oras dahil hindi ko pa kaya makarinig ng mga masasakit na salita galing sa kaniya. Pag karating ko sa condo nadatnan ko ang kaibigan ko sa sofa, halatang hinihintay ang pag dating ko agad siyang napatayo pag ka bukas ko ng pinto.

 

" Uh...sorry kung sinet up kita ha! Ito lang kasi yung naisip kong paraan para mag kausap kayo" sabi niya habang pumipiyok kitang kita ko pa ang pag lunok niya.

"Unti-unti ko nang natatanggap na kahit kailan hindi niya ko kayang mahalin," sagot ko at agad na dumiretso sa kwarto ko, ayokong makita niya ang namumuo ko nanamang mga luha.

Pag pasok sa kwarto agad akong nag bihis at humiga. Simula sa araw nato kakalimutan ko na lahat ng namagitan sa amin, kakalimutan ko na nag kakilala pa kami.

A Love that LiesWhere stories live. Discover now