Chapter 01

7 0 0
                                    

Russia's POV

"Zharina pwede bang bilisan mo diyan napaka bagal mo naman eh."lagi na lang kaming nalalate sa school,pano kasi masyadong masipag kahit madaling araw na nag aaral pan din...tsk.

"Oo ito na...bat ba kasi nag mamadali ka?"

Wow kung makapag demand para namang di niya alam na late na kami...kung di lang ako na ngako sa nanay mo na di kita papabayaan baka iniwan na kita dito.

"Ay sorry maam huh!late na po kasi tayo."di na nga ako kumain ng almusal dahil akala ko pa naman pag gising ko bihis na siya un pala nakahiga pa't humihilik.

"Tara na." pinasadahan niya ako ng tingin. "oh bat naka civilian ka? Akala ko ba nag patahi ka na ng uniform mo? Gusto mo bang mawarningan ulit?" sabi pa niya habang nakakunot ang noo.

"Ano ba napakadami mong tanong...di pa kasi tapos yung pinatahi ko! Ikaw na mag drive ha." inabot ko sakanya ang susi at saka nag lakad papalabas.

tahimik lang kami sa daan patungong paaralan,di naman kasi talaga ganon kalayo ang paaralan dito kung, tutuusin nga pwede namin itong lakarin kaso ano pang silbi ng kotse namin kung mag lalakad lang rin naman pala kami papasok.pagkarating namin ay agad kaming nagtungo sa kanya kanya naming  silid,hindi naman kasi kami mag kaklase dahil second year collage siya,senior high naman ako.simula elementary mag kaibigan na kami nito ni Zharina para na nga kaming mag kapatid kaya nangupahan na lang kami sa condo dahil iisa lang rin naman kami ng paaralan pano ba naman kasi ayaw kong mahiwalay sa kanya...pag pasok ko sa room as usual late nanaman pero mabuti na lang at mabait ang professor ko.

Basta ang alam ko daldal lang ng daldal ung prof. Namin sa unahan di ko naman masyadong naiintindihan,ewan ko ba kung bakit ito ang may pinakamahabang oras sa lahat ng subject namin eh hate na hate ko nga itong Science. Pag ring ng bell agad kong tinawagan  si Zharina,ang kaso di pa daw nila recess mamayang 4:30 pa daw sila, eh kami naman pasukan na namin yon para sa next subject.napag pasyahan ko na lang na pumunta mag isa sa cafeteria para bumili ng kung ano at don ko na lang kakainin sa room.pagtapos kong bumili ay agad ko itong kinain at nag umpisa na kami para sa next subject.

Uwian na nakakapagod ang araw na to pero parang wala naman akong ginawa.

"Russia" napatingin ako kay Zharina na kung makasigaw parang wala siya sa harapan ko."Ano kanina pa kita tinatawag wala kabang balak umuwi? Ikaw naman mag drive huh! Pagod ako."agad niyang hinagis saakin ang susi,syempre nasalo ko naman agad.alisto yata ito!

Kung maka reklamong pagod kala mo naman ako hindi.pag karating namin sa bahay ay agad akong sumalampak sa sofa at nilagay ang bag sa may side table.

"Russia magluto kana nagugutom na ko eh!"hinihimas niya pa ang kanyang tiyan.

"Pwede bang mag pahinga muna saglit?pagod din kasi ako"inismiran ko siya kahit na hindi siya nakatingin sakin.

Minsan talaga kung mag usap kami para kaming hindi magkaibigan. Pero normal na yon samin.minsan nga akala ng iba nag aaway kami.

Agad akong nag bihis para makapag luto ng hapunan nagugutom na rin ako konti lang yung kinain ko kanina sa school nakakawalang gana kasi,wala kong kasabay.nag luto na lang ako ng tinolang manok yun kasi ang special dish ko para sakin special yun kasi si mommy pa ang nagturo sakin non.pag labas ko ng kusina nag aayos na ng lamesa si zharina para makakain na kami.sarap na sarap talaga siya sa luto ko halos simutin niya ung niluto ko.

"Rina bukas pala bibisitahin ko sila mommy,gusto mo bang sumama?tutal sabado naman bukas." Sabi ko habang naglalakad lakad at nag papatunaw ng kinain.

"Di na ikaw na lang,mag papahinga na lang ako" sabi niya habang nag babasa ng libro.

"Sige ikaw bahala...tulog na ko ha! Maaga pa ko bukas para maaga ako makapunta kayla mommy, ikaw na bahala diyan ha!"sabi ko at hindi na siya inantay pang sumagot.

Ewan ko ba diyan kay Zharina simula nung mag hiwalay sila nung ex niya parang naging ilag na siya sa mga tao.ang dami ngang nakikipag kaibigan sa school namin pero lahat un tinanggihan niya,di na rin siya lumalabas ng bahay.nakatulugan ko na ang pag iisip di ko alam kung anong oras ako nakatulog...

