Chapter 14

302 18 3
                                    

Chapter 14: Family

The weeks continue. Sa tuwing weekdays ay pumapasok sa eskwela at kahit papaano, iniiwasan ko na ang pagiging pasaway at paggawa ng gulo sa loob o labas man ng classroom.

I'm trying also to listen in every lectures. Sobrang baba kasi ng scores ko sa nagdaang quarterly exam. At siyaka araw araw din kung tumawag si Mommy sa akin para kamustahin ang araw ko. Ayaw ko naman laging isagot ang kasinungalingan kaya ito ako't pinaninindigan ang mga sinabi.

"I'm trying my best to understand the lectures, Mom..." I answered one night after school.

Nagbibihis na ako. May usapan kasi kami ng mga pinsan ko na sabay sabay maghahapunan but Mom called so I answered her first.

"We're not pressuring you to understand it. Kung ano lang naman ang kaya mong intindihin, anak..." she said smoothly.

I beamed. "Yes, I'm doing it, Mom. Huwag na kayong mag-alala ni Dad 'cause I'm also trying to be better than before..."

"That's good to hear, hijo. Nga pala, Brandean called two weeks ago noong nasa Thailand pa ako. Pinaliwanag niya sa akin na siya ang may gustong huwag sabihin sa amin ang mga ginawa mo. Ngayon ko lang naalala na sabihin. And I'm also asking Brandean about you. Tugma naman ang mga sagot n'yo kaya sige at maniniwala na ako na good boy ka," she stated.

I bit my lip. Hindi nasabi sa akin ni Brandean na natawagan niya na ang parents ko and it was good to hear that he literally did what he promised.

"Next week ay pupunta kami diyan ng Daddy mo to fetch you..." she reminded.

"Bakit, Mom? Anong mayroon?"

"Birthday ng Tito Brandy mo! Nakalimutan mo na ba? Magtatampo 'yun sayo!" sagot niya.

And my lips parted when she said that. Hindi ko na naalala pa iyon ah. Kung hindi pa niya sasabihin ay baka nga tuluyan ko nang nakalimutan.

"Yeah right. I know, I know. Sige po, Mom..."

And that's when we ended up the call. Na saktong may kumatok naman.

"Parrish? Kakain na," it's him.

Sasabay din siya sa amin kumain? Binuksan ko na ang pinto at bumungad siya. Una ko agad napansin ang buhok niyang hindi nakaipit ngayon. Ang haba ng buhok niya ay hanggang ilalim ng tainga. Makapal pero sa tingin pa lang, halatang smooth and shiny.

His hair looks like from the 90's boy like mine. Akala mo'y isa siyang guwapong binata na nagmula sa mga naunang taon. Sa tangkad, tikas ng katawan, hindi talaga imposible na magustuhan siya ng mga babae sa school ko sa Maynila kung sakali man nagkabaligtad ang sitwasyon namin at siya ang pinag-aral sa school ko para bantayan ako.

"Tinawagan ka ni Tita?" pang uusisa niya nang pababa na kami.

"And how did you know that?" I raised my brow. Lahat nalang talaga kailangan alam niya?

"She called me first at sinabi niya sa akin na tatawagan ka din daw niya,"

Bumuntong hininga ako dahil ano pa nga ba ang inaasahan ko. Kulang na nga lang ay gawin siyang kapatid ko. Brandean Montenegro? Ew. Hindi pala bagay.

Lumipas pa ang mga araw at sa mga araw na 'yun. Naging maganda naman ang atmosphere sa pagitan namin ni Brandean tuwing nagkakasalubong at nagkikita kami sa school. Kahit sa malayo kapag nakikita niya ako ay tinatawag niya ako at kinakawayan.

"Kaibigan mo pala si Brandean?" si Felix sa tabi ko, isang mainit na tanghali ng biyernes papunta kami sa canteen.

"Hindi. Ganiyan lang talaga 'yan..." sagot ko at hinanap na sa dagat ng tao si Irish.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now