Chapter 32

407 18 6
                                    

"ikaw nang iwan, ikaw rin ang hindi maka-move on ngayon?" Humalakhak si Casse.


Bahagya ko'ng inilayo ang cellphone sa tainga. "Alam mo, Agusta—"


"Oh, mag tataray ka na naman. Shot na ba tayo? May sasabihin rin ako sa inyo. Importante lang."


Kinagabihan, Dumiretso ako sa building ni Agusta. May Mini Restaurant sa loob ng building nya.


Nag tatawanan silang apat pag dating ko.


"Traffic." Kinuha ko ang isang baso ng red wine at tinungga ito.


"Oh, Kalma. Umiinom ka na rin?"


"Pwede ba, Agusta? Kanina mo pa ako inaasar."


"Hoy, Wag kayo. Ang pangit umiyak nyan ni Dahlia," Natatawang sabi ni Casse.


Tumabi ako kay Monique. Sya lang ata ang Matino sa kanilang tatlo.


"Bakit mo kami pinatawag?" Si Monique.


"Nakita ko si Patcherie. Sa hotel ni Thorch kanina."


Nanlaki ang mata ko sa sinabu ni Agusta. Naka-ilang kurap si Casse. Malalim ang buntong hininga ni Monique.


"Puntahan natin. Panahon na siguro para komprontahin sya," Seryoso'ng sabi ni Casse. "Tatawagan ko si Thorch mamaya pag-uwi."


"Si Steffa nga pala?" Tanong ni Monique.


"Inaalagaan ni Mama."


"Casse," Tawag ko.  Nilingon nya ako. "Nag hahanap ng tatay ang anak mo. Gusto nya'ng makilala."


"Gago'ng 'yon. Puro babae inaatupag."


"Sino ba talaga ang tatay Casse?" Kinagat ni Agusta ang labi.


"Hindi na importante 'yon. Ang mahalaga ngayon, Inaalagaan ko ang anak ko. Hindi na ako nag hahangad na mag karoon sya ng tatay."


"Engaged na si Thorch," Sabi pa ni Monique.


Nag katinginan kaming tatlo. "Ha? Kailan pa?" Gulat na tanong ko.


"Dati pa. Nakakalimutan ko lang sabihin sa inyo."


"Hala, sino 'yung babae?"


"Isa candidate ng binibining pilipinas."


Kinabukasan, Nag paalam ako sa principal na mag leave ng isang araw. Mabuti na lang at napaki-usapan ko si Ma'am Linda na sya muna maging teacher sa klase ko. Pasasalubungan ko na lang sya.


Bahagya ako'ng yumuko ng makita'ng mag kakasalubong kami ni Pacco. Taka nya ako'ng tinignan.


"You're still on my prayer," Sambit ko.


"And?" Walang gana'ng aniya. "Why are you still obsessed with me?


"Bakit ang bilis mo namang maka-move on?" Balik na tanong ko.


"Dahil wala ng rason para iyakan ka pa."


Nanlumo ako ng lagpasan nya ako. Akala ko lilingon pa sya sa gawi ko pero hindi nya ginawa. Hanggang sa makaliko sya.


Nag kita-kita kami sa harapan ng Robinson. Nakasakay kami sa kanya-kanyang kotse. Si Agusta ang na sa harapan. Sya ang susundan namin dahil alam nya ang lokasyon ng Hotel ni Thorch.


Soulmate's Prayer. (Malabon Series #2)Where stories live. Discover now