Chapter 29

2.4K 152 36
                                    


29: E.D.S.A (Emosyong Dinaan Sa Awit)

Max

ALL I WANT tonight was to drown myself with alcohol, a lot of it. Hindi ko na pinapansin ang ingay sa paligid dahil sanay na ako. I build Elixir because I find peace in this kind of place. Bea and I had a heated argument a while ago. Alam ko na hindi dapat ganito na basta na lang akong umalis pero minsan kailangan lang talaga namin bigyan ng space ang isa't isa. Para mas makapag-isip kami ng mabuti pero hindi na yata mababago pa nitong pag-alis ako ang desisyon ni Bea.

She'll leave Brooklyn and me. I don't know when but soon. Hindi ko nga rin alam paanong ang bilis niya lang napag-desisyunan na uuwi siya. Dahil lang sa hindi ko pagsasabi sa kanya ng tungkol sa tatay niya ay handa na niyang itapon ang lahat? Inabot ko yung kaha ng sigarilyo at kumuha ng isang stick.

"Boss, you quit smoking years ago." Paalala sa akin ni Claudel. "Ano 'yan? Stress?" Sunod-sunod niyang tanong pagkatapos ako paalalahan.

Binalik ko sa kaha ang sigarilyo na kanina ko pa gustong sindihan. I quit smoking and I made Bea quit too, so it couldn't affect our health. Marami kaming plano sa buhay namin at ayoko na ma-kompromiso ng sakit na dahil sa pareho naming kapabayaan. Mga plano para sa aming dalawa at na-delay lang naman yung pag-asikaso ko sa visa niya. Hindi naman ibig sabihin ng 'di ko pag prioritized doon ay nawalan na ako ng pakialam sa kanya.

"We had a heated argument and I don't understand, Bea. I'm willing to give the world to her. I have plans for us, for Lola... fuck!" I said, throwing the glass on the floor. Tumayo ako para kumuha ulit ng alak na maiinom.

Nasa private lounge ako at pina-sara ko iyon kay Claudel ngayong gabi lang. Kaming dalawa lang naroon ng assistant ko at malabo naman marinig sa baba ang sigaw ko. Masyadong malakas ang tugtog para marinig pa ako na umabot miski sa kinaroroonan namin ngayon.

"Eh, boss, ano ba nangyari? Kanina lang excited ka umuwi galing sa Crowne Plaza Hotel."

Claudel was with me a while ago and he witnessed how eager I am to finish my schedule so I could bond with Bea at home. Kahit hindi kami lumalabas ni Bea kuntento na iyon sa bahay lang basta kasama niya ako. She's contented with that... before and I just got fucking busy with Elixir then this all happened. I couldn't believe all of this shit in a relationship was happening to us.

Masaya naman kami at sigurado akong masaya siya na kasama ako dito.

"She discovered that I hid everything about her Dad and read his dying email on my laptop. That selfish old man wanted to see and claim Bea now. He already tossed her away the last time we talked and offered me a fucking hundred dollars." Nagsalin ang alak sa baso at inisang lagok iyon. "Now, she wanted to meet him, too, and go home." Ma-diin ko na hinawakan ang baso pagkatapos ma-inom ang lamang alak noon.

Kapag naalala ko yung huling pag-uusap namin ng tatay ni Bea, hindi ko maiwasang magalit. Ako ang nasaktan para kay Bea at ayokong maramdaman niya ang kapareho ng sakit na naramdaman ko. I strongly believed that this was not selfishness.

"Boss, 'di ba ang mahanap ni Bea ang tatay niya ang dahilan kaya siya nagpunta dito? Ang selfish mo naman boss. Buong buhay ni Bea nangangarap siyang mabuo, magkaroon ng matatawag na ama at dagdag lang naman itong relasyon niyo. She didn't come here to meet you. May goal si Bea at sariling desisyon sa buhay kaya hindi mo siya dapat pinangunahan."

"You want me to let her be hurt by someone who tossed her away already?" I couldn't believe that I was hearing these from Claudel. My only confidant was calling me selfish.

Malalim na huminga si Claudel bago ulit nagsalita.

"Masaktan 'man siya o hindi sa katotohanan, call niya na iyon, Boss. Tatay pa din niya iyon kahit inayawan siya noong una. Hindi ito pangingialam boss, ha. Gusto ko lang sabihin sayo dahil iyon naman ang sabi mo sa akin 'di ba? Na pag may nakikita na akong mali, huwag ako matakot na sabihin sayo. Alam ko na mahal mo si Bea at mahal ka din niya, sigurado ako doon pero masyado mong ginawa siyang mundo. Sa kanya mo pinaikot ang buhay mo kahit sa maikling panahon lang. Hanga ako sayo pagdating sa pagiging mapagmahal pero boss yung ginawa mo, nakaka-disappoint."

That Summer In BrooklynOnde histórias criam vida. Descubra agora