Chapter 44

421 31 1
                                    

Nurse...

Gabb's Pov..

Isang buwan akong nanatili sa kwarto hindi ako lumabas sa kwarto lng talaga ako.Dindalhan ako ni manang ng pagkain pero tumanggi ako.Kumain lang ako kapag gusto ko,maligo lang ako kapag gusto ko,Matulog lng ako kapag gusto.

Namamaga na ang mga mata ko sa kahihintay ng text niya pero wla talaga kailangan talaga niya ng space..

Akala ko ba hindi aabot sa months??may kasunod pa ba to??

Napapagod na ko!!

"Gabb ,open the door.."mula sa pintuan may narinig akong boses isag pamilyar na boses "Gabb I said open the door.."..

Ate abby!!

Kusang tumulo na naman ang mga luha ko.Palagi nila akong chinecheck sa bahay kahit busy sila alam kong nagaalala sila sakin pero pero wala akong maramdaman kundi SAKIT...PURO SAKIT..

"Abby let her go."si sheki rinig ko naman ang pagtawa ni ate abby.

"Let her go?isang buwan na siyang ganiyan kung sana inayos niya ang sarili niya may trabaho na sana siya.."sigaw ni ate abby natahimik si ate sheki.

Ayokong magtrabaho ayoko ng mabuhay.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko parang hirap narin ako magsalita dahil sa kakaiyak at masakit pa ang lalamunan ko.

Bakit pa kasi kailangan niya ng space?Bakit niya ako natitiis ng one month?Hindi niya alam kung gaano kasakit tong nararamdaman ko ngaun.

Hindi nya na ba ako mahal?May pakialam parin kaya siya sakin?

"Gabb ano ba."Sigaw ni ate abby hindi ako kumibo .

Nakahiga lang ako sa kama hindi ko na alm kung ano ang itsura ko.

"Gabb what the he--- I said open the door.."Sigaw ni ate abby pero siya rin ang kusang pumasok.

Engot rin...

Sinu naman kayang gago ang nagbigay ng susi??

"Ano ba??".sigaw ni ate abby hindi ko siya pinansin."Hanggang kailan ka magkakaganiyn.?"

"Hanggat kaya ko"..Sagot ko natigilan sila..

"Nababaliw ka na ba?ha?.".Inis na sigaw niya"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo??".

"Ayoko na.."wala sa sariling usal ko saka naupo nagkatingnan nmn silang dalwa."Ayoko na.."

Pagod na kong maghintay ksalanan ko rin naman eh dahil sa ugali ko bakit ba kasi ganito ako?

"Kailangan ko na siyang makita.."Sabe ko saka tumayo pumasok sa banyo.

Kailangan ko siya kailangan ko na siyang makita hindi ko kaya hindi ko na kaya pang hindi siya mahawakan,Mayakap at ..at...MAHALIKAN..

Tumulo na naman ang luha sa pisngi matapos isipin 'yun bakit pa kasi kailangan ng space??

Wala akong maintindihan!!

May tinatago ba siya sakin?May kailangan ba akong malaman?

Engot ang sabihin mo wala ka talagang tiwala sakaniya..

Natapos akong maligo tumingin ako sa salamin namamaga parin ang mata ko dahil sa kakaiyak ewan hindi ko alam kung ano ang isusuot ko para matakpan ang mata ko siguro ay magshashades na lang ako.

"Makikipagkita ka ng ganiyan?."Inis na tanong ni ate abby matapos kung lumabas sa banyo."Gabb magbihis ka naman.

I'm just wearing  a pants and white na oversize shirt saka nagblack ng sapatos ano bang problema sa suot ko?

Love Is Gone(Unicocoxsheby)Where stories live. Discover now