17

7 1 0
                                    

Pag katapos ng klase nila janniyah, tumungo naman ito sa isang DETECTIVE CLUB.

Janniyah's POV

Nakita ko si reniel, nakaupo kaya sinamahan ko ito. "Ano chismis natin?" Tanong ko at napatingin naman ito saakin. Ang kanyang mga mata, mala vibrant ang kanyang mga mata.

Di ko nalaman na nakatingin din siya saakin, "may dumi ba mukha ko?" Inosente nitong tanong saakin at napapunas ito ng mukha gamit ang kanyang palad.

Napailing nalang ako at tumawa ng mahinhin, "Wala, tinatanong kasi kita kung ano update." Sabi ko habang pinag mamasdan yung binabasa niya, "kaya ayon, sabog ka eh." Dugtong ko at tumawa kaming dalawa.

"May iniisip kasi ako." Malungkot nitong sabi Kaya napayuko Ito habang ako naman pinag mamasdan ang kanyang kulay asul na buhok.

"Bakit ka nag pakulay?" Tanong ko sakanya, Matagal ko na siya pinag mamasdan, paiba iba siya ng kulay ng buhok, kaonti nalang maging clown na siya.

"A-ah eh!" Hawak niya sa buhok niyang kulay asul, "nag world war kami ni ate kagabi, sabi niya bahala na raw ako sa buhay ko edi ako naman tong masunurin kaya go ako push!" Ngiti nito at napataas nalang ako ng balikat.

"Pero iyah..." Malungkot nitong tawag saakin kaya napatingin ako sa makulay ni— may contact lense ba ire?!

"LAHAT NALANG BA NIEL MAKULAY SAYO?!" sigaw ko sabay sipa sa tuhod nito, "A-aray!!" Sigaw ni reniel.

Kumalma na ako dahil naalala ko sasabihin niya, "paano kung balang araw, nasa harapan ko na ang mapapangasawa ko?" Ngisi nito kaya tumayo na ako at tumakbo naman ito palabas sa detective club.

Babanat na nga lang corny pa, pwede na mag tinda ng mais. Corny.

Habang hinahabol ko siya, huminto naman ito kaya napahinto rin ako, "nakakapagod teka time freeze!" Sigaw ni niel saakin tas sinenyasan niya ako na time purs muna.

Bilis bilis tumakbo, akala mo nasa minecraft tayo. Ako si alexa siya yung skeleton.

Pag kalingon ko rito biglang nawala sa harap ko kaya hinanap ko to sa damuhan, wala naman.

May kumalabit saakin sa likod ko pero pag kalingon ko naman, wala naman. Pft! Ghost doesn't exist! Lol!

"Hoy, andito lang ako sa gilid mo." Kalabit saakin ni reniel kaya nagulat naman ako mga 2% lang.

"You sucker!" Kaltok ko sakanya.

Mr. Weeb Fall In-love To Ms. Future (Complete)Where stories live. Discover now