Chapter 8:

394 17 0
                                    


Today he cancelled all of his plan para puntahan si Ken.

He's really worried about Ken's condition and also curious dahil sa sinabi ni Josh kagabi sakaniya.

Pinaandar na niya ang kotse niya papunta sa hospital.

.
.
.

Matapos niyang iparada ang kotse niya ay agad na siyang pumasok sa hospital para hanapin si Ken.

"Nurse, may pasiyente po ba kayo na Ken Suson ang pangalan?" tanong ni Justin sa isang nurse.

"Wait lang po check ko po muna" tumango lang si Justin at nag antay.

"Ken Suson.... room 014, second floor po" pagkasabi ng nurse ay agad na tumakbo si Justin para puntahan ang kwarto kung nasaan si Ken.

tok! tok! tok!

Kumatok si Justin ngunit walang sumasagot.  Kaya napag desisyunan na niyang pumasok nalang

"Jah?" Anong ginagawa mo dito?" bakas ang gulat sa mukha ni Stell ng makita niya si Justin.

"Bibisitahin ko si Ken" pormal niyang sagot.

"Alam mong nandito si Ken?" tanong ni Stell at tumango naman si Jah.

Wala ng nagawa si Stell kundi tuluyan ng papasukin si Justin.

Natulala si Jah ng makita ang kalagayan ni Ken. Nahihirapan na itong huminga. Lumapit si Justin upang makita ito sa malapitan.

"Ken? Bakit? Paano nangyari 'to? Anong sakit mo?" sunod sunod na tanong ni Justin ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Ken.

Minulat ni Ken ang kaniyang mga mata, nakita niya si Justin... ang taong mahal niya.

Kasabay ng pagngiti niya ay ang pagtulo ng luha niya.

Hindi nagtagal ay napapikit na si Ken at ang makina na nasa tabi niya ay tumutunog na hudyat ng nalalapit niyang pagkamatay....

Atleast nasilayan ko ang mukha mo bago ako mawala sa mundo, nakita ko ang matangos mong ilong at maganda mong mata na punong puno ng pag aalala. Sana sa susunod na buhay ay pagtagpuin tayo ng tadhana, Paalam Justin, mahal ko...

Agad namang tumawag si Stell ng doctor upang tingnan si Ken.

"He's not gonna make it Mr. Ajero, we did our very best to save his life, I'm sorry" sabi ng doctor bago lumabas.

petals and tears | kentin ✓Where stories live. Discover now