Katulad nga ng sabi ko gumising ako ng maaga di na ako nag almusal wala rin naman akong gana kasi wala akong kasabay.pagtapos kong na ligo nag bihis ako at nag iwan ng note para malaman ni zharina na nakaaalis na ko tulog pa siya masyado pa kasing maaga.tetext ko na lang din siya pagkarating ko sa bahay para naman alam niya.bago ako dumeretso sa bahay ay pumunta muna ko sa coffee shop para makapag kape man lang. Pagka order ko ng kape ay agad akong humanap ng seat malapit sa glass ung pinili ko para nakikita ko ung labas.habang nag kakape ako may natanawan akong lalaki na di ko malaman kung umiiyak ba siya o ano, katapat ko lang kasi siya at may hawak siyang picture...parang pinangingiliran siya ng luha kaya napatitig ako sa kanya. Siguro naramdaman niyang may nakatitig sa kanya kaya agad siyang nag angat ng tingin at nagtama ang tingin namin kaya agad akong nag iwas ng tingin...tumayo naman siya at agad na lumabas ng coffee shop.

'anyare kay kuya?bat sa coffee shop nag mumukmok?diba dapat sa bar?'

Pag katapos ko mag kape ay ayad akong nagtungo sa bahay namin,matagal na rin kasi akong di na kakauwi samin siguro mag iisang taon na...oo mag iisang taon na kasi simula nung umuwi si zharina dito nangupahan na agad kami sa condo. Umuwi kasi siya sa probinsiya nila noong mga nag daang taon 8 buwan din yata siya doon. Akala ko nga nag asawa na dahil hindi na naka balik.pag karating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng kapatid ko na lalaki, kasunod sila mommy at daddy.

"Russia mabuti naman at naisipan mo kaming dalawin dito sa bahay"sabi pa ni mommy na kunyari ay nag tatampo, pero agad ring ngumiti.

"Akala ko ay nag asawa kana dahil isang taon kang hindi nag punta rito sa bahay." Sabi pa ni daddy na kinuha ang dala kong bag at pinatuloy ako sa loob. "Akala ko nga kaya pupunta ka rito para sabihin saamin na nag asawa kana" agad kong pinandilatan si daddy ng sabihin niya yon.

"Daddy wag ka ngang  o.a wala nga akong boyfriend asawa pa kaya?" Sabi ko sabay ngisi at binalingan ng tingin ang ang bunso kong kapatid. "Oh Loide, kamusta kana? Wala man lang bang yakap si ate?" Naka nguso ko kunwaring sambit. Agad naman siyang tumakbo papalapit saakin.

"Ate bakit po ngaun ka lang ulit pumunta dito sa bahay?" Nakasimangot niyang sambit kaya agad akong napangiti.

"Busy lang kasi si ate, don't worry dito naman matutulog di ate ngaung gabi...tatabihan kita" agad namang sumilay ang ngiti sa kapatid ko.

Pag pasok ko sa kusina ay nakita ko na nag luluto si mommy napaka bango talaga niyang magluto kaya mas natatakam ako.hinintay kong matapos ang niluluto ni mommy bago ako pumunta ng dining area. Sabay sabay kaming kumain habang nag kukuwentuhan as usual kinakamusta nila ung pag aaral ko pero tango lang sagot ko.pag tapos namin ay ako na ang nag ligpit ng pinag kainan at nag hugas ng pinggan.

"Mommy, don ako matutulog sa tabi ni Loide ha! Namiss ko kasi un eh" sabi ko ng nakangiti. Agad namang tumango si mommy.

"Mommy ba't parang antahimik mo? Nag tatampo ka pa rin ba sakin? Sorry na...busy lang talaga ko masyado, alam mo naman na senior na ako kailangan ng focus"Pag lalambing ko habang nakayakap sa kanya.

"Naintindihan ko anak, sige na pumunta kana sa kwarto ni Loide baka iniintay kanon."sabi ni mommy at agad akong hinalikan sa noo.

Pag pasok ko sa kwarto ay nakatulog na pala ang kapatid ko. Pinag masdan ko siya habang natutulog napaka gwapo niya talaga, sigurado ako namaraming nag kakagusto dito sa kapatid ko grade 6 naman na siya. Isip bata lang talaga. Saglit pa kong nag isip-isip habang nag papaantok at agad na sumagi sa isip ko ung lalaki na nakita ko kanina sa coffee shop! Bat kaya siya umiiyak? Di kasi ako sanay na nakakakita ng lalaking umiiyak, bibihira lang yon noh! Siguro iniwan un ng girlfriend niya...sayang naman si kuya ang pogi pa naman.

Teka ano ba tong iniisip ko...Russia pwede ba na matulog kana lang. Ipinikit ko na ang aking mga mata at saka natulog.

:-)Acckkk sana na gustuhan niyooo!....this is my first story❣️ hope u like it!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love that LiesWhere stories live. Discover now